14

1.5K 44 0
                                    

Deana's POV

Nakatalikod ngayon SI Jema SA akin.
Nakahiga kami SA kama. Shit! Parang napahiya ako SA ginawa ko. Hindi siguro Tama Ang paghalik ko SA kanya. First time akong humalik.

Bakit ko ba Kasi nagawa iyon. Hindi ko na napigilan. Kanina NG nanonood pa kami NG movie SA tuwing nagkakaroon NG sweet moments Ang mga bida napatitig ako SA mapupulang labi ni Jema.

Gustong gusto ko siyang halikan habang NASA kusina kami pero nagawa ko pa iyong pigilan. Bakit ngayon Hindi na.

Napaharap na ako SA dingding at inuntog ko na ulo ko dito. Shit Deana anong mukha pa ba ihaharao mo Kay Jema. Nakatulog din ako hanggang may kumatok na SA pintuan namin.

Apo?! Tawag ni Lola Ising. Baka gusto niyong mamasyal SA rancho sakay mga kabayo NG Lolo mo? Baba na Kayo agad hinihintay na Kayo ng Lolo mo.

Naramdaman ko na bumangon na SI pauline SA taas. Pero Hindi pa Rin ako makagalaw.

Jem? Tawag ni Pauline SA kanya habang bumbaba NG kama. Gising na. Mangagabayo na Tayo.

Nagising Naman SI Jema at bigla niya akong hinawakan SA kamay. Deans. Baba na Tayo. Sabi niya pa.

Lalo akong nanigas SA pagkahiga Kaya kinuyog na ako ni Pauline.

Umupo na ako SA pagkahiga at nauntog SA kama SA taas. Aw! Napasigaw ako.

Agad Naman akong nilapitan ni Jema. Okay ka Lang. Sabay tingin SA ulo ko.

Napaiwas ako SA kanya Kaya nauntog ulit ako.

Halika nga dito. Hinila niya na ako palabas NG kama at hawak hawak niya Ang tuktok NG ulo ko para Hindi mabangga ulit. Inalayan niya ako hanggang makalabas.  Naka akbay siya ngayon SA akin..

Nanginginig Ang laman ko. Hiyang hiya na ako SA kanya.

Gising ka na ba? Biro pa ni Pauline. Umayos ka na. Gusto ko NG mamasyal. Sabi pa nito.

Bumaba na kami NG kwarto, hinihintay na kami ni Lolo Danny. Tara na girls.

Sumunod Naman kaming tatlo Kay Lolo.

Nakaakbay pa Rin SI Jema SA akin at hila hila niya Naman SA Kanan niya SI Pauline.

Naiilang na ako pero parang balewala Lang SA kanya Ang nangyari SA Amin.
.......

Jema's POV

Hindi ko pinahalata SA mga kaibigan ko na naiilang na talaga ako Kay Deana.

Parang normal Lang. Gaya NG dating gawi. Binibiro ko siya at kinausap na parang walang nangyari.

Ramdam ko Naman na naiilang siya SA akin pero hinahayaan ko Lang.

Sumakay kami NG kabayo. Natutuwa agad ako Kaya Hindi na ako inalayan ni Lolo Danny. SI Pauline parang natatakot Kaya sumabay na siya Kay Deana

Iwan ko ba pero Ang sweet nilang dalawa. Parang may kirot akong naramdaman SA dibdib ko.

Ano Kaya to? Nagseselos ba ako.

Pagkatapos namin namasyal huminto muna kami SA isang lagoon Kung saan may mga isda. At pinakain namin sila NG feeds.

Nakita Kong hawak kamay sila ni Deana at Pauline. Hindi na sila mapaghiwalay. Ang saya Naman nila.

Eh ano Yung nangyari SA Amin ni Deana? Wala Lang ba Yun SA kanya? Pinaglaruan ba ako ni Deana. Siya pa talaga Ang 1st kiss ko.

Jema! Tawag ni Pauline SA akin. Halika. Tignan mo Tung isda. Sabay kaway niya sa akin

Lumapit din ako SA kanya kaso natalisod ako SA isang Tali Kaya nahulog ako tubig.

Tumalon na Rin SI Deana para tulungan ako. NG hawakan niya na ako. Winakli ko Ang kamay niya at lumangoy palayo SA kanya.

Dumiritso na ako SA bahay nila at naligo SA banyo.

Paglabas ko NG banyo. Nanonood na sila ni Pauline NG tv. Nakasandal na SI Pauline Kay Deana at nakaakbay Naman at nilalaro ni Deana Ang buhok niya.

Uy?! Okay ka na. Tanong ni Pauline SA akin. Tumango Naman ako.

Tamang Tama. Mag dinner na Tayo. Tawag SA Amin ni Lola Ising.

Nag dinner na kami. Hindi tumabi SA akin SI Deana. Napagitnaan na namin SI Pauline.

Pagkatapos NG Dinner nanood Naman kami NG CD. Spiderman 3 ngayon Ang pinanood namin. SI Deana Ang pumili. Nakatulog na SA paa niya SI Pauline. Kami na Lang Ang gising. Tahimik Lang kami. Walang nagsasalita.

Pau!? Tawag Niya Kay Pauline. Gising muna. Punta na Tayo NG kwarto.

Sige. Mauna na Kayo. Ako na Ang magaayos nito. Sabi ko SA kanila

Pinatay ko Ang tv at kinuha Ang CD SA player at inayos Ang sala BagO umakyat NG kwarto.

Pag akyat ko bukas na Ang pintuan. At tumabi na SI Pauline Kay Deana. Tulog na yata sila Kaya umakyat na ako SA pwesto ni Pauline.

Isang malaking pagkakamali Ang nangyari SA Amin ni Deana. Sana nga Hindi na nangyari iyon.

Nakalimutan ko na lahat na nangyari SA Amin ni Deana. Sayang parang may naramdaman pa Naman ako para SA kanya. Hai.
......

Sorry guys. Short update Lang. Pinagselosan na Kasi NG GF ko Ang pagsusulat ko. GF time daw muna.

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now