Deana's POV
Pagkatapos kong magtampo kay Jema dahil sa selos. Ito kinilig naman ako kasi hinarana niya ako. Hindi ko alam na ganito pala siya ka pabling. Mas expressive kasi talaga siya compared sa akin. Para tuloy nahiya ako sa inasta ko.
Alam ko naman simula pa na sweet talaga si Jema sa lahat ng mga kaibigan niya. At malaki din naman ang utang na loob k okay Fhen. Siya naman ang isa sa mga tumulak sa akin para ligawan si Jema. At si Fhen din kaya nag imbita sa akin dito sa party kahit para lang ito dapat sa Adamsonian.
Sorry din sa inasta ko kanina. Sabi ko sa kanya habang kumakain na kami ng hapunan kasama ng kateam niya. Napagitnaan naming siya ni Fhen.
Huwag ka sa akin mag sorry. Sabi niya sa akin sabay nguso sa gawi ni Fhen.
Uhm. Fhen. Mahinang tawag ko dito pero nilingon niya naman ako. Sorry.
Ayos lanh. Naintindihan ko. Sabi niya sabay ngiti sa akin kaya nabawasan na rin ang tinik sa dibdib ko.
Pagkatapos ng hapunan nagpaalam na si Jema sa mga kateam niya kasi doon na daw siya matutulog sab ago niyang apartment. Syempre naman ako ang driver niya ngayon. Nagpaiwan pa ng isang gabi si Fhen dun para makabonding sa huling pagkakataon ang mga kateam nila.
Okay lang ba si Fhen? Bigla ko natanong ng nasa sasakyan na kami.
Ano bas a tingin mo? Binalik niya sa akin ang tanong.
Feeling ko hindi. Sabi ko pa.
Ako din. Nagpaiwan yun dun para mag walwal. For sure ako ang centro ng pag-uusap nila habang naglalasingan. Sabi pa ni Jema sabay smirk.
Kilalang kilala mo talaga siya nuh. Sabi ko pa at may konting selos akong naramdaman.
Syempre. Tatlong taon din kaya kami nagging sobrang close. Simula ng iniwan mo ako, si Fhen na ang sandigan ko. Sabi niya pa.
Aray naman. Sabi ko.
Masakit kasi yun ang totoo. Si Fhen never niya ako iniwan kahit nasasaktan ko na siya. Kahit hindi ko nasuklian ang pagmamahal niiya hindi niya ako sinukuan. Nag sakripisyo siya para sa kaligayahan ko. Sabi niya pa kaya lalong kumirot ang dibdib ko.
Kaya mo ba yun gawin para sa akin? Dagdag niya pa. Huwag ka munang sumagot. Pag-isipan mo yan ng mabuti.
Tahimik na ako habang nag dadrive kaya nakatulog na si Jema sa byahe.
Napaisip tuloy ako. Kailangan ko mag doble kayod. Dapat malampasan ko man lang ang nagawa ni Fhen para kay Jema. Hirap naman nito. Pero tama si Pauline kailangan ko talagang mag effort kung talagang mahal ko si Jema.
Nakarating na kami ng Apartment ni Jema at bumungad sa amin si Ate Jia.
Hi Baby Deans. Bati niya sa akin. Tulog pa rin kasi si Jema Gisingin mo nay an.
Tinapi ko pisngi ni Jema ng dahan dahan kaya nagising siya.
Jem. Andito na tayo. Sabi ko sa kanya
Umupo siya ng tuwid at nilapit sarili niya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi na ako makagalaw sa sobrang gulat.
Wow ha. Andito kaya ako. Dumungaw si Ate Jia sa bintana ko kasi nakababa ito.
Tumawa lang si Jema at Binelatan si Jia Kaya natawa na rin ako.
Hindi k aba dito matutulog kasama si Jema? Tanong sa akin ni Ate Jia, Nakita ko ring lumaki mata ni Jema. Mag – isa lang naman siya dito at sabay naman tayo bukas pupunta sa BEG para sa training. Dagdag pa ni Ate Jia kaya napangiti ako.
