Chapter 7: Fall

10 4 0
                                    

Fall

"ano nanaman ba yun?" tanong ni liam

"liam please bati na talaga tayo kapag inuwi mo na ako! Ayoko dito may pusa huhu" lumapit naman sa akin si liam at ginulo yung buhok ko

"wag ka mag alala iuuwi na talaga kita dahil sabi ng kuya mo kapag nagising ka na iuwi na kita" mabuti na lang iuuwi na ko, ayoko talaga sa mga pusa dahil feeling ko kakagatin nila ako at kakalmutin, ang pangit pa ng kulay, kulay itim. Sabi kasi nila pag itim daw malas hehe

"tumayo ka na dyan luna, nakahanda na yung pagkain sa baba. Kumain ka nuna bago tayo umalis" tumango ako at tumayo. Habang naglalakad ako natatakot ko sa pusa dahil hanggang sa pag alis ko nakatitig pa din yung pusa sa akin.

Paglabas ko ng kwarto namangha ako sa laki ng bahay. "liam" pagtawag ko sa kanya

"mmm?"

"sa inyo ba tong bahay na 'to? Bat parang ang laki naman sobra" hindi ko talaga maiwasan na ilibot yubg mga mata ko, may chandelier sa kisame tapos yung tiles color black na may design na ewan tapos yung table nila kumikinang.

"actually ako na lang nakatira dito" ha? Sya lang nakatira sa masyon na to? Eh mas malaki pa nga bahay nila kila christian eh "sige na pumunta ka na ng table at kumain"

Paglapit ko sa table naamoy ko agad yung mga masasarap na pagkain. "ah liam? Hindi mo ba ako sasamahan?" nakatitig nanaman kasi sya sa akin.

Bakit kaya ang weird ng mga lalaki ano? "sige lang busog ako, para sayo lahat yan. Ako nagluto lahat nyan" seryoso sya? Eh halos sampung putahe lahat ng nandito sa lamesa

"ikaw bahala basta hindi ko to uubusin ha" nagsandok na ako ng kain habang sya nakatunganga nanaman sa mukha ko. Alam ko naman na maganda ako kaya sige lang liam magpakasarap ka

Habang kumakain ako, naalala ko nanaman yung mga sinabi nya last time

Alam nyang may gusto ako sayo dahil palagi kitang pinagmamasdan sa malayo

Itanong ko kaya sa kanya, wala namang masama eh "ah liam? Totoo bang ano..." hala kinakabahan ako, napaka assumera ko naman kasi eh.

Ako kasi yung babaeng walang pakielam sa mga bagay na nakakahiya kahit ano pa yan kaya kong sabihin, ganun ako ka brave soul. Pero bakit sa kanya nahihiya ako huhu

"alin yun?" ano sasabihin ko ba? Bakit kasi napaka assumera ko, namumula na ako dahil sa hiya tapos sya nakatitig pa din. Nahinto ko din tuloy yung pagkain ko kahit sarap na sarap na ako

"to-totoo b-bang may g-gusto ka sa akin?" hala nauutal ako paano na to!

Nagulat ako kase tumawa sya ng napaka lakas as in sobrang lakas, nag eecho na nga yung boses nya sa laki ng bahay eh "ano? Ako may gusto sayo? Paano mo naman nasabi yan ha?" tumatawa pa din sya

"sabi mo kaya yun" walang emosyon yung mukha ko, parang kasing nag aantay ako ng positibong sagot. Teka? Umaasa ba akong may gusto talaga sya sa akin, hindi pwede. Kahit bali baligtarin yung mundo sya pa din yung pumatay kay dad

"nagbibiro lang ako, sabi kasi ng mga kuya mo bawal daw sumama yung pakiramdam mo eh hahahaha!"

Oo nadidisappoint ako, pero bakit niya kailangang gawin yun? Sya ba talaga yung liam na nakilala ko 10 years ago? Siguro nga nakalimutan nya na yung pangako namin sa isa't isa. 7 years old pa lang ako nun eh tapos sya 9 years old kaya posibleng nakalimutan nya na nga. Na hindi nya ako kakalimutan.


Gusto kong magwala dahil sa saya at lungkot. Saya dahil nakilala ko ulit sya at nakita, lungkot dahil wala pala syang gusto. Pero okay lang wala din naman akong gusto ko eh

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now