41

1.4K 40 2
                                    

Deana's POV

Pagkatapos naming mag dinner tahimik lang kami ni Jema. Hinugasan ko ang pinagkainan namin samantalang inayos niya naman ang mesa bago pumunta ng Sala para manood ng TV.

Ng nahugasan ko na lahat ng pinggan sinundan ko na si Jema sa sala at dahan dahang tumabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nanatili lang sa panonood ng TV.

Namiss ko to, Basag ko sa katahimikan at akmang aakbayan siya subalit bago pa man dumapo ang kamay ko sa balikat niya.

Don't you dare touch me Deana Wong! Galit na tugon nito at sinabayan pa ang pagtaas ng kilay.

Grabe ka naman sa akin. Napanguso ako sa kanya. Hindi mob a ako namiss?

At bakit naman kita ma mimiss. Masungit na tugon nito sa akin.

Biglang sumeryoso ang mukha ko. Jema? I am sorry. Nasabi ko sa kanya. Ang dami ko ng kasalanan sa iyo. Sabi ko at tinuon ang mga mata sa TV at nagkunwaring nanood nito.

Diritso rin sa TV ang tingin ni Jema at kahit minsan hindi niya ako nilingon. Ako nga dapat ang mag sorry sa iyo. Nabigla lang ako sa mga nangyari. Bigla mo na lang akong hinalikan isang araw at umaming may gusto sa akin. Hindi pa ako handa noon tapos ayaw ko ring saktan si Pauline. Seryosong sabi niya sa akin.

Kaya ba binigay mo na lang ako kay Pauline? Natanong ko habang nakatitig lang sa TV dahil sa takot na Makita ko ang mga reaksyon ng mukha ni Jema.

Hindi naman yun madali eh. Sabi niya pa sa akin at randam kong hindi niya pa rin ako nilingon.

Hindi nga madali. Aminado naman kasi ako na ako ang mahina sa aming tatlo ni Pauline. Eh kahit nga si Jema gusto ko binalak ko pa rin ligawan si Pauline dahil alam kong hindi na ako mahihirapan sa kanya. Hindi ko hinintay na makapag –isip pa si Jema agad ko na lang kunubinsi ang sarili ko na hindi na kami pwede.

Mahirap ang sitwasyon natin. Sabi pa nito. Hanggang ngayon hindi ko alam kung matatanggap ng mga magulang ko na ganito ako. Kahit nga nagkarelasyon kami ni Fhen hindi ko siyang nagawang ipakilala sa pamilya ko. Kaya nawala din siya sa akin. Hindi pa rin ako handa na ipakilala sa kanila ang tunay na ako kaya habang maaga pa, layuan mo na ako Deana. Masasaktan din lang kita. Tinapos niya ang sinabi niya at tumayo na sa kinaupuan naming kaya napatingin ako sa kanya.

Agad kong kinuha ang kamay niya. Maghihintay ako hanggang dumating ang araw na maging hand ka na. Sabi ko sa kanya habang nakatingala sa kanya.

Dahan dahang kinuha ni Jema ang kamay niya sa pagkahawak ko. Mapapagod ka lang. At tuluyan na siyang lumayo sa akin.

Randam kong umiiyak siya. Hindi niya ako nilingon kasi umiiyak siya. Mahal niya ako. Randam koi yon. Kung di mo pa kaya ngayon, maghihintay ako Jema. Hindi na ulit ako magkakamaling iwan ka.

.......

Jema's POV

Iniwan ko na si Deana sa sala at pumasok na ng kawarto. Pinilit ko ang mga mata ko pumikit pero ayaw pa talaga nitong matulog.

Bakit kasi kailangan niya pang bumalik. Sumikip na tuloy ang dib dib ko.

Napatago ako sa kumot at hinayaang umiyak ng umiyak.

Ng ma himasmasan na ako bigla kong naalala na wala palang kumot at unan si Deana sa Sala kaya naghanap ako sa cabinet at Dahan dahang bumaba sa sala.

Naka – on pa ang TV kaya inisip ko nab aka gising pa siya kaya mahinang tinawag ko ang pangalan niya. Deana? Walang sumagot kaya chineck ko siya.

Nakatulog siya habang naka-upo. Pinatay ko na ang TV at inayos si Deana sa Sala. Malapad naman ang sala kaya kumasya siya. Kinumutan ko na rin siya para hindi siya ginawin.

Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi pa rin talagang nagbabago ang pakiramdam ko sa kanya. Napatingin ako sa mga labi niya at naalala ko bigla ang unang halik namin. sa Rancho 3 years ago.

Parang kung anong tumulak sa akin para lumapit sa mukha niya. Hinimas ko ang buhok niya at tinitigan ulit ang mga labi niya. Ganun pa rin kaya ka lambot ang mga labi niya. Napaisip ako ng biglang bumukas ang mga mata ni Deana.

Shit! Napasigaw ako kasi biglang bumangon si Deana at nag untugan ang ulo namin. Napatayo ako sa gulat.

Aray! Reklamo niya. Hinimas himas niya ang noo niya. Anong binabalak mo Jessica? Tanong niya sabay tago ng mga dibdib niya. Pagsasamantalahan mo ako noh. Nang-aasar niyang sabi.

Feeler ka Wong!!! Sabi ko at uminit na talaga ang buo kong katawan sa sobrang kahihiyan.

Ayieee... Tukso niya pa sa akin. Bakit ka namumula diyan? Natanong niya.

Huwag ka nga!!! Kinumutan lang kita dahil nilalamig ka. Depensa ko sa sarili ko at tinalikuran siya.

Kung wala kang balak halikan ako. Bakit hindi mo ako harapin ngayon. Bulong ni Deana sa akin habang nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

Napapikit ako at linunuk ko ang laway ko at hinarap ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Deana habang nakatitig siya sa akin. Napataas ang kilay ko. At napasara ako ng kamao. Pinilit kong kontrolin ang imosyon ko. Pinigilan ko ang sarili ko na halikan siya kaya napa kagat labi na lang ako. Oh ayan!!!! Nakaharap na ako sa iyo. Sinong nagsabi na hahalikan kita?!

Bigla ako hinila ni Deana palapit sa kanya at naramdaman ko na lang ang paglapit ng mga labi namin. Sa sobrang kaba ko bigla ko siyang tinulak at nasampal.

Huwag mo ulit gagawin yan kundi hindi lang ganyan ang matitikman mo sa akin. Banta ko sa kanya at dali daling umakyat ng kwarto.

Masarap pa rin nga siyang humalik o Lalo itong sumarap. Shit! Jema. Huwag kang padadala.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now