Mardee lim
Patulog na sana ako kaso may narinig akong tunog ng baril! Hala! Ano nanamang nangyayari!? Hindi ko na kakayanin kung may mawawala pa ulit sa pamilya ko!
Agad agad akong bumaba sa kanilang lahat. Napamura na lang ako sa nakita ko. P*utangina.
"Hoy! Saan galing yung putok ng baril na yun!?" tanong ko sa kanila kahit takot na takot ako tawa naman sila ng tawa "May nakakatawa ba? Mga baliw"
Nilapitan ko sila para tignan kung ano ba talaga nangyari. "Hoy pandak wag ka ngang OA! Nililinis ko lang 'tong baril ko kaso may bala pala kaya pumutok" siraulo talaga tong si kuya jade.
Pati mga katulong nagsilabasan sa nangyari, tapos si kuya lee at mommy tumatawa pa din. "sa susunod mag iingat ka kase jade tanda ng hindi namamatay sa gulat tong si luna" pang aasar pa ni kuya lee.
Umakyat na ako sa kwarto ako at inirapan sila, humiga na ako sa kama para ibalik yung pagkaantok ko. Pero mag kakalahating oras na hindi pa din ako dinadalaw ng antok.
It's already 12:46 Midnight, shit ano sobrang depressed ko na ata talaga.
Bigla ko tuloy naalala si daddy, pag hindi ako makatulog tinatabihan nya ako hanggang sa makatulog ako.
Daddy, nasan ka na kaya? Masaya ka na ba? Gabayahin mo po kami ah, mis na miss na po kita. Sayang kase hindi ko man lang napatunayan kung gaano kita kamahal at napatunayan sayo kung paano ka naging mabuti at huwarang tatay para sa aming tatlo. I love you daddy.
Hindi ko namalayan ang paghikbi ko, at pagtakas ng mga luha sa mga mata ko. Sayang lang at wala na sya wala ng magpapatahan sa akin pag umiiyak ako pag inaasar nila kuya.
- - - -
"Hoooyy! Luna! Gumising ka na at alis tayo!"
Ano ba!? Ang aga aga nangigising tsaka ano? At saan naman kami pupunta bakit sobrang aga naman ata. Ano ba 'to si kuya lee masyadong epal
"ano luna? Hindi ka talaga tatayo dyan? Anong oras na may laro kami ngayon sa school"
Nangigising sya dahil may laro sya? Ano namang pake ko?
Tumayo na ako sa kama para harapin si kuya nasa labas. Paglabas ko bumungad ang nakangiting kuya lee sa harap ko. "oh? Ano naman kung may laro ka?" nagtaka naman sya sa sinabi ko
"grabe ang bilis mo naman makalimot, hindi ba nangako ka na mag c-cheer sa akin sa laro ko?"
Oo nga pala, "sige na maliligo na ako! Isasara ko na 'to!" pagsara ko ng pinto dumiretso na ako sa banyo ng kwarto ko. Pagkatapos maligo nag bihis na ako
Pagkababa ako kumain na ako sa lamesa at si kuya jade mukhang busy kakatawag. Nahanap na kaya talaga nya? Tsk hindi naman kasi nagsasabi yun eh gusto nya kasi sya yung makakahanap dun sa kriminila na yun.
- - - -
Lumabas na ako ng kotse pati na din si kuya lee. Naka jersey na agad sya at mukhang excited pa talaga sya dahil buong umaga naka ngiti lang sya. Balie talaga.
Nauna na akong pumasok sa school at iniwan ko na si kuya lee dahil sa iba sya didiretso. Pagkapasok na pagkapasok ko nagkatinginan na agad yung mga tao sa akin.
Sanay na ako sa mga taong 'to at mga bulong bulungan nila.
Papasok na ako sa cr ng may lumapit sa akin isang lalaki. Okay na, kase may itsura tapos maputi, matangos ilong at magandang mata. "ah eh lu-luna?"
Bakit kaya sya nauutal at ano yang inaabot nya sa'kin? Btw hindi ako maldita ha, hindi ako katulad nila kuya lee at jade na napakaangas at napaka yabang.
YOU ARE READING
He Killed My Father
RomancePaano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee...