7

1.7K 46 0
                                    

Deana's POV

Nakatulog na kami sa Nipa Hut. naka upo laman ako dahil nakatulog na si Jessica sa paa ko. ang ganda talaga niya. kinakabahan ako dahil hindi pa ako handang ipaalam sa kanila na amin tung Rancho na pinuntahan namin.

Sabi kasi ni Dad mas konting tao makaalam, mas mabuti. Ayaw kasi ni Dad na ipaalam sa buong mundo na marami siyang ari-arian. Delikado kasi baka may magkainterest at malagay sa panganib mga buhay namin.

Pero mababait naman tung mga kaibigan ko. hindi naman siguro nila ako ipapahamak.

Habang maraming tumatakbo sa isip ko may biglang tumawag sa akin. Deana? Nagising na pala si Jessica. Napabangon na rin siya sa pagkakahiga. Si Pauline? Tanong nito.

tinuro ko rin sa kabilang upuan si Pauline na masarap pa rin ang tulog.

Napaangiti ako sa kanya. 

Inayos niya buhok niya at naupo ng tuwid sa tabi ko. Narinig ko kanina si Lola mo. Seryoso niyang tugon. Kayo pala may ari nitong bahay. Nakatitig lang siya sa akin samantalang ako na tameme na sa gulat. Bakit kailangan pa natin umakyat ng pader para makapasok dito, pwede naman pala tayong mag doorbell. Napatingin ako sa malayo, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

uhm... Kasi ano.. uhm.. Utal utal kong sabi.

Oh i see? ayaw mo pa ipaalam kay Pauline? Tanong nito. Ngayon ko rin napag tanto na nakatingin pala ako sa direksyon ni Pauline. May gusto ka ba sa kanya?

Ha? Wa-wala a-auh. Kinabahan kong sabi. 

Oys, Okay lang yan. Open minded naman ako. I'm not against Bi-sexual or any part of LGBT Community. Sabi pa nito. Hinawakan ang kamay ko at ngumiti. Your secret will be safe with me.

Sasabihin ko naman talaga eh. Pero hindi pa ngayon. Sabi ko kay Jessica. at ngumiti din sa kanya.

Akala talaga niya si Pauline ang crush ko kaya hinayaan ko na. Hindi naman kasi kailangan na malaman niya pa na siya ang gusto ko at hindi si Pauline. Pag gising ni Pauline patay na naman ako.

Gabi na ng umalis kami ng Rancho. Nagbabantay kami ng Jeep sa labas ng gate ng may humintong van sa harap namin. Pinagbuksan kami ng Pintuan at bumungad ang isang lalaki. Girls? Saan kayo? Tanong nito. Hatid na namin kayo. Napa atras naman kami ni Pauline.

Hinarap ni Jessica ang lalaki. Hindi na kailangan sir, may sundo na po kami. Magalang niyang sagot sa lalaki. Kinakabahan na ako. parang masama ang pakiramdam ko dito.

Halina kayo. Sabi ng lalaki sabay hablot ng kamay ni Pauline. 

Jessica!? Tawag ni Pauline. Takot na takot na siya. Hinila ni Jessica si Pauline at sinipa niya ang gitna ng lalaki. kayaa nabitawan niya si Pauline. 

Takbo na! Sabi ni Jessica sabay tulak kay Pauline papunta sa akin.

Hawak ang kamay ni Pauline tumakbo na kami pabalik sa gate ng Rancho. 

Walang hiya kang bata ka! Narining kong sigaw ng lalaki kaya napalingon ako kay Jessica na nasa likod lang namin.

Hinila ng lalaki ang Buhok ni Jessica pero hindi nagpatalo si Jessica, hinarap niya ito at sinuntok sa mukha, ng hindi pa rin siya binitawan hinila niya rin ang buhok nito at tinapakan nito ang paa niya. habang nakikipag buno si Jessica sa mamaang iyon ng Doorbell na ako sa rancho.

Pauline. Sabi ko kay pauline habang nanginginig pa sa takot. Dito ka lang ha. hintayin mong pagbuksan ka ng tao sa gate. Tumango lang ito kaya tumakbo na ako palapit kay Jessica dahil bumaba na rin ang driver ng van palapit sa kanya. Sinipa ko sa tiyan ang driver kaya natumba siya at nabaguk ang ulo sa may gutter. 

Kinagat na ni Jessica ang braso ng may hawak sa kanya at siniko ito sa ilong kaya dumugo ito. at sa wakas may mga tao na rin na tumulong sa amin.

Nagdatingan naman ang mga pulis at kinuha na ang mga kriminal na iyon. Kikidnapin na sana kami parang gawing prostitute mabuti na lang matapang talaga tung si Jessica kayaa hindi natuloy ang masama nilang balak.

....


Jema's POV

pagkatapos naming mag bigay ng statement sa Pulis ginamot na rin ang mga sugat ko. ang dami dami kong pasa. ang sakit sakit pa ng batuk ko dahil sa paghila ng lalaking iyon sa buhok ko. Natakot na ako pero kailangan kong maging matapang para sa mga kaibigan ko.

Buti na lang talaga walang napahamak sa akin.

Ginagamot na ng Lola ni Deana ang mga sugat ko. Naku, Ija. Kawawa naman tung maganda mong mukha. may mga kamot pa ng lalaking iyon. Napangiti na lang ako sa kanya.

Nakuha mo pa talagang ngumiti? Seryosong tugon ng Lolo ni Deana. Deana, Apo? Sa susunod pag ginabi na kayo huwag na kayong tatambay diyan sa labas. Napakadelikado. buti na lang talaga hindi kayo natangay ng mga iyon. Nagtinginan lang kami ni Deana.

Sa sobrang kaba, nakatulog na rin si Pauline sa Guest room. Kami na lang ni Deana ang gising, nasa balkunahe kami ng bahay. Salamat ha. Sabi ko sa kanya.

Kami nga di ba dapat ng papasalamat sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo baka ngayon pinaglalamayan na tayong tatlo. Sabi nito nanakangiti.

Salamat kasi binalikan mo ako dun. Kung hindi mo ako binalikan baka natangay na nila ako. Inakbayan ko na rin siya at nakatingin kami pareho sa mga bituin. Alam mo ba na ngayon lang talaga ako nagkaroon ng totoong kaibigan. Tinignan ko siya at nakatingin din siya sa akin. Parang lumundag ang puso ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin kaya binalik ko sa bituin ang tingin ko. 

Magiging magkaibigan tayo habang buhay Jessica. Sabi nito sa akin. Pangako iyan.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Eh kailan mo didiskartehan si Pauline?

Parang namula naman ito sa narinig. Wa-wala a-akong ba-balak no-nuh. Sabi nito na nauutal kaya binatukan ko na siya at tinawaan.

Aray! Reklamo niya. Para saan iyon? 

Wala lang. Ang cute mo kasi. Sabi ko sa kanya. Tulog na tayo. Bago pa akong tuluyan lumayo sa kanya ginulo ko muna ang buhok niya.

Jessica. Tawag niya sa akin sa likod habang tumatakbo palayo sa kanya. Pag nahuli kita. tapos ka sa akin. Binaletan ko siya at pumasok na sa kwarto para matulog kasama si Pauline. 

Binuksan naman ni Deana ang Pintuan ng Kwarto. Goodnight Jessica. Sabi niya sa akin sabay sira ng Pintuan at tumungo na sa kwarto niya.

Napaka aksyon ng gabing ito kaya nakatulog agad ako.

....



Best Of FriendsWhere stories live. Discover now