Chapter 20: Crush

4 1 0
                                    

Crush

"wala kasing akong kaibigan dito luna kaya.... Pwede ba kita maging BEST FRIEND?"

Buti naman best friend lang, whooo! Nakahinga ako ng maluwag dun ah! "tapos na kong kumain" sabi ni liam.

"teka aalis na kayo?" sabi ni cj, eh ano pa bang gagawin namin?

"Oo aalis na kami, kaya luna tara na" sabi ni liam sa akin pero hindi pa rin ako sumusunod sa kanya, nasa harapan ko lang sya at inaantay akong tumayo sa kinauupuan ko

"Movie Marathon muna tayo" sabi ni cj

Tinignan ko si liam "Please liam" nag puppy eyes ako, at buti na lang tumalab dahil nagbuntong hininga sya at alam ko na ibig sabihin nun

"sige na" yes hahahaha! Alam ko namang papayag sya basta ako "basta hanggang 9:00 lang tayo ha" tinignan ko yubg relo ko 8:00 na ng gabi.

Tumango ako "Luna at liam sumunod kayo sa akin sa kwarto ko tayo manood" sabi ni cj.

Si kyo naman nakatingin lang sa aming lahat, pero teka? Nasan na si ate hera eh kanina lang nakasalubong lang namin sya ah.

Umakyat na kami sa kwarto ni cj at hindi ito yung kwarto na tinulugan ko nun, dahil parang ng tahimik dito at ito yung gusto kong design ng kwarto. Grey yung color ng pader tapos black yung tiles, ang dami ding mga nakasabit na paintings at ang gaganda ng mga to. "cj anong papanoorin natin?"

"ano bang gusto mo luna?" sabi ni kyo

"Marami kyo eh hahaha! Pero pwede 'wag tayo mag horror?" natatakot kasi ako, kapag nanonood kami nila kuya lee nun hindi ko na natatapos kasi tinutulugan ko para hindi ako matakot

"Mag horror tayo" sabi ni liam.

Siraulo ba sya sabi konv ayoko ng horror eh "liam! Sabi ko ayaw ko ng horror eh" tinignan ko sya ng masama

"it's my time for you to let me do that i want babe, pinagbigyan na kita kanina kaya ako naman" sabay kindat nya, nagtitigan naman sila kyo at cj, ewan ko kung dahil ba ayaw ko nun o tinawag kasi ako ni liam ng 'babe. Ang corny ng babe

Nagsimula na yung palabas at first 15 minutes gigil na gigil na ako sa unan na yakap yakap ko, sa sobrang takot ko napapatago na ako sa unan na to,

Biglang may lumitaw na braso sa mukha ko "para san yan liam?" tanong ko

"braso ko na lang yung yakapin mo, di ka iiwan nyan" tapos ngumiti sya, ang pamatay nyang ngiti.

Binitawan ko naman yung unan tapos niyakap ko yung braso nya at nagtatago dito sa tuwing may nakakagulat na part. Alam kong tawang tawa sa akin si liam, Naamoy ko nanaman yung pabango nya na sobrang bango talaga. "Luna can i have a kiss?" napalingon ako sa sinabi nya, buti na lang sila kyo at cj focus na focus sa screen

"shhh! Siraulo ka ba eh nandito tayo sa ibang bahay" singhal ko pero pabulong, baka kasi marinig kami.

"sige na babe, isang smack lang pleaaasee" tapos sya naman yung nag puppy eyes

"Sige pero smack lang ah" sabi ko, smack lang naman kaysa kiss talaga, para manahimik na tong lalaki na to.

Mag kikiss na sana kami ni liam pero may narinig kaming ubo sa likod at napalingon kaming dalawa dun, Si ate hera. Bakit parang nagiinit na yung mukha nya sa amin? Tapos yung tingin nya kay liam parang may kung ano "uhmm, luna tumawag yung kuya mo sa telephone, umuwi ka na daw" akala ko naman kung ano na sasabihin nya, sana hindi kami nakita huhu

"okay, kyo and cj una na kami ha thank you sa lahat" ngumiti sa akin yung dalawa, tumayo na kaming dalawa at hinatak ko na sya pero si ate hera hindi pa din maalis yung tingin kay liam. Ano kayang problema ng dalawang to? Magkakilala ba sila, mamaya tatanong ko kay liam

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now