36

1.3K 41 1
                                    


Jema's POV

Ilang araw na rin pero hindi pa nakabalik ng dorm si Fhen. Tinawagan ko na yung mga magulang niya at mga kapatid pero walang nakaka-alam kung nasaan siya. Umalis na rin si Ate Mylene para hanapin si Fhen. Tatlong araw na niyang hinahanap si Fhen at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sa kanila.

Ano ba kasi talaga ang sinabi ni Fhen sa iyo ng huli mo siya nakita? Tarantang tanong k okay Joy. Buong araw wala kaming ginawa kundi hanapin si Fhen sa mga kaklase niya.

Ate Jema nagpaalam lang naman siya na magagabihan siya, Hindi niya naman kasi sinabi na ilang araw pala siya mawawala. Sarcastic na sabi ni Joy kaya binatukan ko siya.

Parang iniisip ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit nawawala si Fhen. Ano ba kasi ang nangyayari dun. Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko ang cell phone ko at kinuntak ulit si Ate Mylene. Sa wakas sinagot niya rin ang tawag ko.

Ate May!!!! Excited kong tawag sa kanya.

Chill Jema. Natatawang sabi ni Ate Mylene. Talagang may time pa siyang tumawa sa ganitong sitwasyon.

Ano ba te? Nasaan na kasi si Fhen. Maiyak iyak kong sabi.

Kasama ko na siya. Pabulong niyang sabi. Parang may tinatago.

Nasaan kayo? Taranta kong sabi.

Jem. Bigyan lang muna natin ng spacesi Fhen. Hindi niya pa talaga ako kinakausap eh. Pero halatang ayaw niya pang bumalik diyan. Paliwanag niya sa akin.

Pero ate pag hindi pa kayo makapag training bukas, Hindi na kayo makapaglaro sa UAAP. Diin kong sabi. Bago ang coach naming. Bago ang systema kaya kailangan todo practice na kami pero wala pa rin si Fhen at ate Mylene. Pinagalitan na kami ni Coach pag wala pa yung dalawa maghahanap na si Coach ng ipapalit sa kanila.

Babalik naman kami sa team kaya don't worry. Hindi man ngayon baka sa susunod na taon. Hindi naman natin mapipilit si Fhen at ayaw ko rin siyang iwanan dito. Sorry talaga Jem. Sabay end ng call.

Ate May! Sigaw ko baka sakaling maririnig niya ako. Pero wala na talaga akong nagawa. Hindi na sila babalik. Biglang bumagsak na ang luha ko. Napayakap naman sa akin si Joy.

Kailangan kong makausap si Fhen. Humagolgol na ako sa iyak ng sinabi ko yon.

Kukumbisihin lang natin si Ate Mylene na sabihin sa atin kong nasaan sila. Sabi ni Joy sa akin habang hinihimas ang likod ko.

Siguro talagang napapabayaan ko si Fhen. Masyado kasi akong confident sa kanya..

Ate Jema. Patakbong tawag sa akin ni Ciara. Alam ko na kung nasaan si Ate Fhen. May nakakita sa kanila. Malapit lang daw siya sa bahay ng kaklase ko. Doon daw siya nag stay ng dalawang gabi.

Tarantang nag ayos na ako at kinuha ang susi ng kotse. Tayo na. Puntahan na natin yung lugar.

Sinama na naming ang kaklase ni Ciara para mahagilap naming si Fhen. Si Joy na ang nag drive kasi baka daw hindi ako makapag drive ng maayos sa sobrang kaba.

Nasa isang resort lang pala si Fhen kasama si Ate Mylene. Pagdating naming dun nakita naming sila agad. Tumakbo ako patungo kay Fhen at niyakap siya. Parang nagulat yata si Fhen kaya hindi siya makagalaw. Dahan dahang inalis ni Fhen ang mga kamay ko sa pagkayakap sa kanya. Ano ang ginagawa mo dito? Natanong ni Fhen ng maalis niya na ako sa pagkayakap sa kanya.

Sinusundo na kita. Uwi na tayo. Sabi ko sa kanya.

Sorry Jess. Hindi na ako sasama sa iyo. Sabi niya.

Bakit naman? Sige na uwi na tayo Fhen. Hinawakan ko ang kamay niya.

