Deana's POV
Naghapunan na ang team. Nagpadeliver na lang kami ng uulamin naming sa Cafeteria ng school, wala naman kasi ni isa sa amin ang marunong magluto.
Umuwi naman si Jema dahil pagod na pagod na daw siya at kailangan maaga din siya bukas para sa Graduation Orientation niya. Hindi ko naman siya masamahan kasi may game kami bukas at mayroon pang problema sa team.
Deans, bring this to Jhoana. Utos sa akin ni Ate Maddie sabay abot sa akin ng Pack Food para kay Ate Jhoana at Ate Bea. I don't want to deal with them now, so ikaw na muna bahala sa kanila.
Why me? Taka kong tanong.
Because you are closer with them than anyone else here. Diing sabi ni Ate Maddie. At pakisabi na lang kay Galanza na sorry. Naabala pa siya nitong dalawa. Dagdag niya pa, Napatango na lang din ako.
Ayaw ko man makisali ngayon sa problema ng dalawa, madadamay at madadamay talaga ako.
Tumungo na ako ng kwarto nina Ate Bea. Sinamahan naman ako ni Pauline pero hanggang pintuan lang daw siya. Para naman may naitulong iyon. Dahan dahang pumasok ako ng kwarto nila at nakita ko ng nakaupo sa tabi ng kama ni Ate Bea, si Ate Jho. Hawak pa nito ang kamay ni Ate Bea habang natutulog.
Napalingon siya sa akin kaya nakita kong umiiyak siya. Deans. Tawag niya at lalong napahagulgul sa iyak. Napayakap na lang ako sa kanya at pinatong yung dala kong pack food sa Misa.
Magiging okay din ang lahat. Sabi ko. Hindi ko rin alam kong ano pa ang pwede kong sabihin kay Ate Jho.
Mahal ko naman si Bea eh. Sobra. Sabi nito habang umiiyak. Pero hindi ako sure kung kaya ko siyang panindigan. Natatakot akong baka mas lalo ko siyang masaktan pag ipagpapatuloy ko ito. Naguguluhan ako Deans. Sabi pa nito at lalo ng napahigpit ang pagkayakap niya sa akin. Mahalaga siya sa akin pero nasasakal na ako.
Nagulat ako dun sa sinabi ni Ate Jho. Saan ka nasasakal. Naitanong ko.
Hindi ko na kasi nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Lahat ng tao nakatutok sa aming dalawa. Lagi silang naghahangad ng higit mula sa akin. Nakakapagod na kailangan lagi kaming magkasama sa lahat ng oras kasi kung hindi nagkakagulo na, Paliwanag pa nito. Pagod na akong laging ginagawa ang inexpect sa akin ng iba. Pagod na ako maging sideline lang ni Bea. Na pag wala siya, parang hindi na ako nag eexist.
Ate? Dahil ba lahat ito sa Fans niyo ni Ate Bea. Natanong ko sa kanya, at umiling lang siya.
Hindi lang iyon tungkol sa fans Deans. Lahat ng taong malapit sa amin. Nakita mo naman ang reaksyon kanina ni Maddie di ba? Pag may nangyaring masama kay Bea, Ako ang nasisisi. Pag may ginawa siya lagi akong nadadamay. Wala ba akong karapatan mabuhay na ako lang? Wala ba akong karapatang sumaya na wala siya. Dapat ba lagi kaming magkasama? Sabi pa nito. Nakakapagod na Deans.
Akala ko ba mahal mo Si Ate Bea?
Mahal ko nga siya. Pero hindi tulad ng inexpect nila. Sabi pa ni ate Jhoana at bumalik na sa pag upo. Mahal ko siya pero hindi tulad ng iniisip niyo. Mahal ko siya sa paraan na alam ko. Kaya nga kailangan kong lumayo para magkaroon siya ng space to grow. Kasi habang andito pa ako, hindi siya nag grogrow. Hindi siya nag mamature. Ayaw ko namang iasa niya ang buhay niya sa akin kasi may sarili din akong buhay.
Naintindihan kita ate. Sabi k okay Ate jhoana. Nagpatuloy pa siya sa pag rarant at nakining na lang ako.
Alam kong masasaktan si Ate Bea. Pero tama si Ate Jhoana. Matagal tagal na ring nakaasa si Ate Bea kay Ate Jho. Sa pagdedesisyon nga kung anong isusuot niya ay kay Ate Jho pa siya nagtatanong.
Naalala ko pa nung unang nireject ako ni Jema. Hindi pa daw siya handa nun. At tama namang nangyari iyon kahit masakit. Kasi sa tamang panahon nag mamature na rin kami. Alam naman naming na kahit kami na may mga kanya kanya pa rin kaming buhay. Kailangan din naming ng space to grow. Yung idedevelop naming mga sarili naming para din sa isa't-isa.
Sana maintindihan din ni Bea. Sabi pa nito. Niyakap ko na lang siya. Siguro ganito din kasakit ang naramdaman ni Jema nung time na nangyari ito sa amin. Hindi naman kasi madali para kay Ate Jho ang pakawalan si Ate Bea kahit alam niya na para din ito sa kabutihan nilang dalawa.
.......
Jema's POV
Umuwi na ako at natulog sa sobrang pagod. Hindi na nga ako naghapunan. Nagising na lang ako sa tawag ng cellphone ko.
Maganda pa sa umaga mahal kong Reyna! Bati sa akin ng kabilang linya. Napangiti na lang ako ng marinig ko ang boses ni Deana. Rise and shine!!!
Tinignan ko ang oras. AlaS cinco pa lang ng madaling araw. Mamaya pang alas otso ang Orientation naming.
Bi naman eh. AN gaga pa. Maktol ko sa kanya.
Dinaanan lang kita dito para bigyan ka ng masarap na agahan. AKo nagluto nito. Tuwang tuwang sabi nito. Andito ako sa apartment mo. Baba ka na muna. 5:30 kasi call time naming sa BEG.
Napadungaw ako sa bintana. Nandun nga si Deana sa labas ng Gate. Kasama niya siguro ang buong team kasi nasa labas din ang Van ng Ateneo. Kumaway sa akin si Deana na nakangiti kaya napangiti na lang din ako. Dalidali namang lumabas ako ng Apartment. Naka paa akong humarap kay Deans.
Hi Baby ko. Sabi nito sabay Halik sa pisngi ko.
Bilisan niyo na diyan Love Birds. Nilalanggam na kami dito sa kasweetan niyo! Sigaw naman ni Pauline nan aka upo sa Van. Bukas kasi ang pintuan kaya kitang kita kaming dalawa.
Inabot sa akin ni Deana ang niluto niyang pagkain. Sana magustuhan mo love. Sabi pa nito at binigyan ako ng halik sa noo. Aalis n asana siya ng hinila ko siya pabalik para yakapin ng mahigpit.
I love you Deans. Sabi ko ng nayakap ko na siya.
Niyakap niya rin ako pabalik. I love you more Bibi ko.
Hoy!!!! Tama na yan. Naiinggit na kami. Sigaw pa ni Ate Kim sa amin kaya napahiwalay na ako sa yakap ni Deana.
Text ka pagkatapos mo ng training. Pahabol ko sa kanya ng sumakay na siya ng Van.
Yes Love. Sabi niya sabay salute sa akin. Sinira niya na ang pintuan ng van at nagwave na ako sa kanya.
Napatingin ako sa hawak ko. Napangiti na lang ako. Ramdam ko na talaga ang pagmamahal ni Deana sa akin. Ang saya lang talaga sa pakiramdam.
.....
![](https://img.wattpad.com/cover/170568792-288-k824500.jpg)