Chapter 17: Repair

7 2 0
                                    



Repair



Liam's PoV

Nataranta ako dahil nanghingi ng tulong bigla si luna at hindi daw sya makahinga. Lahat kami nag p-panic ngayon kaya lumapit ako agad kay luna "Luna gising! Please lunaaaa!" sigaw ko sa kanya pero laking gulat ko ng dumilat lang sya na akala mo walang nangyari, at ang sama pa ng tingin nya sa akin.

"Siraulo ka sabi kong umalis ka!" teka? Totoo ba yung nangyari kanina? Kinabahan pa naman ako putcha



Pininhot nya ako at ang sakit nun, ramdam na ramdam ko yung kuko nya sa tenga ko "arayyy! Tama na masakit luna! Hindi ko na sila guguluhin, masakit luna!" pilit kong tinatanggal yubg kamay nya sa tenga ko pero ang hirap tanggalin

Nagtatawanan na sila pero hindi si mac, mukhang seryoso ito. "kapag hindi ka pa sumunod sa utos ko hindi lang yan aabutin mo liam!" tinanggal nya naman yung kamay nya sa tenga ko.

"promsise huhu" ang sakit nya mamingot, paano na kung kami na mamaya bugbugin na ako netong babaeng to, ayoko naman magkaron ng girlfriend na wrestler

pero kung si luna okay lang :))

Umupo naman ako sa upuan ko kanina kung saan katabi ko si luna. Nakaupo naman si luna sa kama nya at yung apat lumapit na kay luna. Naunang mag approach si carl, yung nanghingi ng number kay luna. Buti na lang napigilan ko kung hindi nako baka mapatay ko sya dahil sa selos.

"Luna kamusta ka na okay ka lang ba?" wow makapag alala akala mo nagkakilala na sila ng dalawang taon. Eh nung laban lang naman nila siya nakilala.


"oo okay lang ako carl" ngumiti si luna dito at nag iinit na yubg ulo. Bakit ba nya kailangan ngitian yung gago na yan. Tss mas gwapo pa ako dyan eh

Lumapit naman si mardee pero si luna mukhang naiilang, bakit naman ganyan sya kumilos? May gusto ba sya kay mardee, eh parang nung kailan lang nakita ko yang nakaluhod dun kay jane at nanghihingi ng sorry "Luna para sayo pala" inabot nya kay luna yung dala nyang flowers. Amoy na amoy ko yung bango nung bulaklak pero mas lalo akong nainis nung lumapit na yung mac.


"Alam na nila na niligawan kita luna, sabi ni mardee okay lang daw kaya alam kong okay lang dun sa kasama mo" tumingin sa akin si mac na parang ako yung pinatatamaan nya


"Hindi okay sa akin" sungit ko. Ayoko naman talaga eh, tsaka ano bang pinag alala ko eh nag promise na si luna sa akin na hindi nya sasagutin yang mga yan.

Pero mamaya totohanin nya yung sinabi nya kanina na sasagutin nya yang mga yan kapag nagkulit ako

"Liam!" sigaw sa akin ni luna. Bakit ba napaka mahina ko kapag nagagalit na si luna. Mamaya ma under ako nyan kapag nagpakasal na kami

Hahaha! Joke lang ayoko muna, wala pa sa isip namin yun tsaka kung papakasalan ko si luna gusto ko yung engrande at yung hindi nya expected. "oo na po boss luna okay lang sa akin na ligawan ka nyan" pero ang totoo labag sa loob ko.

Pasalamat kang mac ka si luna yung masusunod kung hindi kanina ka pa umiiyak dyan dahil ayoko.

Niyakap na lang bigla ni mac si luna at yung mukha ni luna mukha ding nabigla "KUYA NAMAN EH WALANG GANYANAN!" angal ni mardee.


Malapit na talaga akong makasapak konti na lang. Kating kati na yung kamay ko sa kanila "don't worry im just saying goodbye to luna" mabuti naman at aalis ka ng hayup ka, pero hindi kailangan ng yakap kapag aalis

Dapat kiss gaya ng ginawa ko. Hihi

"Aalis ka na?" hala? Ano bang sinasabi mo dyan luna eh parang ayaw mo pa paalisin yang mac na yan ha!

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now