9 / 365

18 3 0
                                    

Dear memew,
601 words

6:37am
Ohoy kagigising lang po ng inyong lola at late na tayoooo oks lang yan, at nandito na po tayo sa school ang haba ng pila sa labas "pila?" Meron kasi yung form para sa mga late dumating "oh talaga?" Oo bye.

8:36am
At kakatapos lang po ng break namin pero nandito parin ako hawak-hawak yung cp ko, nalipat sa ibang section si Reiner amp. kawawa naman.

12:00pm
Katatapos ko lang po kumain, at may riot na pong nagaganap dito sa loob ng room, wait rewind tayo. So ayun nga po kumakain ako ng lunch nang tahimik nang biglang dumating ang unggoy na si Basty kinuha yung tinidor ko tapos kumuha ng ulam ko then isinubo niya tapos nakuha rin ng kanin, ang galing no free meal ba yung pagkain ko haaaaa!!! 

Back to reality ayun nga po kasalukuyang nagkakaroon ng maingay na sabong dito, maygahd ayoko naaaa, nahihilo ako ang sakit ng tenga ko sigaw ng sigaw si Princess taga-bundok ata e.

12:26pm
Wala si sirrrrrr !!!! Wooohhh ang ingay ng room namin may nagko-concert merong nagra-rap battle sa likod meron namang nagke-kwentuhan at syempre merong natutulog at nababaliw, ewan ko kung anong gagawin ko kung matutulog ba ako o mababaliw.

Wattpad na nga lang, gusto ko sana makinig ng music kaya lang inuunan ni Gelix yung bag ko kaya hindi ko makuha yung earphones ko "edi mag-excuse ka" tulog nga e.

1:11pm
Pumasok si sir bigla mga chong, ang gulat ko e "wewws" hindi kita kausap chong nga e diba "don't care" jusmeeee nag-seaelos na naman.

Baka uwian na ako uli mag-sulat mag-babasa muna ako ng story, habang nagiging zoo nanaman yung room namin.

5:31pm
Naglalakad nga ako no at kasabay ko sila Guitarra, Jeov, Ace, tapos may iba pa silang kasama, hindi ko na nahawakan yung cp ko nung uwian kasi nga nag-practice na kami agad ng cheerdance, at sa wakas naka-buo na kami.

And boom "nagawa mue?" Wala wala weyt lang mag-lalakad muna ako baka mahulog ako sa kung saan dito ang dami pa namang ginagawang kung ano dito sa daan.

5:59pm
Ayun nga po nakauwi na tayo at umalis na po ang aking nanay at kapatid na biik, si lola naman nasa ampid tapos yung tito ko umalis, ako lang mag-isa yey, oy alam mo ba "hindi pa" buset ka pero nag-update na messenger kooo, eh yung sayo nag-update na?

Comment mo na lang di kita marinig eh, ang ganda nung mga features lalo na yung color achu chu pero naninibago ako mew, iba kasi yung style niya parang boogsh "sinasabi mo?" Wag na nga papakita ko na nga lang. Wag na pala ㅋㅋㅋ.

11:07pm
Ohoy nag-charge yung phone ko at the same time naligo rin ako kaya bijj ang tagal ko maligo no anim na oras biruin mo yun "nabaliw ka lang" hindi natulog talaga kasi ako hindi pa nga ako nakakagawa ng essay ko e pati nga yung ibang assignment hindi ko pa ginagalaw pero syempre mabait akong matanda "BATA" edi bata, gagawin ko na lang mamyang 12am para masaya ay trip ko mga 3am.

Tapos 9:40pm natin simulan para malupet, sige na magpahinga na kayo, baka napapagod ka na sa kakaisip sa kanya, kahit alam mong hindi ka niya kilala "ay huhugot ang lola mo" eto palagi na lang lola e, bye na. Nagpalit ako ng dp sa fb -skl.

l o v e.  y o u r s e l f.
Bye.

Lab yuuu

Memew Diary, 2019-2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon