20

1.5K 48 2
                                    

Jema's POV

Jessica? Tawag sa akin ni Ate Fhen. Halika na. Baka malate pa tayo sa Awarding.

Dali dali na ako nag ayos ng sarili ko. Parang kinakabahan ako ng hindi ko alam. Kukuha lang naman ako ng award eh. Wala naman talaga dapat ika kaba, subalit natataranta talaga ako kasi alam kong magkikita na rin kami ni Deana.

Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita. Hindi nga pumunta ng birthday ko. Pilit kong iniintindi lahat. Siguro nga nasaktan ko siya nung isuko ko siya kay Pauline.

Every weekend nagkikita naman kami ni Pauline pero hindi niya lagi kasama si Deana kundi ang bago niyang kaibigan na si Jules. Irerecruit niya raw iyon sa team niya pag kagraduate ni Ate Alyssa. Wala pa rin akong gaanong ka close dito sa team except kay ate Fhen. Hindi kasi masyadong nakakarelate sa iba pero mga kaibigan ko naman silang lahat.

Ate Fhen sandali na lang. Sigaw ko sa kanya. Bumaba na rin ako agad at naghihintay na ang iba kong ka team. Sasama rin sila sa paghatid sa akin sa MOA.

Pagdating dun nahiwalay na agad ako sa mga ka team ko kasi tinawag na lahat ng awardees kasi malapit na rin magsisimula ang pag bigay ng mga awards.

Nakaupo lang ako sa bench ng Tinawag na pangalan ko ng Announcer. Our Rookie of the Year this Season 76 is from The Soaring Falcons. Number 12, Jessica Margarette Galanza.

Tumayo na ako at narinig ko ng nagtilian ang mga ka team ko. Nilingon ko sila at nag wave sa kanila. Nahagip din ng mga mata ko ang tumatalon talon na si Pauline. Para na siyang baliw sa kakatalon sabay palakpak. Natawa naman ako sa kanya at ningitian siya.

Pagkatapos ng Awarding tumungo na ako sa mga ka team ko para manood ng Finals ng Ateneo at La Salle. Ang tapang ng Ateneo. Sila ang pinakadulo sa stat nung Semis pero nagawa pa rin nilang makarating dito sa Finalas. Isang panalo na lang Champion na sila.

Hinila na rin ako ni Pauline kaya nagulat ako. Kabuti! Nasigaw ko. Baliw ka talaga Pauline.

Tawa lang ng tawa ang mukong. Congrats Best! O Ano na. Wala ba akong libre diyan.

Ililibre ko mamaya ang buong team sa dinner, sama ka? hintayin ka namin. Sabi ko sa kanya.

Uhm. Malabo Best. alam mo na. Baka matalo kami ngayon sa lasal so back to training pa kami. kung mananalo naman may Team dinner din kami. Paliwanag niya.

Eh, next time na lang. Sabi ko. Si DEana. Bigla kong natanong.

Ayon tinutulungan si ate Jia sa Warm-ups. Sabi niya. Busy talaga ang mga setter. At nag wink sa akin.

Balita ko maglalaro ka for Beach Volley this summer? Tanong ko sa kanya. Binalita din kasi iyon ni ATe Amanda sa akin kasi kaming dalawa ang maglalaro para sa Adamson.

Yes. Ako pinili ni Ate Michelle na makasama eh. Proud niyang sabi kaya natawa ako.

Ako rin kasi napili ng team na sasama kay Ate Amanda. Sabi ko sa kanya. 

Yehey! Magsasama tayo sa summer. Cant wait for it. Excited niyang sabi kaya tumawa na ako.

Pauline?! May sumigaw sa likuran ko kaya napalingon ako. Si Deana. Hindi ko na narinig yung mga sinasabi niya kay Pauline. Natulala na ako sa kanya. It's been awhile. Para namang may tumulak sa akin para yakapin siya.

I miss you. Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. HIndi na siya gumalaw. Tahimik lang siya kaya napabitaw ako sa pagkayakap sa kanya at hinawakan na lang siya sa kamay dahil baka naiilang siya.

Jessica. Patakbong pinuntahan ako ni Fhen sa kinatatayuan namin na may dala dalang bulaklak. Congratulations! I am proud of you. Nasabi niya habang nakangiti. 

Napatingin naman ako sa hawak hawak kong si Deana. Nakita kong nakakunot na ang noo nito. Agad niya na rin kinuha ang kamay niya sa pagkahawak ko. 

Pauline mauna na ako sa iyo. Bahala ka na magpaliwanag kay coach. Sabi niya kay Pauline at patakbong lumayo sa amin. 

Nakatayo lang si Fhen sa harap ko pero hindi ko siya pinansin.

Jem? Alis na rin yata ako. baka mapagalitan ako eh. Beneso ako ni Pauline at nag paalam din siya kay Fhen.

Nang wala na si Pauline. Jess? Hinawakan ako ni Ate Fhen sa balikat. Agad ko naman iyong winakli. Tinignan ko siya ng masakit at tumakbo palabas ng Arena.

Paglabas ko ng Arena. May nakita akong pamilyar na tao na naka upo sa isang bench. Nakayuko lamang ito. Nilapitan ko siya.

Dean? Tawag ko sa kanya? Bakit ka nandito.

Inangat niya rin ang ulo niya at tinignan ako. Nagulat ako kasi nakita ko siyang umiiyak. 

Ano pa ba kailangan mo? Paulit ulit na lang Jem. Sabi niya sa akin na tila galit na galit.

Bakit ka ba galit? Nasabi ko sa kanya.

Bakit ako galit? Wow Jema. Alam mo kung ano ang naramdaman ko para sa iyo. Galit niyang tugon. Sabi mo ayaw mo masira friendship natin kaya hindi ko na lang iyon tinuloy. Alam ko naman na kaibigan lang ako para sa iyo. Napatayo na siya at sinasabi yun sa harap ko. Tanggap ko naman eh, kaso ang sakit sakit lang. Sabi niya pa bago ako tinulak at lumayo na sa akin.

Nanatiling nakatayo naman ako sa kinatatayuan ko. Tumulo na rin mga luha ko. Ang sakit sakit. Napaupo ako sa sobrang sakit. napahagulgul na ako ng iyak. Okay lang iyan. Iiyak mo lang. Sabi sa akin ni Ate Fhen at tumabi sa akin sa Bench. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay at patuloy sa pag iyak habang nakaa akbay naman sa akin si ate Fhen.

Hindi alam ni Deana kung gaano siya kahalaga sa akin. at parang walang plano ang universe na ipaalam iyon sa kanya.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now