77

1.4K 51 3
                                    

Jema's POV

Hinatid na nga ako ni Cy sa apartment. Tinawagan ko agad si Deana pero ayaw nitong I receive ang calls ko. Tinext ko na at lahat pero hindi siya nag rereply. Alam kong nagtatampo lang iyon sa akin pero parang kinakabahan na talaga ako kaya napatawag na ako kay Bea.

Bei? Bati ko ng maramdaman kong sinagot niya na ang telepono.

Yes Galanza? What can I do for you. Natatawa niyang sabi.

I need your help Bei. Direkta kong sabi. Nagtatampo sa akin si Deana at hindi ko na siya macontact.

Okay. Let me check on her. Text na lang kita pag nakita ko na siya. Sabin i Bea at agad nag end ng call. Siguro ay nag-aalala din it okay Deana.

Hindi na rin ako makapag hintay sa text ni Bea kaya nagtungo ako sa dorm nila at nagbakasakaling nandun si Deana.

Pagdating ko dun kina-usap ko agad ang guard dun at nasabi niya nga sa akin na nandun nga si Deana sa Dorm. Tinawagan ko naman si Bea na puntahan ako kasi hindi ako pinayagan ng guard na pumasok dun na walang pahintulot ng mga nakatira dun. Ayaw kasing sagutin ni Deana ang TGelepono ng Dorm at naka lock pa ito.

Agad namang dumating si Bea dala ang Master key ng Dorm na hiniiram niya pa kay Maddie. Binuksan niya na ang Dorm at pinahintay niya na lang ako sa sala para maka-usap niya pa si Deana. Tigas daw kasi ng ulo nun.

Napaupo na lang ako sa sala habang naghihintay.

Kinakabahan ako dahil parang may mali sa nangyari. Hindi naman ako dati matiis ni Deana pag nagtatampo siya. Kunting pacute ko lang okay na kami. Ngayon parang mabigat sa loob ko ang nangyayari. Natatakot na ako.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yapak nina Bea at Deana pababa ng hagdanan kaya napatayo na ako para salubungin sila.

Ibaba mo nga ako Ate!!! Sigaw niya kay Bea

Ayan na! Bigla naman siyang binitawan ni Bea kaya napahiga na siya sa sahig.

Nakakainis. Bulong niya sa sarili pero malapit ako sa kanya kaya narinig ko iyon. Nakayuko lang siya at nagulo na ang buhok niya kaya hindi nioya na ako napansin.

Inabot ko ang kamay niya para patayuin siya. Kinuha niya naman ang kamay ko at tumayo na.

Okay ka na? Sabi ko. Napa-angat na rin saw akas ang tingin niya, at nakita ko siyang naka kunot noo. Sa takot ko nab aka itulak niya pa ako palayo, niyakap ko na siya ng mahigpit.

Hai naku Galanza! Dinamay niyo pa ako sa kadramahan niyo! Maka-alis na nga. Hinihintay na ako ng Team sa Bar. Kayo na bahala ditto sa Dorm. Gagabihin kami kaya enjoy your solo time. Don't worry naka-usap ko na si Maddie. Kami na bahala magpaliwanag sa Admin kung mahuli man kayo ditto. Mahabang sabi ni Bea at agad ding umalis.

Naiwan na kami ni Deana. Tahimik lang siya. Hindi niya tinugon ang pagkayakap ko sa kanya kaya binitawan ko siya.

Parang nakramdam ako ng paninikip sa dibdib ng Makita kong umiiwas siya ng tingin sa akin.

Jem. Tawag niya sa akin habang nakayuko.

Hmmm. Sabi ko at tinitigan siya.

Let's cool down for awhile. Sabi niya. Parang gusto niya yata mag mall para magpalamig kaya napangiti ako.

Ha? Saan mo gusto? Sabi ko sa kanya at hinawakan na ang kamay niya pero winakli niya na kamay ko at tuloy ang pagyuko ng ulo niya

Let's break up. Mahina niyang sabi. Hindi ko masyadong marinig kaya nilapitan ko na siya.

Ano yun? Tanong ko.

I said let us Break up! Sigaw niya sabay sira ng mga kamao niya.

