Deana's POV
Pag dating na pagdating ko ng apartment ni Jema tapos na sila magluto at nasa Dining table na sila at nag kwekwentuhan. Nagulat naman akong Makita silang ganun ka close. Ang bilis naman nilang magkapalagayan ng loob.
Akala ko ba Heart Broken ka? Tanong k okay Ate Jho habang buhat buhat ang isang galong tubig.
Masma na pakiramdam ko sa kakaiyak noh. Sabi pa nito sabay wink sa akin. Ang ganda kasi ng ngiti ni Mareng Jema. Nakakahawa. At ngumiti ng nakakaloka.
Napatingin naman ako kay Jema, Ningitian niya rin ako habang nakasandal ang ulo niya sa kamay niya. Huwag kang ganyan Jem. Reklamo ko kasi parang umiinit na ang katawan ko sa kilig.
O bakit. Inosente niyang tanong. Inaano ba kita?
Basta. Tipid kong sabi at naupo na sa tabi niya.
Natawa naman si Ate Jhoana sa amin. Di ba pa fall ang ngiti ni Mareng Jema? Tanong pa nito sa akin.
Sobra. Pag sang-ayon ko.
Pinagtulungan niyo pa ako. Sabi naman ni Jema sabay irap ng mata.
Ang cute!!! Sabay sabi naming ni Ate Jho at nag apir kami.
Anong cute? Takang tanong ni Jema.
Ang cute mong magtaray. Sabi ko pa sabay kurot ng pisngi niya.
Nakatanggap din ako ng malakas na hampas sa kamay. Aray naman. Reklamo ko.
Ikaw pa talaga ang nagreklamo noh. Sabi pa ni Jema.
Tigilan niyo nga yan. Papigil ni Ate Jho sa amin. May naalala ako eh.
Essssss! Tukso ko naman kay Ate Jho. Sino kaya naalala mo? Tanong ko ng biglang siniko ako ni Jema at tinitigan sa mata. Parang sinasabi niya, Tumigil ka!
Napatingin din ako kay Ate Jho. Nakita kong may namumuong luha naman sa mga mata niya kaya nilapitan ko na siya.
Sorry 'te. Sabi ko.
Okay lang. Masasanay din ako sa sakit. Malalampasan ko din to. Seryoson niyang sabi. Buti pa kumain na tayo para makapagpahinga na. Maaga pa tayo bukas.
Tahimik lang kaming kumain ng hapunan. Masarap ang luto ni Jema kaya naka ilang ulit din ako.
Nagpresenta na ako maghugas ng pinagkainan naming. At dinala naman ni Jema si Ate Jho sa kwarto niya.
Pagkatapos kong ayusin ang pinag kainan namin, Nilock ko na ang mga pintuan at inoff ang mga ilaw, hindi naman gaano ka dilim dahil sa ilaw sa labas na pumapasok sa bintana ng apartment. Pagkatapos ko tiyakin na maayos na ang lahat tumungo na ako ng kwarto pero hindi pa ako nakarating ng pintuan, agad akong sinalubong ni Jema dala ang kumot at unan. Dito ka na matulog sa sala. Utos pa nito sa akin sabay bigay ng ngiting nag susumamo.
Kasya naman tayo sa kwarto ha. Sabi ko sa kanya.
Magsiksikan tayo dun. Hindi naman gaano kalaki ang kama ko. Sabi niya.
Gusto ko nga ng siksikan eh. Sabi ko pa sabay yakap kay Jema.
Napayakap din siya sa akin at siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Gusto ko rin naman sana kaya lang kailangan ni Ate Jho ng space. Pagpapacute na sabi ni Jema kaya natawa ako,
Literal talaga na space. Malungkot kong sabi.
Sige lang bi. Marami pa naman tayong pagkakataong masolo ang isa't-isa. Sabi pa ni Jema at hinalikan ang leeg ko.