Dear memew,
504 words
12:00pm
Hai jusme nagugutom akooooo "edi kumain ka" ang tanga ko talaga dapat hindi muna ako natutulog hanggang hindi pa ako ngau-ud "ohoy anong ginagawa mo?" Nakahiga sa kama habang nagugutom? "Diba dapt nasa school ka ngayon?" Ah wala kaming pasok ngayon "bakit?" Kasi staff day ata pero sa school lang ata namin yun "ay sana ol" baliw hindi ko pa nakukuha yung club grades ko "dun dun dun !!!" Aning ka, wait lang kakain lang ako tsaka icga-charge ko na yung cp ko.
5:08pm
Hai memew ^-^ "anong ginawa mo ng lumipas na 5 oras?" Umm...kasi diba kumain ako ng handa ni tito (kasi birthday niya kahapon) pagkatapos ko kumain naglaro muna ako ng Y8 sa laptop, nung sumakit yung mata ko tinigilan ko na kasi baka mabulag ako "hala siya, sumakit lang ang mata mabubulag na" basta kase naman ㅋㅋㅋ, tapos natulog ako sa kama ni lola and hindi ako ginising ng kapatid ko kaya nagising ako ng mga 4:30 ganun, kinuha ko yung cp ko na naka-charge then naglaro ako ng konti tapos nagbasa ako ng mga fanfic dito sa wattpad. "Ow tapos ka na?" Obvious ba? Ano pa ba gusto mo malaman? "Naligo ka na ba?" Hindi pa e...^-^' "Ikaw pala yung nangangamoy" grabe ka ikaw nga, hindi ko alam kung alam mo pa yung salitang ligo e "alam ko yun, delata yun" hindi kasi yung delata, yung ginagawa ba "oo alam ko" asus ginoo alam mo maligo ka muna baka yung sarili mo naamoy mo, kahit hindi pa ako naliligo hindi naman ako gano kabaho no, "eto na" good ako din maliligo na.
10:45pm
Ohoy tapos na ako maligo "ang tagal mo naman sa maligo" hindi ah, syempre bago ako maligo naglaro muna ako ng make-up ni mommy hehe. "Anong ginawa mo sa make-up?" Umm...nilagay ko sa tuhod ko yung blush on "ay tanga" bakit? Pake mo ba kung doon ko gustong ilagay "hindi ka ba na aawa sa blush on" hindi, bakit naman ako ma aawa dun, wala ba siyang pera? o wala siyang bahay? "Hindi ka ba nagme-make-up?" Hindi, bakit pa ako magme-make-up masisira lang mukha ko, tsaka kahit mag make-up ako pangit pa din ako "grabi ka naman sa mukha mo" totoo naman eh, kahit nga ikaw pangit ka din memew "ayu ok na sana, nadamay pa ako" joke lang, ayoko na mag-kwento natamad na ako "palagi ka naman tinatamad" oy hindi kaya, masipag ako minsan ^-^, wait lang gagawa lang ako ng assignment ko "oy baka makalimutan mo na naman mag-update dito ha" hindi yan, hindi pa naman ako gaanong inaantok.
11:30pm
So kakatapos ko lang mag-tweeter and may official account na po ang ating TXT sila ang bagong boy group ng Big Hit Entertainment "tapos ka na sa assignment mo?" Hindi pa siguro mga 12:50am ko na matatapos to "bilisan mo tapos matulog ka na" ok po night memew.
Bye.
Lab yuuu ♡
BINABASA MO ANG
Memew Diary, 2019-2020
RandomIkaw na bahalang humusga sa diary ko, araw-araw ako mag a-update dito para matapos ko yung 365 days. January 01, 2019 - July 18, 2019
