Deana's POV
Nasa byahe na kami ni Jema ngayon. Tahimik lang siyang nakaupo sa passenger seat. Sinusulyapan ko siya habang trapik pa. Ang ganda niya talaga. Nakadungaw siya sa bintana habang yakap yakap ang stuff toy na ibinigay ko sa kanya at hawak ng kaliwang kamay niya ang bulaklak.
Jem. Agaw pansin ko sa kanya. Pwede mo naman ilapag yang boquet sa likod. Sabi ko sa kanya at nilingon niya ako.
Okay lang. Gusto ko silang hawakan. Sabay ngiti sa akin.
Lalong nanginit ang katawan ko. Parang kinilig ako sa sinabi at inasta niya. Lakas talaga magpakilig tung babaeng 'to.
Ba't ka namumula? Tanong niya at nilapit ang mukha niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. Naku Jema. Nag dadrive ako. Sabi ko sa kanya kasi parang kinabahan ako.
Bakit? Inaano ba kita? Sabi niya na naka nguso.
Lalo yata ako namula. Ano ba Jema. Hahalikan kita diyan eh. Sabi ko sa kanya. Seryoso ako pero tinawanan niya lang ako.
Napahinto ko ang kotse. Gusto mo talaga mahalkan noh? Tukso ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya. Ang cute niyang magulat. Nilapit ko din mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim..
Subukan mo lang. Hindi matutuloy date natin. Sabi niya na nakataas ang kilay.
Napahinto ako at inayos ang pagkaupo ko sa driver's seat. Ikaw naman. Nag bibiro lang eh. Sabi ko sabay paandar ulit ang kotse.
Sa isang restaurant malapit sa dagat ko siya dinala. Recommended ni Pauline. Tiyahin niya raw yung may ari kaya napakiusapan namin kahit on the spot yung request. Candle light dinner malapit sa dagat ang napili kong venue para kay Jema. Alam ko kasing mahilig talaga siya sa nature at mga bituin.
Nandito na tayo. Sabi ko sa kanya habang naghahanap ng mapag parkingan.
Ang layo naman pala nito. Labas na ito ng Manila auh. Sabi niya. Makakabalik ba tayo bago mag alas onse? Curfew kasi namin.
Huwag kang mag alala. Pag hindi tayo umabot pwede tayo matulog sa isang room dito. Sabay wink sa kanya.
Aba. Pumayag na ba ako? Sabi niya ng nakataas ang kilay. Ang cute niya rin talaga mag taray kaya pinisil ko ang pisngi niya.
Wala ka naman choice pag hindi tayo umabot sa curfew. Dagdag ko pa kaya nakatanggap ako ng malakas na hampas sa balikat.
Bilisan mo na nga. Kailangan pa natin bumalik sa Manila. Sabi niya sabay labas ng kotse. Iniwan niya sa passenger seat ang regalo ko sa kanya.
Sinabayan ko na siyang naglakad patungong entrance ng restaurant. Pinagbuksan kami ng guard para makapasok at sinalubong kami ng receptionist.
Ms. Deana Wong? Tawag sa akin ng Receptionist. Tumango naman ako. This way ma'am. Nauna ng naglakad ang receptionist nakasunod lang kami ni Jema sa likod. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi niya naman ito winakli. Hinayaan niya lang akong hawakan ito.
Ang lambot naman ng kamay mo? Bulong ko sa kanya kaya namula siya.
Matigas at magaspang naman kasi ang sa iyo. Sabi niya sabay belat sa akin.
Natawa na lang ako.
Ma'am. Tawag pansin sa akin ng receptionist. Andito nap o tayo. Saby turo sa misa. Ang ganda ng pag set up. Sinunod talaga nila ang sinabi ko. May scented candle may mga petals ng rosas sa paligid at may torch sa apat na sulok. Meron din background music at naglagay pa sila ng sunflower sa center table.
![](https://img.wattpad.com/cover/170568792-288-k824500.jpg)