Deana's POV
Hindi na ako makatulog. Ano yun? Hindi siya nagsalita pero ramdam kong may pag-asa talaga ako sa kanya. Kahit hindi pa siya talaga sumagot sa "I love you" ko sa kanya pero hinalikan niya ako sa labi at binigyan ng napakainit na yakap. Kailangan ko pa talaga marinig mula sa mga bibig niya kung mahal niya talaga ako?
Lahat na nangyari kanina sa date naming ay parang naglalaro lang kami ng charades. Wala akong narinig sa kanya pero ipinakita niya sa akin na mahal niya rin ako.
Actions speaks louder than words. Pero gusto ko talagang marinig mula sa kanya. Ayaw ko naman mag assume. Baka iba ang interpretasyon ko sa mga actions niya.
Baka naman binabawian niya lang ako at pinaglalaruan ang nararamdaman ko. Alam niya kasi na ang lakas ng tama ko sa kanya kaya ganun siya umasta.
Dean? Tawag sa akin ni Pauline na nasa kabilang kama. Anon a? Hindi ka makatulog? Gusto mo bang pag-usapan?
Paano kung pinaglalaruan lang ni Jema ang feelings ko? Sabi ko Paano kung binabawian niya lang ako dahil sa pag iwan ko sa kanya dati.
Naku naman Deana. Diing sabi ni Pauline. Para namang hindi mo nagging kaibigan si Jema. Hindi niya naman gagawin yun sa iyo. Alam ko at ramdam ko na mahal ka niya mula pa nung una hanggang sa ngayon.
Pero kasi ano eh.... Utal utal kung sabi. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko. Hi-hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya at pangiti ngiti. Ilang ulit ko siya tinanong pero wala kaong sagot na nakukuha,
Bakit mo pa ba kailangan ng sagot auh. Sabi pa ni Pauline. Hindi pa ba sapat na pumayag na siya na ligawan mo siya?
Paano kung nagsasayang lang ako ng efforts at panahon? Sabi ko pa.
Mahal mo ba si Jema? Tumango lang ako sa tanong ni Pauline. Kung talagang mahal mo siya mag effort ka kahiot hindi ka sigurado. Hindi masasayang ang effort at panahon mo pag nagmamahal ka shunga!!!! Diing sabi sa akin ni Pauline kaya natauhan ako.
Natakot lang siguro ako masaktan ulit. Sabi ko pa.
Nagmamahal ka eh. Talagang masasaktan ka. Dapat hand aka na diyan noh. Hina mo naman Wong. Hai naku. Sabin i Pauline sabay tapon ng unan niya sa akin. Binalik ko din sa kanya.
Thank you pau. Sabi ko sa kanya kasi parang naintindihan ko na rin ang nais niyang ipahiwatig,
Huwag kang magpasalamat. Ayusin mo yang panliligaw m okay Jema. Huwag mong susukuan kasi pag inatrasan mo yan ulit naku. Mapapatay kita. Banta pa ni Pauline sa akin. Tinawanan ko na lang siya.
Sana nga hindi na ako maging duwag tulad ng dati. Sana nga mapanindigan ko na si Jemaq hanggang sa huli.
.........
Jema's POV
Namaos na yata ako sa kakatili kaya nagsipuntahan na kami sa mga kwarto namin para matulog.
Handa ka na ba? Tanong ni Joy ng nakahiga na kami sa kama naming.
Hindi ko Alam 'te? Sabi ko sa kanya.
Kaya mo na ba siya ipaglaban sa pamilya mo, sa fans mo. Sa lahat? Sabi pa ni Joy kaya kumunot noo ko.
Hindi ko alam 'te. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin ni Deana pag malaman ng parents ko na ganito ako. Alam kong tanggap ako ni Mama pero si Papa. Natatakot ako baka masaktan niya si Deana. Alam mo naman yun di ba. Masyadong maprinsipyo yun at paborito niya akong anak. Sa akin nga lang iyon nakikinig eh. Kwento ko pa kay Joy.
Anong balak mong gawin? Tanong ni Joy.
Bahala na. Darating tayo diyan. Diin kong sabi.
Ang dami mo rin kayang fans. Baka ma bash si Deana pag nagkataon. Kailangan mo siyang ipagtanggol sa lahat at kailangan matapang ang loob mo sa maaring mangyari. Sabi pa sa akin ni Joy kaya tumango na lang ako sa kanya.
Pahinga ka na. May training pa tayo bukas. Utos ko sa kanya. Ako pa rin naman ang kapitan kaya karapatan ko yun.
Sinunod naman ako ni Joy aty natulog na siya.
Hindi naman ako makatulog sa kakaisip kay Deana. Kanina lang ang sarap sa pakiramdam na saw akas nagsama kaming dalawa at sinabi niya sa akin ang matagal ko ng hinihintay na sabihin niya, Mahal niya ako. Ramdam ko naman ang sinsiridad niya kaya bigla akong natakot.
Baka masaktan ko siya ulit. Baka masaktan din ako. Ano ba ang kailangan kong gawin para mawala ang lahat ng takot ko. Gusto kong makasama si Deana. Mahal ko siya at masaya ako kapag kapiling ko siya. Pero paano ko siya ipaglalaban? Paano?
.......