45

1.4K 44 2
                                    

Deana's POV

Napagod talaga ang buo kong katawan. Ayaw ko pa talagang bumangon.

Deana!!!! Sigaw ni Pauline kaya naalimpunatan ako.

Ano ba Pau!? Pwede ba mamaya na lang ako babangon? Sabi ko sa kanya at pinikit ulit mga mata ko.

No Wong! may training ka pa kaya bumangon ka diyan. Sabi niya sabay hila sa akin.

Patayang training na naman kasama si Ate Jia. Hindi na kami sumali sa PVL Collegiate dahil kay Ate Jia. Paano kami makapaglaro ng maayos na wala siya. Kaya para pambawi, ito patayan ang training niya sa akin.

Napilitan na akong bumangon at dahan dahang pumunta ng banyo.

Dalian mo naman Wong. Saway sa akin ni Pauline. We need this. Matatalo tayo sa UAAP pag hindi ka pa talaga umayos diyan. At tinulak niya na ako papasok ng banyo.

Ilang linggo na rin akong nagtretraining kasama si Ate Jia. Menememorize lahat ng mga paalala niya at sinusunod lahat ng techniques niya. Advantage lang kasi naging libero ako kaya bumilis ang footwork ko. Consistency na lang daw yung kulang sa akin. pero i doubt. ang dami pa akong dapat matutunan bago ko maabot ang naabot ni ate Jia.

Pagdating ng Gym agad akong pinuntahan ni Ate Jia at nag warm-up na kami. Halos buong araw ang training ko. One on one kami ni Ate Jia.

Huwag mo kasing sundin lahat Deans. Sabi sa akin ni Ate Jia

Paano ba kasi? Tanong ko sa kanya. Halatang pagod na kaming dalawa.

Gumawa ka ng sarili mong techniques. Ang sarili mong process. Huwag mo sundin lahat ng akin kasi mahihirapan ka. Seryosong sabi niya at umupo na kami sa ground.

Ang hirap naman kasing gumawa ng sarili mong process. Napaka risky pano kung hindi babagay sa mga spikers ko ang technique na gagawin ko? Pag -alalang tanong ko sa kanya.

Takot ka sa risks? Sabi niya pa Gaya lang naman yan kay Jema. 

Parang naguluhan na naman ako kay Ate Jia. Ang lalim niya kasi talaga mag-isip.

Ano naman ang kinalaman ni Jema sa pagiging setter ko? Sabi ko pa.

You have taken a risk na suyuin si Jema even na alam mo na hindi madali. Sabi niya. Kahit alam mo na mahihirapan ka, try ka pa rin ng try. Ginawa mo lahat ng paraan na alam mo para mapansin ka niya. Sabi niya at inakbayan ako. Ang pagiging setter ay parang ganun din, gagawin mo lahat ng paraan hanggang makapuntos ang spiker mo, kahit mahihirapan ka pa sige ka lang ng sige. Sabay wink sa akin.

Parang naintindihan ko naman ang pinupunto ni ATe Jia kaya napangiti ako sa kanya.

Mahirap naman talaga ang buhay eh. Wala naman talagang madali sa mundo. Basta ang importante eh lumalaban ka para makamit mo ang mga ninanais mo. at pag nakarating ka na doon, napakasarap ng feeling na makamit mo ang tagumpay dahil ito ay pinag hirapan mo. Dagdag niya pa at agad na tumayo sa pag kakaupo. Inabot niya rin kamay ko para patayuin, Tara na. Training pa tayo.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

Tama naman si Ate Jia. Lalaban ako, hindi ako titigil hanggang makamit ko ang tagumpay.

.....

Jema's POV

Nag training ako kasama ng mga ka team mates ko ng puntahan ako ni Coach Air. Ang bago naming coach. Bago ang system niya kaya todo insayo talaga kami.

Jema? Tawag sa akin ni Coach.

Yes Coach. Agad naman akong lumapit sa kanya.

We have listed the team for PVL Collegiate. This is a chance for our team to gain experience before UAAP starts. Sabi ni coach. Can you be with the team? Is it okay for Creamline?

I'll try coach. Sabi ko. Kailangan ako ng Team ko pero paano naman ako magpapaalam kina ate Alyssa. Inexpect na nila na makakasama ako sa team nila. I'll ask permission tomorrow during our training. May pag alinlangang sabi ko kay coach.