Parang nabingi ako sa narinig ko. Hindi na ako makagalaw sa kinatayuan ko.

Bakit? Sabi ko at pinipilit na pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

Ayaw ko ng mahirapan ka pa kaya tapusin na natin 'to. Sabi pa ni Deana. Hindi niya pa rin ako maharap kaya pilit kong pinaharapa ang mukha niya sa akin.

Sino ba ang nahirapan ha? Sabi ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Hindi mo ako kayang ipakilala sa mga tao na girlfriend mo ako. Ayaw mong masira ang pagkakilala nila sa iyo. Sabi niya pa at nakita kong may mga luha na din sa mga mata niya.

Just give me more time Deans. Gagawan koi yon ng paraan. Sabi ko sa kanya at pilit na niyayakap siya. Nagpumiglas siya at lumayo sa akin.

Don't touch me! Sigaw niya sa akin. Ayaw kitang saktan kaya kung maari iwan mo muna ako. Mahinahon niyang sabi. Napahagulgul na ako sa iyak.

Please Deans. Huwag namang ganito Please. Susukuan mo na naman ako? Sabi ko sa kanya.

Hindi kita sinusukuan, Ayaw lang kitang pahirapan. Dahilan niya pa.

Ang sabihin mo, naduwag ka na naman!. Galit kong sabi sa kanya.

Duwag?! Sabi niya. Ako pa ba ang duwag? Sino bas a atin ang hindi kaya mag out ha? Ako ba? Pinakilala na nga kita sa pamilya ko eh. Alam nan g mga kaibigan mo tungkol sa akin. E ikaw?! Sino ba ang nakaka-alam na tayo ha? Si Kuya Kobe lang at si Cy at mg aka team mates mo sa Adamson. Kahit kalian hindi mo naman ako pinagmalaki eh.

Ano to? Sumbatan ha? Sabi ko sa kanya.

Kaya nga ako nakipag break eh. Siguro kailangan pa natin mag-isip –isip. Diing sabi ni Deana.

Ito ba ang gusto mo ha? Sabi ko habang nakaharap kay Deana. Napatango naman siya. Pareho kaming umiiyak. Ang sakit sakit. Okay Fine. Ginusto mo ito! Dali daling kinuha ko ang bag ko sa sofa at umalis nan g dorm.

Binilisan ko na ang lakat hanggang makarating na ako sa sasakyan. Naninikip na ang dib dib ko kaya tinawagan ko ulit si Bea. Iyak na ako ng iyak sa kotse habang hinihintay si Bea. Ng biglang nanilim na ang paningin ko. At nawalan nan g malay.

.....

Deana's POV

Tinignan ko lang si Jema na umalis nan g dorm. Napaupo na ako sa sahig. Hindi ko na napigilang mahagulgul sa iyak. Ito na naman kami. ito nanaman ako. Nasaktan ko naman si Jema sa pangalawang pag-kakataon.

Pinilit kong makatayo at sinundan si Jema sa parking lot. Nakita ko siyang hawak hawak ang dibdib niya habang umiiyak. Hindi niya sinira ang pintuan kayang kitang kita ko siya.

Nabigla na lang ako ng unti unti siyang natumba sa kotse at nahulog na siya dun sa sahig. Napatakbo naman ako sa kanya at pilit siyang pinatayo.

Jem? Jem? Ano ba?! Gumising ka. Pilit ko siyang ginising dahil nahimatay na siya.

Binuhat ko na siya at inayos ang upo sa likod ng kotse niya, nag drive na ako papuntang ospital. Ng tumawag si Ate Bea sa CP ni Jema. Kinuha koi to.

Ate Bei. Papunta na kami ng ospital. Nahimatay si Jema. Direkta kong sabi.

Ano ba ginawa mo Deana. Naku malalagot ka talaga sa akin. Itext mo sa akin ang ospital na padadalhan mk sa kanya. Naku Deana. Dalian mo na pag may mangyari masam diyan. Mata mo lang ang walang latay. Sabay end nung call.

Natakot na ako sa mangyayari kay Jema. Sa pangalawang pagkakataon nahimatay na naman siya dahil sa akin. Shit Deana! Ang tanga mo talaga..

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now