78

1.4K 54 2
                                    

Deana's Pov

Isang linggo na rin kami hindi nagkikita ni Jema. Pagkatapos ko siya dalhin sa ospital sinabihan na ako ni Pauline na layuan na muna si Jema dahil ayaw niya ito ma stress dahil sa akin. Si Kuya Kobe at Pauline na ang nagpalitan ng bantay sa kanya sa ospital. After 2 days nakalabas na rin siya at agad naman itong umuwi na sa Laguna. Hindi na rin ako kinakausap ni Pauline after nun kaya lumipat na rin siya ng kwarto kaya si Jules na ngayon ang kasama ko sa dorm.

Hindi ko naman masisisi si Pauline. Second time ko ng nasaktan ang bestfriend namin. Hindi ko natupad ang pangako kong hihintayin ko siya at hindi siya susukuan.

Hindi na tulad ng dati ang sigla ko. Mas prefer ko na mag-isa at manood na lang ng movies sa kwarto. Lagi naman wala si Jules kasi minsan doon siya sumiksik sa kwarto nina Pauline at Ate Kat. Boring na nga siguro akong kasama.

Dorm at Gym na lang ang puntahan ko. Nakakausap ko lang ang team pag nasa lob kami ng court. Hindi ko na rin alam kung ano ang balita kay Jema. Denaactivate ko na kasi lahat ng social media accounts ko.

Umiiwas na rin ako sa kung ano mang conversation dahil ayaw kong makarinig ng tungkol kay Jema.

So ano? Ganyan ka na lang. May biglang nagsalita sa likod ko.

Naka-upo lang ako sa bench ng Gym. Akala ko kasi walang tao. Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Ate Jhoana.

Ikaw lang pala. Tipid kong sabi sa kanya.

Hangang kalian ka ganyan? Pag-alalang tanong ni Ate Jhoana sabay upo sa tabi ko.

Forever. Diin kong sabi at napatayo na upang lumayo na sa usapan.

Tatakasan mo naman ang problema? Habol niyang sabi.

Napahinto ako sa paglalakad. Ayaw ko lang ng problemA. Sabi ko at tumuloy na sa paglalakad ng may biglang humili ng kamay ko.

Hindi ganyan ang dapat ginagawa Deana. Galit na tugon ni Ate Jhoana sa akin. Hinila niya na ako at pinaharap sa kanya. You are too coward. Sabi niya pa at nakatanggap ako ng isang malutong na sampal.

Pinipigilan kong tumulo ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Sinira ko na ang kamao ko at nararamdaman ko ng nanginginig ang buo kong katawan.

I thought you're different from Bea. Akala ko mas mature ka sa kanya. Well I was wrong. Bea is way better than you. Sabi niya pa at hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko. Bakit sinisira mo ang buhay mo ha?

Wala ka ng pakialam. Sigaw ko. Wala kayong lahat alam sa nararamdaman ko.

Then tell me. Ano ba ang problema mo ha? Ikaw lang naman ang hinihintay ni Jema eh. Ikaw tung lumalayo sa kanya. Sabi pa ni Ate Jhoana.

She deserve someone better. At hindi na ako iyon. Mahina kong sabi at winakli na ang kamay ni Ate Jho. Tumakbo na ako palayo sa kanya.

Pagod na ako masaktan. At ayw ko na ring saktan si Jema. We are better off without each other.

,........................

Jema's POV

Pagkatapos ko ma ospital ng ilang araw hindi na talaga nagpakita pa si Deana sa akin. Break na nga ba kami? Hindi ko rin alam. Hindi ko maintindihan. Hindi ko ng pinilit na puntahan si Deana dahil ramdam kong iniiwasan niya naman ako. Gaya rin ito dati. Tatlong taon niya rin ako natiis. Tatlong taon din akong nangarap at naghintay sa kanya.

Ayaw rin akong payagan ni kuya Kobe napalapit ulit kay Deana. Sobra na raw kasi ang pasakit na nararanasan ko dito. Sa tuwing nagbabalak akong puntahan siya sa dorm laging nandiyan si Pauline para pigilan ako. Dapat daw si Deana ang pumunta sa akin.

Unti –unti ko na rin pina-alam sa pamilya ko ang tungkol sa Gender preference ko. Alam na rin ng karamihan kong fans na bestfriend ko lang talaga si Cy. Napaghalata na rin nila na Bisexiual ako dahil sa mga past pictures naming ni Fhen.

Nalilink ulit ako kay fhen pero tinatawanan lang naming. Late ang update ng mga fans eh. May isang fan pa nga na nagalit kay Fhen kasi raw may kadate itong iba. Pinagtawanan na lang naming. Nasanay na rin ako sa mga bashers sa social media. Tanging si Deana na lang talaga ang hinihintay kong pumunta sa akin.

Hoy!!! Tawag pansin sa akin ni Jia. Kanina pa ako nag sasalita dito hindi ka pala nakikinig diyan. Inis nitong sabi.

Ningitian ko na lang siya. Sorry na. Sabi ko sabay hawak ng kamay niya.

Yan na naman ang pa fall mong ngiti. Tigilan mo nga iyan! Saway pa nito sa akin. Nandito kami ngayon ni Jia sa BEG. Nagbabasakali akong Makita si Deana dito. Pero as usual hindi siya pumunta ng malaman niyang kasama ang creamline sa training. Pangiti ngiti ka lang diyan eh alam ko naman na nadismaya ka dahil walang wong na nagpakita dito.

Okay lang ako noh. Sabi ko pa habang nakangiti. Sanayan lang iyan Jia.

Ako yata mababaliw sa iyo eh. Hindi ko talaga alam kong ano pa ang gagawin sa iyo. Sabi pa nito habang iling ng iling.

Ano ba ang pinag sasabi mo? Okay nga lang ako oh. Sabay ngiti sa kanya.

Tigilan mo na nga yang pag papanggap mo. Kilalang kilala na kita noh. Dagdag niya pa kaya napatawa na lang ako.

Pano mob a nagagawang ngumiti diyan habang nasasaktan? Biglang tinanong ni Jia sa akin matapos kong tumawa. Kaya ka nagkaroon ng sakit sa puso eh. Ang hilig mong magtagoi ng feelings.

Eh ganun talaga eh. Hindi ko namanpwede ipakita lahat. Alam mo namang maraming mata ang nakabantay. Sabi ko pa sa kanya.

Sabagay. Hirap nga maging sikat. Pagsang-ayon niya sa akin.

Ikaw nga diyan eh. Poker Face. Biro ko pa sa kanya sabay kurot ng pisngi niya. Hinampas niya naman ang kamay ko kaya napatawa ulit ako.

Duh. Atleast hindi nababaliw tulad mo. Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Sabi niya pa sabay irap ng mata. Tinawanan ko na lang siya.

Ang hirap din magpanggap na okay ka lang. Laging sumisikip ang dibdib ko pero kailangan kong magpatuloy sa buhay para sa amin ni Deana. Alam kong darating ang araw na babalikan niya ako tulad ng dati.

....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now