21

1.4K 47 0
                                    

Deana's POV

First time kong umiyak. Buti na lang nag Champion yung team kaya parang napawi na rin ang sakit at nasabi ko sa sarili na hinding hindi na ako ulit magmamahal pa. Lalo na sa isang kaibigan. Mag fofocus na lang ako sa team at sa pag-aaral ko para hindi na ulit ako iiyak.

Okay ka lang? Natanong sa akin ni Pauline habang naghihintay kami sa bus.  Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Jema ha?

Pwede ba Pauline huwag mo muna akong kulitin. Inis kong tugon sa kanya. Ayaw ko ng maging kaibigan si Jema okay? Kaya please lang tantanan mo ako. Umiwas na rin ako kay Pauline at naupo katabi si Ate Bea. Alam niya na yata ang nangyari kaya napa smirk na lang siya sa akin.

Nakita ko naman si Pauline na pumigil ng Luha at naupo na sa tabi ni Ate Therese.

Nasira na ang samahan naming tatlo. Kasalanan ko ba iyon? Masakit na kasi masyado. Hindi ko na kayang makita pang may mamahaling iba si Jema.

Lalayo na ako. Para naman iyon sa aming dalawa auh. 

Pagkatapos ng Team Dinner umuwi na rin kami lahat ng Dorm maliban kay Ate Therese at Pauline. Uuwi na raw sila sa kanilang bahay. Kaya mag isa ako ngayon sa kwarto. Parang galit din siguro si Pauline sa akin. Hindi ko naipaliwanag ng mabuti ang mga  kilos ko sa kanya.

Umiyak na rin akong buong Gabi. Iniisip ko lang din ang mga masasayang  sandali na kasama silang dalawa. Sila ang mga una kong naging kaibigan. Sila ang unang tumanggap sa akin ng buong-buo. Sayang at parang wala na talagang pag-asa.

Litseng puso kasi eh. Bakit ba kasi si Jema pa ang napili niyang mahalin. Una ko tung naramdaman kay Jema. Nag ka kacrush naman ako pero hindi naman masakit nung mahiwalay ako sa kanila. pero iba talaga ang tama ko kay Jema eh.

Simula sa araw na ito. Wala ng love life. Bawal na iyon. ayaw ko ng makaramdam ulit ng ganitong sakit.

Nanalo ng Championship ang team kaya nag out of town kami. Sumikat kami lalo at marami na rin nakapansin sa akin. Hindi naman kasi ako pangit. Doon nga sa amin sa Cebu maraming nagkakagusto sa akin. Dito pa kaya. Hindi naman sa pagmamayabang,

Kahit pa marami ng ibang nagpaparamdam, at marami rin akong sinakyan at naka fling, hindi pa rin naalis sa isipan ko si Jema. Ilang Linggo na rin pero ang unang pag-ibig hindi pa rin nakakalimutan.

.............................

Hindi na natuloy ang panlilibre ko sa mga ka team ko. Tinawagan ko na si Kuya Kobe para sunduin ako. gusto kong umuwi na sa Laguna. Sumisikip na ang dibdib ko sa twing naalala ko si Deana. Hindi ko aakalain na ang unang pag-ibig ko ay sa kapwa ko babae. Ang malala sa Bestfriend ko pa.

Si Ate Fhen na lang daw bahala magpaliwanag sa mga ka team mates ko. Maiintindihan naman daw nila.

Uy Baby girl? Tawag sa akin ni Kuya Cy. At niyakap na ako. Napahagulgul ulit ako sa iyak.

Kuya Cy?! Napayakap na ako sa kanya. Galit sa akin si Deana. Napahagulgul na ako sa iyak.

Kay kuya Cy ko lang na ekwento ang Gender Preference ko. Attracted naman ako sa boys pero iba talaga tung nararamdaman ko kay Deana. Naalala ko naman ang unang halik namin sa bahay nila. Hindi ko nakalimutan ang sarap ng mga halik niya.

Bakit? Ano na ang nangyari ha? Tanong nito habang nakayakap sa akin.

A-ayaw na-niya n-na a-akong ka-kai-ibigan kuya. Pa utal-utal kong sabi

Magiging okay din ang lahat Jess. Sabi nito. Kailangan niya lang mag-isip. Hayaan mo muna.

Unti-unti na rin gumaan ang loob ko kaya nakatulog na ako sa byahe. may laro kasi si Kuya Kobe kaya si Kuya Cy na lang naghatid sa akin sa Laguna. Doon marerelax ako kasi nandun si Mama at ang mga kapatid ko. Si papa. Sana nga hindi na siya lasingero. Mabait naman siya eh, pag hindi lasing.

Pagdating ko ng bahay nahata agad ni mama ang namumugto kong mga mata sa kakaiiyak.

Ikaw lang yata ang kilala kong tao na naiyak nng todo ng makuha ang trophe at Medalya niya. Pabirong sabi ng kapatid kong si Mafe.

Napayakap naman ang bunso namin na si Bryan. Ate miss na miss na kita. Sana dito ka na lang. Ang cute cute talaga ni Bunso. ningitian ko lang siya.

Nanatili ako ng Laguna for 2 weeks, pero ang sakit ng unang pag-ibig hindi pa rin nag lalaho.

......


Best Of FriendsWhere stories live. Discover now