Chapter 25: Triguero Family

13 0 0
                                    


Luna's PoV

Ang tagal naman nito ni Liam bumaba, ma l-late na ko eh. Habang inaantay ko sya dito sa baba kumuha na lang ako ng tubig at umupo sa lamesa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sa wakas bumaba na din ang mokong na 'to. "luna, i'll fetch you after class. Were going to somewhere" ha? Saan naman kami pupunta?

"huh? Saan naman aber?" wala naman akong lakad today, and kung pupunta kami kala kuya bakit kailangan pa nyang mag paalam?

"shhh baby, basta let's meet at the starbucks near the school okay?" iniwan nya na ako at lumabas ng bahay. Sinundan ko naman sya na nasa loob na ng kotse. Saan naman kaya kami pupunta?

Hindi pa din mawala sa isip ko kung saan kami pupunta ni liam, at bakit ayaw nya bang sabihin. Mamaya may makilala na naman ako ang dami dami nang lalaki sa buhay ko may dadagdag pa.

Pagdating sa school ay tumakbo na ako papunta sa room. Late na din kasi ako ng 30 minutes, wala akong pakielam kung ang daming nakatingin sakin habang tumatakbo kahit na umaangat ng yung palda ko dahil sa hangin.

"Good morning Sir! Im sorry, Im late" sabi ko pagpasok ko sa room at tsaka dumiretso na sa upuan ko.

Hindi ko na tuloy nasundan yung topic at wala na kong maintindihan. Hindi ko din naman matanong yung katabi ko dahil seryoso sya sa pag t-take down notes ng sinasabi ng prof namin.

Pagkatapos ng isang oras ay sa wakas natapos na din yung klase namin. Hindi na muna siguro ako papasok sa second subject.

Lumabas na ko ng room ng makasalubong ko si mardee "Hey luna, do you prepare on your birthday?" wow parang sya pa ata yung mas excited sa birthday ko eh.

"ahm actually yes" ngumiti naman sya sakin at tinapik yung braso ko.

"Good to hear. So pano? See you on your birthday luna!" umalis na sya at ako naman dumiretso na lang sa canteen.  Wala masyadong tao dito sa canteen kaya nakahanap agad ako ng uupuan ko.

Kaso may biglang humawak sa braso ko at hinatak ako patayo "Tara na"

Ano? Anong tara na? "Let's go, aalis pala sila tita kaya we have to go early" nasisiraan na ba sya? Mag d-ditch kami ng buong day?

"Luna baby, just listen to me. Ako bahala sa mga profs natin" ano bang pinagsasabi nito ni liam? Sa tita nya ba kami pupunta? Ano ba yan. Tinatamad pa naman ako gumala ngayon.

Hindi ko na sya matinag dahil napaka higpit ng hawak nya sa braso ko at dinala ako sa kotse nya.

Habang nasa kotse iniisip ko kung ano ba talagang purpose namin sa pagpunta sa mga tita nya. Mukhang mapapalaban na naman ata ako.

"We're here" napatingin ako sa labas ng kotse. Tumambad sakin ang isang napaka laking bahay, pero mas pumukaw sakin yung isang lalaki na naka t shirt at may jacket pa na itim. Infairness bumagay naman sa kanya yung outfit hehe.

Kaso hindi naman malamig para mag jacket sya ng ganyan. Ang init init kaya

Bumaba na kami ng kotse habang si liam nilapitan yung lalaking naka jacket. "Long time no see bro!" sabi ni liam. Tinitigan naman ako nung lalaki, ang weird nya. Hindi lang sya weird dahil may braces sya, weird din  sya dahil ang amo din ng mukha nya. Mapapalaban talaga ako ngayon.

"Nice to meet you rin Liam" bati nito. "who is she?" sabay turo sa akin.

"Ah, she's my girlfriend. Luna" nginitian ko sya at nginitian nya din naman ako. Akala ko masungit sya pero okay naman pala. Kapal kasi ng kilay nya, mas lalo tuloy syang gumwapo hahaha

"Nice to meet you moon" nilahad nya yung kamay nya sa harap ko para kamipag shake hands. Nakipag shake hands din naman ako pero may halong pagtataka. Anong tinawag nya sa akin?

He Killed My FatherWhere stories live. Discover now