48

1.6K 47 1
                                    

Jema's POV

Mabilis naman ang recovery ko kaya agad naman umuwi sina mama sa Laguna dahil may mga trabaho pa sila at may Summer Training din si Mafe kasi Varsity din naman siya tulad ko.

Naiwan na si Deana at Pauline para bantayan ako dahil ang mg aka team mates ko naman ay busy din kasi dahil naglalaro din naman kami sa PVL.

Semi Finals na kaya kinailangan kong manood para sa Team. Akay akay naman ako nina Deana.

Ang bigat mo na Jem. Biro sa akin ni Deana ng alalayan niya ako na makapasok sa kotse ni Pauline, agad ko naman siyang binatukan.

Sure ka ba na pwede ka na maglakad? Pag alalang tanong ni Pauline.

Pwede na. Kailangan kong mapanood ang laban ng team ko. Pakiusap ko sa kanila.

Mag iisang linggo na ng makalabas ako ng ospital, Araw araw akong dumadaan sa physical therapist kasama tung mga kaibigan ko para sa therapy ng paa ko. Alam ko naman na kaya ko na talagang maglakad. Pero hindi pa tuluyan dahil hindi makatagal sa tayuan ang paa ko.

Pagdating naming ng Arena pinagtitinginan na kami ng mga tao. Issue na naman ito. Guys. Iwan niyo na lang ako sa dug-out. Maiissue tayo dito eh. Bulong ko sa dalawa.

Okay lang yan. Sabi ni Deana at nag wink pa sa akin. Basta ba sa'yo ako maissue eh.

Nakatikim na naman siya ng isang malakas na hampas sa balikat.

Aray naman. Reklamo niya, at natuwa naman ako.

Sinunod naman nila ako. Si Fhen na ang umalalay sa akin na maka upo malapit sa corner nila. Hindi ko na rin alam kung saan nagtago ang dalawa kaya hinayaan ko na lang sila at nag concentrate sa panonood ng game.

Hindi naman pinagpala ang team ko na makapasok sa Finals. Malakas din kasi ang UP eh. Okay na rin iyon para makapag pahinga kami bago mag training ulit for UAAP.

Paglabas ng Dug-out si Fhen na ang umalalay sa akin. Marami namang nagpapicture sa amin. Mga fans ko yata. Nakakagulat man pero may mga fans ako. Napagkamalan pa rin kami ni Fhen na kami. Hindi naman kasi lingid sa karamihan na nagging mag-on kami ni Fhen, pero wala pa talagang may nakaka-alam na break na kami.

Eh sino ba naman kasi ang makakaisip na wala na kami ni Fhen kung ganito naman kami ka sweet sa isa't-isa. Mas sweet pa yata kami ngayong break na kami kesa nung time na talagang kami.

For sure issue na naman ang mga kumuha ng litrato natin. Sabin i Fhen ng nasa bus na kami.

Sa kanila na ako sumama para makauwi na rin agad sa Adamson. Tinext ko naman sina Deana na huwag na ako sunduin.

Habang nakaupo ako sa bus katabi si Fhen at hinihintay ang iba, naaninag ko ang kotse ni Pauline. Kaya alam kong nandito pa rin sila.

Jem? May tumawag sa akin sa baba lang ng Bus. Napayuko ako at nakita ko si Pauline.

Inabot niya sa akin ang isang box ng Pizza at milk tea.

Akin na to? Tanong ko sa kanya sabay ngiti.

Syempre naman Binili yan ni Deana for you. Sabi pa ni Pauline at nag smirk kaya natawa ako.

Nasaan na si Deana. Natanong ko sa kanya.

May kinausap lang. Tipid niyang sagot. Nilibot ang mata ko ang parking lot hanggang nakita ko si Deana na may kausap na babae. Nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko siya nakilala. Pero parang umusok ang ilong ko sa nakita ko.

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now