40

1.5K 39 1
                                    

Deana's POV

Ang sakit yata ng pwet ko ng tinulak ako ni Jema at bumagsak ako sa sahig. Kailan ba siya nagging ganyan ka brutal?

Dati naman mabait siya sa akin auh. Ngayon ang taray taray niya na. Lagi pa nakataas ang kilay niya sa tuwing nakikita niya ako.

Ang hina mo naman. Inabot ni Fhen ang kamay ko at pinatayo ako. Akala ko ba nauna na siya bakit naiwan pa siya dito. Ganyan na ganyan din si Jema sa akin ng nililigawan ko siya. Siguro ganyan talaga siya sa mga manliligaw niya kaya konting tiis lang. Pag napatunayan mo naman sa kanya na seryoso ko magiging sweet na rin yan sa iyo. Proud niyang sabi sa akin

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Wala ka bang training ngayon? Tanong ni Fhen sa akin ng makatayo na ako.

Bukas naman. Tuwing madaling araw lang yung training namin. Sabi ko pa sa kanya.

Tamang tama. Sabay palakpak. Samahan mo na lang si Jema sa Dorm.

Bakit? Saan kayo pupunta. Tanong ko sa kanya.

Uuwi kami sa mga bahay naming. Si Jema kasi hindi makakuwi sa kanila kasi may Training pa siya sa Creamline bukas. Paliwanag niya. At inabot sa akin ang isang susi.

Para saan naman to? Natanong ko sa kanya.

Susi to sa Dorm kaya alagaan mo si Jema ha. Sabi niya pa. Prepare her a good Dinner. Magpaalam ka na muna sa inyo para masamahan mo dito si Jema. Ayus ba. Direktang sabi ni Fhen sa akin.

Bakit m oba ito ginagawa? Taka kong tanong.

Kasi ang bagal mo. Kailangan mo pa talaga ng tulong bago ka kumilos. Sabay smirk niya sa akin. Mahalaga sa akin si Jema, Gusto ko siyang maging masaya kaya umayos ka. Baka agawin ko siya sa iyo.

Ningitian ko naman siya. Salamat Ate Fhen.

Don't thank me. Baka mag bago isip ko aagawin ko siya sa iyo. Sabi pa nito bago ako iwan sa kinatayuan ko.

Bumalik ako ng Dorm at nag paalam kay Ate Maddie. Pinayagan niya naman ako.

Do you need me? Sabi pa ni Pauline bago ako umalis ng Dorm naming.

What would I need you for? Tanong ko sa kanya.

Ang torpe mo kaya baka wala kang magawang tama dun. Suya pa niya sa akin.

Wala ka bang bilib sa akin? Ngiti kong sabi kay Pauline.

Wala!!!! Sigaw ni Pauline. Sa Tatlong taon na nakilala kita, Tatlong taon ka rin tameme pagdating kay Jema.

Sino ba kasi hindi matatameme kay Jema? Sobrang ganda niya, napakabait. almost perfect. Kakayanin ko naman to di ba?

Basta Deana pag kailangan mo tulong ko, nandito lang ako ha. Paalala ni Pauline sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Salamat Pau. Sabi ko dito at sumakay nan g kotse.

Go lang ng go Deana! Win Jema back! Cheer pa sa akin ng kaibigan ko.

Ito na ang tamang panahon para mapadama k okay Jema kung gaano ko siya ka mahal at this time hindi na ako papalpak.

....

Jama's POV

Mag isa ako ngayon sa dorm at busy busyhan na lang sa cell phone ng tawagan ako ni Jia.

Hoy madam Jema? Bati ni Jia ng sagutin ko ang cell phone ko.

Wow ha. Sigaw talaga. Sabi ko sa kanya sabay hawak sa tenga ko.

Tumawa lang din si Jia sa akin. Don't forget training tomorrow 5 am. Pag wala ka pa dito sisipain kita palabas ng Arena. Biro niya sa akin kaya napatawa ako.

Yes bossing, hindi naman ako malalate. Ako pa ba. Proud kong sabi sa kanya.

Okay fine! Ingat. Sabi niya at agad ding pinatay ang telepono.

Nakahiga lang ako sa kama ng may narinig akong bumagsak na kaldero sa kusina sa baba kaya kinabahan ako.

Naghanap ako ng gamit sa kwarto at dinampot ko ang badminton racket ni Joy at dahan dahang bumaba ng hagdan. Baka may magnanakaw dito sa dorm. Yinapangan ko ang sarili ko at pinatay ang ilaw para hindi ako Makita ng magnanakaw.

Kinapa ko ang daan patungong kusina at parang may nakapa akong tao kaya pinaghahampas ko siya ng racket na dala ko.

Aray! Napasigaw ang isang familiar na boses. Tuloy pa rin ang paghampas ko hanggang nakuha niya ang racket na hawak ko at pilit na hinila ito mula sa akin. Nag hilahan pa kami at kinapa ko ang ilaw sa kusina, nagulat ako kung sino ang nakita ko sa kusina.

Ano to!? Taka kong tanong. Shit Deana? Dumudugo ang ilong mo. Pag aalalang sabi ko at pinunasan niya na ang tumutulong dugo sa ilong niya.

Paano naman hindi ako duguin eh pinaghahampas mo ako. Diin niyang sabi.

Sino naman kasi nagsabi sa iyo na pumasok ka dito na hindi ka man lang kumakatok. Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

May susi kaya ako. Sabi niya sabay angat ng Susi ng dorm.

Paano yan napunta sa iyo? Sabi ko sa kanya. Magnanakaw ka na ba ngayon ha? Hinablot ko ang damit niya at hinila ko siya palabas ng Kusina. Labas ka Dito!!!!

Pinayagan kaya ako ni Ate Fhen na magluto ng dinner mo dito. Sabay turo ng Dining table kung saan naka set na ang hapunan naming dalawa.

Shit!!! Si Fhen?! Gulat kong sabi.

Watch your mouth Miss Galanza. Biro niya pa sa akin.

Tinulak ko na siya palabas ng Dorm pero nagpupumiglas siya sa akin kaya napagod na ako sa kakapilit sa kanya makalabas ng Dorm.

So? Hahayaan mo na ba akong samahan ka dito? Natanong niya ng tumigil na ako. Hinihingal na ako sa pagod. Pwede na ba tayo mag dinner. Ngiti niyang sabi sa akin.

Okay Fine. Pagod na ako eh. Dito ka na mag dinner. Sabay upo sa dining area.

Dito lang ako until bukas. Ihahatid kita sa BEG. Sabay naman ang Creamline sa training naming bukas eh. Sabay wink sa akin.

Sa sobrang gutom at pagod ko hinayaan ko na lang si Deana. Tahimik lang kami habang kumakain.

Akon a ang maghuhugas ng pinggan. Presenta ko sa sarili.

No you won't, Akon a bahala. Sabi niya sa akin sabay agaw sa akin ng pinggan ko.

Ano ba talaga ang trip mo ngayon Deana wong? Inis kong tanong.

Hindi to trip Jessica Galanza. Sabi niya at nilapit ang mukha sa akin. Di ba sabi ko sa'yo dati pag nagtagpo tayo muli, hinding hindi na kita pakakawalan.

Uminit ang buong katawan ko n=pagkasabi niya nun kaya itinulak ko naman siya. Kung laro ito Deana huwag mo ng ituloy. Wala akong panahon makipaglaro sa iyo. At tumayo na ako at tinalikuran siya.

Masama na ba ako? Masama bang manigurado? Masama bang mag ingat ako? Ayaw ko ng masaktan muli. Ayaw ko ng umasa sa wala.

...

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now