89

1.9K 64 3
                                    

Jema's POV

Buti na lang hinayaan ko ang sarili ko maging tanga. Masaya na kami ngayon ni Deana. Pareho kaming tanggap ng sari-sarili naming pamilya. Pareho kaming supportado ng mga kaibigan namin.

Worth it talaga si Deana sa pag mamahal ko. Everyday pinadama niya sa akin kung gaano niya ako ka mahal. Kahit na minsan may mga malabong usapan, hindi naman natatapos ang araw na hindi kami nagkakasundo. Sa tulong ng mga kaibigan at pamilya namin lalong tumibay ang pagsasama namin ni Deana.

Sa Apartment ko kami nanatili. Si Mafe may sarili ng condo. Grumaduate na rin siya sa UST at natupad na rin ang pangarap niyang maging Architech. Kakahiwalay niya lang sa girlfriend niya pero kaya naman yang harapin ni Mafe, nandiyan naman kasi si Eya sa tabi niya at hindi siya iniiwan. (Feeling ko nga may gusto si Eya sa kanya dati pa, kaso Manhid pa sa bato tung kapatid ko. Malala pa sa akin.)

Si kuya Kobe nakadistino na sa US. Isa sa pinaka sikat na Pinoy na nakasali sa NBA. Kakalipat niya nga lang sa Celtics. Pinag-aagawan kasi siya ng maraming teams. Ika apat na lipat niya na nga. Sabi niya last na talaga ang Celtics. Sumunod naman si Pauline sa America. Mag sasampung taon na sila. Doon na nga nagpropose ng kasal si Kuya kay Pauline pero dito sa Pinas daw nila gusto ikasal. Nagtratrabaho bilang Marketing Assistant si Pauline sa Apple, kaya minsan nabibigyan kami ni Deana ng mga latest iPhone, bestfriend eh.

May mga kanya kanyang profession na lahat ng mga kaibigan namin kaya minsan na lang may nanggugulo sa amin ni Deana. Nakaka miss nga eh.

Limang taon na rin kami. Matagal tagal na rin akong guro. Si Deana naaasahan na rin ng daddy niya sa ibang negosyo. Malaki laki na rin ang naipon namin.  Kaya napagpasyahan namin mag bakasyon sa Thailand. Iwan ko ba, kahit ilang ulit na kami nakarating dito, gusto-gusto talaga naming bumalik dito ni Deana.

Bib? Tawag pansin ni Deana sa akin. Ready na ba ang passport natin?

Don't worry love. Sabay back hug sa kanya.  Magiging masaya tayo dun.

Syempre naman love. Humarap sa akin si Deana. Mahal na mahal kita. Sabay halik sa akin. 

Naghalikan pa kami ng matagal. Wala ng mga asungot na pumipigil sa moment namin. Walang Jia na naninigaw, walang Bea na nambabatuk, walang Pauline na nambubully at walang kahit sino ang nangungulit sa amin.

Dinala na namin ni Deana ang mga dala namin sa kotse. Nag Grab lang kami para hindi hassle. Nakapag paalam naman kami sa aming mga pamilya kaya walang hahatid sa amin sa airport. 

Para ngang hindi ako sanay na ganito lang katahimik ang pag-alis namin. Wala ni isa sa mga kaibigan namin ang nangungulit na sumama sa amin dun o kahit man lang maghatid sa amin.

Ang weird, Nasabi ko ng nasa sasakyan na kami.

Anong weird Bi? Takang tanong ni Deana.

Walang Jia? Sabi ko. 

May lakad yata silang mag-anak. Sabi naman ni Deana sabay akbay sa akin.

Saan ba sila pumunta ni Miguel? Dati naman sinasabi niya sa akin eh. Sabi ko pa.

Eh bib. Baka emergency kaya nakaligtaan. Sabi niya at binigyan ako ng halik sa noo.

Kapitbahay lang namin si Jia kaya impossible talaga na hindi ko alam kung saan sila pumunta. Nakita ko pa siya nung araw bago kahapon at sabi niya eenrol niya daw ang anak niyang si Jiguel sa Art workshop. Kaya nakapagtaka talaga kasi hindi ko na sila nakitang umuwi kahapon.

Ang dami mo namang iniisip bib. Sabi naman ni Deana ng nakita niya akong tulala habang inaayos niya mga gamit namin sa likod ng kotse. Pasok ka na sa sasakyan bib, ako na bahala dito.

Sinunod ko na lang siya. Sumakit ang ulo ko sa mga iniisip ko. Kahit si Kring bigla na lang umuwi sa probinsiya nila kahapon. Si Kyla naman hindi ko macontact. Si Bea at Jhoana naman ay nagbakasyon daw sa baguio kahapon. Pati si Jules, Dani, Vannie, Ate Kat at Ate Maddie ay busy daw sa kani-kanilang trabaho. Nakapagtataka nga kasi dati rati naman lagi naming kasama ang mga iyon kahit saan kami nagbabakasyon.

Bi. Sila ate Aly daw ang susundo sa atin sa Bangkok airport. Sabi ni Deana ng umupo na siya sa tabi ko. Okay lang kay Kuya Kiefer na sa condo nila tayo tutuloy para makapag tipid tayo. Dagdag niya pa.

Buti na rin yun bib. Maraming pasalubong kasi ang ibibili natin sa mga kaibigan natin at kina Mama. Sabi ko naman at dumikit kay Deana.

Habang hawak kamay ni Deana, kinalimutan ko muna ang mga weird kong kaibigan. Sumandal ako sa balikat ni Deana. Kumportable na talaga ako sa kanya. Kulang na lang talaga ikasal kami. Kaso hindi naman yun pwede dito sa Pinas at bawal din naman yun sa Relihiyon namin. Nirerespeto ko naman ang Simbahan kaya okay na kami ni Deana, basta magkasama kami.

......

Deana's POV

Hindi alam ni Jema ang mga plano ko sa Trip namin ngayon sa Thailand.

Matagal ko na rin itong pinaghandaan kasama ng iba kong kaibigan. Syempre si Pauline talaga ang punong abala. Siya yung pabalik balik ng Thailand para ayusin ang mga plano ko.

Alam kong sagrado ang kasal, at iyon ay ginagawa lang sa isang lalaki at babae na gustong bumuo ng pamilya. Napaka relihiyuso din ng mga pamilya namin kaya natagalan bago ko sila napapayag.

Hindi naman sa pambabastos sa Relihiyon yun, gusto ko lang maramdaman ni Jema na panghabang buhay na talaga kami, na wala ng makapag-pahiwalay sa amin. 

Bubuo naman kami ng pamilya eh. Plano ko rin mag-ampon pero syempre kailangan ko pa yun ipaalam kay Jema pagkatapos ng kasal namin. Kailangan naming paghandaan iyon, hindi lang financialy, pero emotionaly na rin. Ayaw ko yung pang artificial na panganganak, at alam kong ayaw din iyon ni Jema. Mag-aampon kami para makatulong sa mga batang naulilia sa magulang o yung mga batang inambadona ng pamilya nila. Yun siguro ang dahilan ng Diyos para gawin kaming ganito para matulungan ang mga ganung bata.

Wala talagang alam si Jema. Gumawa rin siya ng sarili niyang to-do list. Excited talaga siya. hinayaan ko na.

Nauna na ang mga kaibigan namin dun kahapon para makapaghanda na. Ang pamilya naman namin nung isang araw pa nuna dun para matulungan si Pauline sa Venue ng kasal. Garden Wedding ang pinili ko para sa kasal namin. Pupunuin ng Sun flower dahil paborito yun ni Jema at yun kasi yung binibigay kong bulaklak sa kanya since ng nanliligaw ako sa kanya.

Bib? Dahil natapos ko na ang to-do list ko, ikaw naman ang magdesisyon sa pupuntahan natin bukas ha. Sabi niya sa akin ng kumakain na kami ng dinner sa Restaurant ni Coach Tai.

Sige bib. Pero sekreto lang muna ha para exciting. Sabi ko sa kanya.

Okay bib. Ikaw pa ba, eh hindi ka naman nawawalan ng surpresa. Sabi niya naman

Napangiti na lang ako. Talagang matutuloy na ang Kasal namin bukas.

Bib? Nakakaloko yang ngiti mo ha. Sabi pa nito.

Syempre bib. Tayo lang dalawa later sa condo nina Ate Aly kaya masosolo kita. Tukso ko sa kanya sabay wink. Nakatanggap naman ako ng hampas sa braso.

Sira!!!!! Asa ka pa. Sabi nito na tawang-tawa.

Ang swerte ko talaga kay Jema. Hindi ko na hahayaan mawala pa siya sa akin. Magiging pamilya na tayo Jem. Hindi na kailanman maghihiwalay pa.

......


Best Of FriendsWhere stories live. Discover now