Deana's POV
Nakatulog ako sa sobrang iyak. Nagising ako ng maramdaman kung may kung anong bumagsak sa aking katawan.
Pag mulat ng mga mata ko nakita ko ang galit nag alit na mukha ni Pauline. Tinapon niya pala sa akin ang sapatos niya.
Gago ka!! Sigaw niya sa akin. Bakit mo ako iniwan?! Akala ko ba may klase ka?! Anong nangyari sa iyo ha!? Alam mo bang nahimatay si Jema sa banyo? Kanina pa kitang tinatawagan, wla ka bang pakialam kung anong nangyari sa kaibigan natin?! Buti na lang chineck ko siya sa CR. Hoy!!!! Magsalita ka! Tuloy tuloy ang pagsasalita ni Pauline.
Nakatulala lang ako sa kanya. Nahimatay si Jema dahil sa akin. Ipapahamak ko pa siya. Shit Deana.
Ano na Deana!!!? Magsalita ka! Sigaw sa akin ni Pauline subalit bago pa man bumukas ang mga bibig ko para magsalita bumuhos na naman ang mga luha ko. Kaya si Pauline na naman ang natigilan.
Anong nangyari ha. Tanong sa akin ni Pauline.
Pau, Nasaktan ko si Jema. Ako ang nananakit sa kanya. Humahagolgul na ako sa iyak kay napayakap si Pauline sa akin.
Dahil ba it okay Ricci? Natanong niya at tumango lang ako.
Hindi ko pa siya kayang ipaglaban sa pamilya ko Pau. Sabi ko pa. Pero mahal na mahal ko siya.
Hindi na rin siguro alam ni Pauline ang sasabihin niya kaya tumahimik lang siya habang umiiyak ako.
Alam kong naintindihan ni Jema ang sitwasyon mo Deans. Putol ni Pauline sa katahimikan. Pamilya yan eh. Importante sila sa atin kaya huwag ka ng mag alala. Magiging okay lang si Jema. Siya pa, di ba nga siya nag pinaka matapang sa ating tatlo. Naipagtanggol niya na nga tayong dalawa laban sa mga kidnappers di ba? Malakas si Jema. Kakayanin niya yan. Ikaw ba? Kakayanin mo? Tanong niya sa akin ng huminahon na ako.
Kaya ko pa ba? Nasabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Ang sakit Pau.
Hinimas himas ni Pauline likod ko. Deans. Kakayanin mo. Ipaglaban mo pa si Jema di ba? Gagawan natin iyan ng paraan. Tutulungan kita. Niyakap na ako ni Pauline ng mahigpit.
Hindi na ako nag dinner at pinahiram sa akin ni Pauline ang cell phone niya. Binuksan ko ang account ni Pauline at inistalk ang FB Account ni Jema dahil naka block ako sa kanya.
Plain black ang Profile Picture niya. Wala siya masyadong post. Ang huling post niya ay ang picture naming tatlo ng pumunta kami sa bahay niya. Akala ko magiging okay na lahat pero mas malaking pagsubok pa pala ang haharapin naming. Mas masakit at mas matagal na pag titiis.
.....
Jema's POV
Nagising ako nasa ospital na ako. Binabantayan ako ni Kuya Kobe kasama si Kuya Cy.
Bakit ako nandito. Natanong k okay kuya Kobe.
Nahimatay ka sa banyo, Buti na lang nakita ka kaagad ni Pauline. Paliwanag ni kuya sa akin.
Naalala ko na nga.
Nasa banyo ako ng sundan ako dun ni Deana, at bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko that time.
Ng marinig kong sinabi niyang, Mahal kita sana huwag mo iyong kalimutan.
Gusto ko siyang habulin that time pero sa sobrang sakit nanilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.
Wala ka bang sasabihin sa akin Jess? Seryosong sabi ni Kuya Kobe. Napatingin ako kay Kuya Cy na naka – alam ng lahat. Napatango lang siya sa akin.
Kuya I think I'm in love. Sabi ko sa kanya.
So totoo nga? Tibo ka? Sabi niya.
Hindi ko po alam. Napaiyak ako ulit.
Agad naman ako denepensahan ni Kuya Cy.
Pre, hindi naman yata tibo si Jessica. More likely, what do you call that. Parang nag –isip pa. Bisexual. Yung Attracted siya sa both guys and gals. Yun. Di ba Jessica? Baling niya sa akin kaya napatango lang ako.
So tama ba ang hinala ko na si Deana ang tinutukoy mo? Panigurado ni kuya Kobe at tumango lang ako ulit.
So what happened to both of you? Nag –away ba kayo? Ano? Did she not accept your love for her? Ano? Sunod sunod na tanong ni kuya Cy.
Mahal niya raw ako. Sabi ko at agad yumuko. Pero hindi kami pwede.
Are you scared that mom might find out? Tanong pa ni kuya.
No kuya. I know naman na kahit anon mangyari matatanggap ako ni Mom. Sabi ko.
Then why are you in such a pain Jessica? Diing tanong ni Kuya Kobe. Parang gallit siya kasi Naka close na ang kamao niya.
Hindi kami pwede sa pamilya niya. Tanging nasagot ko at agad na naman napahagulgul ng iyak.
Narinig ko naming nasuntok ni kuya Kobe ang pader. Baklit niya pa sinabing mahal ka niya kung hindi ka naman pala niya kayang ipag laban? Galit na tanong ni Kuya Kobe.
Tama nay an Pre. Pamigil ni Kuya Cy sa kanya. Hayaan mo na ang mga bata. Hindi naman natin alam ang buong kwento. I know may dahilan si Deana. Intindihin na lang natin pre. Ang importante nandito tayo para kay Jessica.
Agad naming huminahon si Kuya Kobe at napayakap sa akin. My poor little sister. Mas nauna ka pa yatang na inlove sa akin. Here, here tahan na. Pinunasan ni kuya Kobe ang mga luha ko sa mata.
Napangiti na lang ako sa kanya. Kakayanin koi to kuya. Your little sister is no longer a baby. Kakayanin ko to.
Yeah. I believe in you. At hinalikan niya ako sa noo.
Masaya ako na tanggap ako ni Kuya Kobe. Na kahit papano may mga taong umaalalay sa akin. Kakayanin ko to. Isangmalaking pagsubok lang naman to eh. Darating din ang panahon na mag mamahal ako ulit. At pag dumating yung araw na iyon sigurado akong makakayanan ko na lahat ng pagsubok dahil may mga taong nag bibigay sa akin ng lakas.
.....