Patawarin mo ako Jess. Sabi niya at nakikita kong may namumuo ng luha sa mga mata niya. Pero hindi ko na kaya. Suko na ako. Mahal kita pero masakit na masyado.

Mahal naman kita auh. Sabi ko sa kanya at niyakap siya.

Tinulak niya na ako palayo sa kanya. Mahal mo ako. Yun ang sabi ng isip mo, pero hindi yan ng puso mo. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya at napaiyak na rin ako. Mahal kita kaya pakakawalan na kita. At agad niya na akong tinalikuran.

Napaupo ako sa sobrang sakit. Masakit palang sukuan ka ng taong akala mo hindi ka kayang sukuan. Minahal ko naman talaga si Fhen eh kaya ang sakit sakit. Kinuha na rin ako ni Joy at inalayan pabalik ng kotse. Hayaan na lang muna natin si Fhen. Si ate Mylene na lang daw bahala sa kanya.

Tuloy tuloy lang ang iyak ko ng bumalik na kami ng dorm. Si Joy na ang nagpasalamat sa kaklase ni Ciara. Tahimik ang lahat habang ako ay hindi makapaniwala sa nangyari.. Siguro nga labis ko siyang nasaktan kaya nawala na rin siya.

.......

Deana's POV

Umatend na ako ng klase pero parang wala akong gana. Labas pasok lang sa tenga ko ang lahat ng sinasabi ng professor ko.. Wala naman akong maintindihan. Kaya naisipan ko na bumalik na lang ng dorm para matulog.

Deana! Tawag sa akin ni Ate Bea ng Makita kami sa hallway.

Bakit? May kailangan ka? Tanong ko sa kanya.

Your dad is in the dorm. Kanina pa siya naghihintay sa iyo dun. Taranta niyang sabi.

Agad naman akong tumakbo patungong dorm at nandun nga siya,

Dad? Tawag o sa kanya sabay beso dito. What brings you here?

Pasensiya ka na anak. Sabi ni Dad sabay yakap sa akin. Hindi na tuloy yung arrange marriage niyo ni Ricci. Sabin i Dad na parang hinayang na hinayang.

Deep inside na tuwa ako pero syempre ayaw ko naman magpahalata. Bakit naman dad? Sabi ko at pilit na tinago ang mga ngiti ko at nag kunwaring nalulungkot.

Don't give me that face Ma. Deana Isabela Wong. Seryosong sabi ni Dad. Alam kong natutuwa ka.

Dad naman eh. Nalulungkot naman talaga ako eh. Sabi ko. Pano na ang partnership niyo ng Riveros? Pag alala kong sabi.

Ayon tuloy pa rin ang partnership Sabi niya sabay upo sa sofa. At ummupo na rin ako sa tabi niya. Pero yung sa inyo ni Ricci hindi na matutuloy.

Ano po ba kasi ang nangyari. Taka kong tanong.

Nahuli ni Tito mo si Ricci na may kadate na ibang babae. Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig k okay dad. Parang kinutuban ako na si Ate Nicole Tiamzon yun. Sabi Ni Ricci sa kanya, He prefer to be poor kaysa iwan ang babaeng iyon.

Pinigilan kong tumawa kaya tumahimik na lang ako.

May alam ka dito noh? Bintang sa akin ni Dad at umiling lang ako. I know you Deana. You always have something in your mind na pag gusto mo ang isang bagay gagawa ka ng paraan para makuha ito.Now tell me? Sino na,an ang gusto ng junior ko?

Anong Junior Dad? Gulat kong sabi.

Hai alam ko naming Junior kita eh. Pabirong sabi ni Dad. So sino nga? Si Pauline ba? Tanong niya pa.

Dad?! Pauline is just a friend.Inis kong sabi.

Eh ang sweet niyo eh. O baka naman si Jessica. Lagi mo yang bukang bibig pag nandun ka sa Cebu. Tukso sa akin ni papa pero tumahimik lang ako.

Hai naku. Ginulo ni Dad ang buhok ko. Nag bibinata na ang Junior ko.

Natawa naman ako. Kilalang kilala talaga ako ni Dad.Sorry Dad I cant be someone like Ate Nicole.

Ano k aba anak. Tanggap ka naman naming kahit sino ka pa.. Sabin i dada at niyakap ako ng mahigpit....

Best Of FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant