Deana's POV
Hindi ko talaga gusto ang amusement parks. Nasusuka ako sa mga rides. Hindi ko rin maintindihan tung mga kaibigan ko kung bakit nila naeenjoy ang mga ganitong bagay.
Ang KJ mo naman Deans! Suya sa akin ni Pauline. Akala ko ba ikaw ang astig sa atin tatlo?!
Natatawa naman si Jema sa akin. Hindi ko akalain na duwag ka pala. Inis niya sa akin.
Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa mga kaibigan ko. Minsan talaga masaya sila kasama pero may mga times na gusto mo silang patayin. Basta I don't want to ride that!? Turo ko sa roller coaster.
Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon, ito rawa nag bonding time naming. Pero sila lang naman ang nag eenjoy. Sinakyan nila lahat ng rides habang ako naman panay kuha na lang ng litrato nila. Para akong alalay ng dalawang prinsesa.
Kailangan mo nang sumama sa amin. Pamilit ni Jema sa akin habang nag pu-puppy eyes. Nasa Horror Train na kami ngayon at hinihila na naman nila akong dalawa dahil gusto na nila akong sumama sa kanila. Ito ang pinaka ayaw kong ride. Takot kasi ako sa dilim.
Please. Hawak hawak ni Jema ang mga kamay ko. Nakatitig lang siya sa akin sino ba ang aayaw sa kanya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Sam aka na? Tanong niya sa akin. Randam na ramdam ko na ang hininga niya Uminit ang buo kung katawan.
Hey Deana Wong! Binatukan ako ni Pauline kaya nag untog kami ni Jema.
Aw!!! Sabay naming sigaw ni Jema.
Wow ha. Duet pa talaga kayo. Ano Deana?! Aarte ka pa ba. Last ride na to ho. Sasama k aba o hindi?! Seryosong tugon ni Pauline.
Napatingin ako kay Jema, ngumingiti na siya sa akin... Sige na please... parang binulong niya sa hangin pero naintindihan ko naman, napatango naman ako sa kanya kaya pumila na kami papasok ng Horror Train.
Naupo ako sa kami sa dulo ng train. Napahawak ako sa railings. Tumabi naman sa akin si Jema. Ng umandar na ang train para akong binuhusan ng malamig ng tubig. Nanginig ang buong katawan ko at parang naninigas na sa sobrang kaba.
Biglang dumilim ang paligid. Umandar ang mga creepy na sound effects. Tapos nagsilabasan na ang mga nanggugulat na mga nilalang. Tahimik lang ako pero ang puso ko umihiyaw na sa sobrang takot. Si Jema at Pauline naman parang nagtatawanan pa sa tuwing may lumalabas na monster.
Hala ang pangit naman nun. Sabin i Jema ng may lumipad na manananggal sa harap naming. Parang si Gidget ang kaklase kung akala niya naman siya ang pinaka matalino sa klase. Dagdag niya pa.
May kilala rin ako niyan. Sabi pa ni Pauline. Ang masungit naming librarian.
Nagtawanan lang silang dalawa habang ako parang maiihi na sa takot. Patapos na yata ang ride kasi nagkailaw na. Nanigas na ang buo kung katawan.
Deana? Tawag sa akin ni Jema. Kinuha niya kamay ko nan aka pulupot pa sa railings. Okay ka lang ba? Tanong niya at agad ko siyang niyakap. Umiyak na lang ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya.
Gulat na gulat din silang dalawa. Hala talagang natakot ka? Kabang tanong ni Pauline.
Humagulgul na ako sa iyak. Pilit kung kinubli ang takot ko kaya ng makalabas na kami, hindi ko na mapigilan.
Sige bibili muna ako ng tubig. Volunteer ni Pauline dahil nakayakap pa ako kay Jema. Iyak pa rin ako ng iyak.
Tahan na Deans? Nandito lang ako. Sabi ni Jema kaya unti-unti akong huminahon.
