56

1.5K 51 3
                                    

Deana's POV

Hindi ako makatulog. Mag aalas tres nan g madaling araw pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko. Ayaw pa rin matulog ng katawan ko. Nasa ibabaw ako ng double deck na kama. Sina Jema at Jia nasa baba.

Awkward naman kasi kung kami ni Jema ang magkatabi. Naalala ko naman ang unang halik naming dalawa. Masarap yun. Hai. Kailan kaya mauulit yun?

Iniiwasan kong gumalaw kasi baka magising ko sila sa baba kaya pinilit kong ipikit ulit ang mga mata ko ng may tumawag sa pangalan ko.

Dean? Tawag ni Jema sa akin.

Dahan dahan kung binaba ang ulo ko sa kama para masilayan si Jema sa baba nito. Bakit? Sagot ko sa kanya.

Hindi ka rin ba makatulog? Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Labas tayo.

Dahan dahang bumaba ako ng kama para hindi ko magising si Ate Jia. Hawak kamay na lumabas kami ni Jema sa Garden ng bahay.

Napatingin ako sa mga bituin. Wow. ANg ganda nila. Hanga hanga ako sa kagandahan ng kislap ng mga bituin sa langit.

Deans? Ano ba ang nagbago sa akin? Bigla niyang natanong sa akin. Napalingon ako sa kanya at naka kunot noo siyang nakatitig sa akin.

Mga ngiti mo? Plain kong sabi. Madalang ka ng ngumiti. Dagdag ko pa.

Ningitian naman ako ni Jema. Ang ganitong ngiti ba? Sabi niya

Mas maganda pa diyan ang mga ngiti mo dati. Yung bang kahit nahihirapan ka na may mga ngiti pa rin sa iyong mga labi. Sabi ko at inangat ulit ang tingin ko sa mga bituin. Tulad ng mga bituin, pag ngumingiti ka nag niningning din ang kislap ng iyong mga mata.

Yun ba ang dahilan mo bakit in love ka sa akin. Mayabang niyang sabi.

Napasmirk na lang ako. Kung iyon lang ang dahilan dapat hindi na ako in love ngayon sa iyo kasi hindi na nagniningning ang mga mata mo. Malulungkot na sila. Nilingon ko ulit siya. Bakit ka ba malungkot?

Bakit nga ba? Nagisip pa siya habang nakatitig ako sa kanya. Masyado kong naituon ang sarili ko sa volleyball. Nawala na ang sigla ko sa ibang bagay. Pero hindi ko pa rin mawari kung bakit.

Nawala ang mga ngiti mo nung nagkahiwalay tayo dalawang taon na ang nakalipas. Sabi ko sa kanya. Hindi kaya ako ang dahilan?

Wow ha. Ang kapal mo wong. Nahampas niya ako sa balikat. Kaya ningitian ko na lang siya.

Hindi ko gustong maging dahilan kung bakit hindi ka masaya, pero nais ko naman maging dahilan ng muli mong pag ngiti. Sabi ko sa kanya at inabot ang kamay niya. Pwede ko naman ibalik ang mga ngiti na yun Jema kung papayagan mo ako.

Ningitian lang ako ni Jema. Napapangiti mo na ako, ngayon pa lang Deana. Sabay hinigpitan ang pagkahawak ng kamay ko. Tinignan din ni Jema ang mga bituin habang nakangiti.

Napagandang tanawin ang nakikita ko. Ang mala anghel na ngiti ni Jema ay bumalik na.

......

Jema's POV

Hawak kamay kami ni Deana ngayon at naupo kami dito sa kubo malapit sa lagoon. Napasandal ako sa mga balikat niya habang pinagmamasdan naming ang mga bituin sa langit.

Ang gaan sa loob na kasama mo ang taong nagpapasaya sa iyo. Hindi ko na tinatanggi. At tama si Ate Jia, kailangan ko lang talaga ito ilabas para magkaroon ako ng Positive vibes.

Jem? Alam mo naman kung gaano kit aka mahal di ba? Sabin i Deana sa gitna ng katahimikan. Handa naman akong maghintay kahit ano katagal para sa iyo. Pareho kaming nakatitig lang sa malayo.

Alam ko naman yun. Lagi mo naman yang pinapaalala sa akin eh. Biro ko pa sa kanya. Wala naman akong short term memory loss tulad ni Dory the fish.

Natawa naman siya sa biro ko kaya napangiti din ako at lumingon sa kanya.

Nakalingon din siya sa akin at nagtinginan kami sa mata. Kitang kita ko ang sincere niyang mga mata. Ramdam ko na totoo lahat ng ipinadama niya sa akin.

Thank you Dean. Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Salamat at hindi ka sumuko sa akin.

Oo naman. Kahit gaano ka pa ka sungit, Kahit ilang beses pa ako bugbug dahil sa iyo, hinding hindi kita sususkuin. Sabay pa pacute ang ginawa ni Deana kaya naitulak ko siya. Aray naman. Reklamo niya.

Tinawanan ko naman siya. Kaya napangiti na lang siya. Someday pag hand aka na, liligawan talaga kita.

Hindi pa ba ito panliligaw. Sabi ko.

Hindi pa kasi hindi mo pa ako pinapayagan. Diin niyang sabi at ningisuan ako.

Well, di ba may dare si Ate Maddie sa iyo? Sabi ko habang magkahawak pa rin aming mga kamay. Dapat iblock mo ako sa second round. Pag na block mo ako at naka score ka pwede ka ng manligaw. Sabi ko sabay ngiti sakanya.

Talaga? Tuwang tuwang sabi ni Deana. Totoo yan ha. Walang bawian. Mangako ka! Sabi niya pa.

Napatawa naman ako at inangat ko ang kanang kong kamay. Swear. Diin kong sabi.

Nagtatalon na sa tuwa si Deana. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Gumaan na ang pakiramdam ko kaya alam kong may magagawa na ako para maiangat ang team namin.

........

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now