Can you ask them now? Tanong ni coach. I want us to concentrate with the training tomorrow. Wala naman akong magawa kundi sundin siya kaya napatawag na ako kay Jia. Siya kasi pinaka close ko sa Team na pwede kong sabihan. Malakas naman kasi siya sa staff ng team kaya alam kong matutulungan niya ako.

Jia? Tawag ko sa kanya ng sinagot niya na ang telepono.

Yes Galanza. Sagot niya sa akin.

Ji? Patulong naman oh. Pakiusap ko sa kanya.

Para saan ba yan?

Kasali kasi sa PVL ang Team ko, uhm. hindi ako makakapag training kasama kayo kasi kailangan ako ng team ko. Sabi ko sa kanya.

Yun lang naman pala eh. Sunduin kita jan, Puntahan natin si Sir Joey. Madali lang naman iyon paki-usapan eh. Sauggestion niya sa akin kaya umuo na lang ako.

Hinintay ko namang dumating si Jia. Maya maya pa may huminto na na kotse sa harapan ko at binuksa nito ang Front seat. Agad naman akong pumasok, laking gulat ko na makita kong nandun din pala si Deana sa Back seat.

Hi Jema. Bati niya sa akin, Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti at bumeso ako kay Jia.

Bakit kasama to? Bulong ko kay Jia pagkatapos ko siyang ibeso.

Nagpumilit eh. Gusto ka raw makita. Ngiting sabi ni Jia sa akin. Napalingon ako kay Deana, Nakangiti lang siya sa akin kaya inirapan ko siya ng tingin.

Lunch muna tayo sa malapit bago tayo pumunta kay Sir Joey. Hindi pa man ako pumayag lumiko na ito sa isang restaurant at pinark ang sasakyan.

Lumabas na kami ng kotse para kumain sa Restaurant. Pinagbuksan ako ni Deana ng Pintuan at sumunod na kami kay Jia sa loob ng Restaurant. Tahimik lang kaming tatlo at hinayaan si Jia ang umorder ng kakainin namin siya lang naman kasi nakakaalam ng mga pagkain dito.

Guys. CR lang ako ha. Paalam sa amin ni Jia pagkatapos niyang umurder ng pagkain.

Awkward ng sumunod na eksena kasi naiwan na kami ni Deana. Nakaupo lang siya sa harap ko. Pangiti ngiti lang siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan. Inis na sabi ko sa kanya.

Bawal bang ngumiti? Eh masaya ako eh kasi kasama kita. Direkta niyang sabi sa akin.

Naiirita ako sa mga ngiti mo. Sabi ko.

Kung naiirita ka bakit ka namumula ng ganyan, Sabi niya sabay haplos sa pisngi ko agad ko namag winakli ang kamay niya. Ayieee... Kilig ka eh. Biro niya pa.

In your dreams Deana Wong. Sabi ko sa kanya.

Ikaw ang panaginip kong gusto kong matupad. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang binibigkas ang mga salitang iyon. Napaatras naman ako. Hindi kita susukuan Jema. Sabay wink sa akin.

Napalunok ako ng laway. Sobrang init ng katawan ko. Siguro nga namumula na ako. 

Jem? Sabi ni Deana na may pag alala. Okay ka lang ba? Natanong niya sabay tayo at lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. You look weird. Sabi niya pa na naka kunot ang noo.

Okay lang ako. Sabi ko sa kanya. Magbabanyo na lang din ako. Paalam ko at tumayo na papuntang banyo.

Pagdating ng banyo. Agad akong naghilamos. Shit, ano ba yun? Natanong ko sa sarili.

Jem? Tawag ni Jia sa likod. May lagnat ka ba? Bakit namumula ka?

Siguro. Hindi ako sigurado kong lagnat nga ito. Pero don't worry okay lang ako. 

May gamot ako dito para sa lagnat. Inumin mo na lang after lunch. Inabot sa akin ni Jia ang gamot at agad na rin kaming bumalik sa misa.

Tinitigan ko si Deana. Nakangiti pa rin siya sa akin. Yung mga titig niya talaga ang nagpapainit sa buo kung katawan. Ramdam na ramdam ko na ang pagkasabik ko sa kanya na matagal ko ng tinatago. Hanggang kailan ko kaya maikukubli ang nararamdaman ko para sa kanya?

.......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now