Chapter 8: Date

14 5 0
                                    

Date

"pandak! Tumayo ka dyan, may bisita ka sa baba"

Ano nanaman problema ni kuya jade?

Tumayo na ako at hanggang ngayon inaalala ko pa din yung text ni christian. Nakonsensya kasi ako bigla, paano nga kung seryoso sya? Paano kung may gusto talaga sya sa akin?

Hindi ko kayang magpaka selfish lalo na kung may masasaktan akong iba, lalo na si christian pa. Kahit kasi maloko yun, importante pa din sya sa akin.

Pagtapos ko maligo lumabas ako ng kwarto ko. Wala naman kasi akong inayang bisita ngayon, baka si christian 'to. Kasi kung sya, sasabihin ko na lahat, na hanggang pagkakaibigan lang kayo kong ibigay at hindi ko na kayang i level up pa yun.

Hindi naman sa ayaw kasi nila kuya na mag boyfriend ako. Ang totoong dahilan ay hindi pa ako ready, hindi pa ako ready na masaktan, hindi pa ako ready na magsakripisyo. In short hindi ko pa kaya.

Pagbaba ko nakita ko si mardee sa sala. "oh mardee bakit hindi ka pa pumapasok?" naka uniform kasi sya tapos nag c-chill lang sya sa sala namin.

"ah kase ikaw talaga pinunta ko, sabay sana tayo."

Ano daw? Ano namang nainom nya? "okay, let's go then" iniwan ko sya sa sala ng nakatunganga. Hindi ko gustong gawin yun pero wala talaga ako sa mood, ewan ko ba kasi parang may kulang. At hindi ko alam kung ano yung kulang.

Paglabas ko ng pinto may humila sa braso ko "luna, what's wrong? May nagawa ba akong mali?"


Na realize ko rin kase na isa rin si mardee na pinapaasa ko. Oo aaminin ko gusto ko sya, pero hindi ko sya mahal. Gusto ko sya as a person, i like his attitude. Pero kasi hindi pa talaga ako ready, siguro nga hanggang ligaw at fling lang ako. Siguro


Hinarap ko si mardee ng nakangiti at pinisil ko yung magkabilang pisngi nya gamit yung dalawa kong kamay "alam mo mardee, wala lang talaga akong tulog kaya ganito ako" i lied. Pero wala talaga akong tulog hehezxcs

Ngumiti din sya, at ginulo yung buhok ko tapos ako naman yung iniwan nya. Dumiretso sya sa koyse nya pero yung binuksan nyang pinto ay hindi dun sa driver's seat kundi yung sa front seat. "oh, Bakit nakatulala ka? Alam ko naman na gwapo ko, let's take a selfie instead"

Tumawa kaming dalawa at saka ako lumapit sa kanya habang ako hinihintay nya dun sa pintuan ng front seat side "puro ka talaga kalokohan" hinampas ko sya sa braso


"hey im serious"


Inakbayan nya ako at hinatak papalapit sa kanya at tinaas nya yung cellphone nya "say cheese!"


"cheese!" sabi naming dalawa at saka nag snap na yung camera.

Ngumiti sya sa akin at ako naman pumasok na sa loob ng kotse nya, pinag sarhan nya naman ako at pumunta na sya sa dun sa Driver's seat.


Nakarating kami ng school ng walang imikan pagkalabas ko nag thank you naman ako, tanging ngiti lang yung sinukli nya at umalis na.


Patawad mardee, patawad.


Papunta na akong classroom pero bakit habang naglalakad ako parang may nakatingin sa akin at nagmamasid? Creepy!

Binilisan ko na yung paglalakad ko tapos...


"LUNAAAA!"


"AHHHHH!!! KUYA LEEEE TULONGG!" tili ko ng tili dahil sa gulat pero pag harap ko si christian lang pala


He Killed My FatherWhere stories live. Discover now