Jema's POV
Pagkatapos ng moment namin ni Deana, bumalik na rin ang sigla ko. Nakipag - ayos na rin ako sa mga ka team mates ko at naging okay na rin ang pakitungo namin sa isa't-isa. Kinatuwa naman yun ng coach namin kaya ngayon balik training na kami para sa sususnod na kalaban namin. Hindi maging madali pero kakayanin namin.
Tama nga si Jia kailangan ko lang talaga maging positive sa lahat ng bagay. Kakayanin naman ng team basta tulong tulong kami. Nanalo kami sa mga sumundo na laban. Halos lahat ng game namin 5 setter. At pantay lang kami ng Ateneo sa stats. ang nakakagulat sa lahat ay natalo namin ang defending champions, ang lasal.
Yes! Parang champions na tayo kanina. Tuwang tuwang sabi ni Ate Mylene.
Akalain mo yun. in 4 sets lang natalo natin ang La Salle. Hindi makapaniwalang sabi ni Elle
At ikaw pa ang player of the game. Sabi ko pa kay Elle at tinap siya sa likod. Nice Job Elle.
Natuwa naman siya kaya niyakap niya ako. Thank you Jem, hindi niyo ako sinukuan.
Aysus ang drama. Pamigil ni Fhen kaya natawa na rin kami.
Ito ang pinaka masayang panalo namin so far. Todo bantay ang La Salle sa akin kaya wala ako masyadong naiambag sa puntos. Pero naasahan din ako sa floor defense. Naramdaman ko talaga na naging team kami. Ang saya lang kasi nagawa naming lahat.
Buti rin pala na nakasama mo si Deana ng isang gabi. Sabi pa ni Fhen habang nag aayos kami ng mga gamit sa Bus.
Tinignan ko lang siya. Ano bang pinag sasabi mo?
Simula kasi nung gabing iyon nawala na ang pagiging masungit mo at lagi ka ng ngumingiti. Paliwanag pa ni Fhen at binigyan ako ng ngiti. Gaya ng una kitang nakilala. Bumalik ka na Jess.
Napangiti na rin ako sa kanya. Salamat sa pag intindi mo sa akin Fhen. Ang laki ng utang na loob ko sa iyo.
Wala yun. Sabi niya pa sabay smirk. Basta ba masaya ka eh.
May pinalit ka na ba sa akin? Tanong ko kay Fhen.
Maraming prospect pero wala pa talagang hihigit sa iyo. Sabi pa nito sabay wink sa akin kaya nahampas ko siya sa likod. Welcome back Jessica. Dagdag niya pa.
It's nice to be back Fhen. Nagyakapan pa kami.
Ano to?! Pamigil sa amin ni Joy. Muling ibalik ang tamis na pag-ibig... Ayieeee!!! Tukso niya pa sa amin.
Nagtawanan lang kami ni Fhen. Ramdam ko naman na masaya na si Fhen kung anong kaya ko ibagay sa kanya. Mas naging maganda pa nga ang samahan naming ngayon. Mas naging sweet kami sa isa't isa kaya nga minsan nagpapakamalan pa rin kami. Malaki ang pasasalamat ko kay Fhen, kasi kahit gaano ko siya sinaktan hindi siya nagalit sa akin, tinulungan niya pa nga ako makapag-move-on at bumalik sa dati kong sigla.
.......
Deana's POV
Malapit na matapos ang First round elems. Hindi naging maganda ang games namin. Tatlong talo na rin kami at kapantay namin sa 4th ang Adamson. Na frufrustrate na talaga ako.
Ang dami ko ng natatanggap na bash sa social media. Hindi ko kayang pantayan man lang ang galing ni Ate Jia.
Deans? Tawag sa akin ni Ate Jho at naupo sa tabi ko. Nasa bench kami ngayon kakatapos lang ng training namin. What's bothering you?
'te? paano ko ba madadala ang team kahit sa semis lang? Natanong ko at parang naluluha pa. Hindi ko man lang ma perfect ang sets ko.
Hindi lang naman kasi ikaw lang ang magdadala sa team sa semis Deans. Sabi nito sabay akbay sa akin. Team tayo di ba? Kakayanin natin to ng sama sama. Tulong tulong naman tayo auh.
Nakaka frustrate lang kasi 'te. Sabi ko pa sa kanya.
Ganyan lang talaga yan sa una. Nakatingin sa malayo. May mga bagay kasi na matagalan pa bago ka maka adjust. Kailangan mo pa ng sapat na panahon para magawa ng tama ang mga bagay bagay.
Tinignan ko kung saan nakatingin si Ate Jho. Nakatitig lang siya kay ATe Bea. Are you still refering for me or anyone else? Tanong ko dito.
Hindi madali ang magbago Deans. You were a Libero last season at agad ka na lang sinabak sa pagiging setter. ang masaklap, ikaw lang talaga mag isa. Wala kang counter part. Sabi pa nito. Naintindihan kita kasi ako mismo nasa transisyon na rin sa pag babago.
What do you mean 'te? Taka kong tanong.
I need to let go of someone very important to me. Sabi niya habang nakatitig kay Ate Bea. Si Ate Bea naman ay binubully si Ate Kat.
Bakit? Tanong ko ulit.
Kasi ayaw ko na siyang saktan. Sabi pa nito at tumayo na sa kinaupuan namin. Someday you will understand. Sabi pa nito bago lumayo sa akin.
Ano naman kaya ang pinag dadaanan ni Ate Jho. Hindi ko talaga sila maintindihan. Mahal naman nila ang isa't-isa pero bakit hindi nila kayang ipaglaban. Ayaw kong matulad sa kanila. Hanggat kaya ko, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Jema. Hinding hindi ko siya sasaktan. Mamahalin ko siya at ipagmamalaki sa mundo.
.....