Dear memew,
5:40 words4:13am
Memew natapos ko na yung video ! Actually kanina pa nga e, pero takte ang sakit na ng dibdib ko hindi ako makahinga ng maayos "ok ka lang?" Oo "bakit hindi ka makahinga ng maayos?" Kanina pa kasi ako iyak ng iyak ewan ko kung bakit.Ganito ba yung depression? "Ewan ko" sorry di ko alam hindi ko pa kasi na raranasan e, paano ba tumigil umiyak, magang-maga na yung mata ko mew sinusubukan ko naman matulog, kahit nakapikit na ako tumutulo pa rin yung luha ko.
Diba pag-tumigil yung pag-galaw ng nervous system tsaka rin titigil yung luha mo? "Siguro?" Para mapa-tigil ko yung nervous system kailang tumigil muna yung utak ko sa pag-gana, sandali hindi naman gumagana utak ko e tanga nga kase ako.
Pero kailangan tumigil sa pag-tibok yung puso ko para pati yung utak ko tumigil na rin, pero kailangan mawalan muna ako ng dugo para tumigil yung puso ko diba memew? "Oo".
Bye memew
3:33pm
Hi memew kagigising ko lang ㅋㅋㅋ nakatok sila Basty dine kanina, gagawa sila ng project kila Steph ata ewan. Ano tong mga sinulat ko? "Kagabi mo yan mga pinag-gagawa" eh, di nga? Baka pinag-loloko mo ako "paano kita lolokohin e ikaw lang naman nag-bubukas ng wattpad mo, tsaka may password yung mga app mo diba?" Oo na ang dami pang sinasabi e.Last day na ng Christmas break memew !!!!! Ayoko ko pa pumasok, jusme pinapapunta na naman ako ni Basty kila Steph "punta ka na" gusto ko sana pumunta kaya lang mag-sisimba daw kami, tsaka may bibilhin ata si mommy sa sm.
6:36pm
Memew nag-simba kamiii "ay banal ka?" Oo "saan banda?" Ayu eto naman, nakita ko si Steph kanina pag-labas namin sa kanto ng clara at wala parin siyang pinagbago maganda pa rin. "Trueeeee", tapos pag-dating namin sa simbahan nakita ko naman si Rolan !!! Kasama si ate Julia.
Pag-katapos namin mag-simba, pumunta kami sa freedom park kasi may tsange? basta yung mga tindahan na may tindang mga damit at kung ano-ano ewan ko kasi kung anong spelling nun ㅋㅋㅋ.
8:02pm
Nandito kami sa mcdo memew, nakabili ako ng damit tsaka wallet dun sa freedom park. Umorder ng tatlong kiddie meal si mommy dalawa sa kapatid ko isa para sakin jusme bata pa ba ako ㅋㅋㅋ.12:05am
Ayon na nga po umaga na po pero bukas parin yung tv namin tsaka gising pa ako kahit may pasok na bukas, parang ayoko pa pumasok kaya lang miss ko na yung mga POLLY BABIES.Sorry kung late na ako lagi naga-update naka-kaligtaan ko kasi yung oras, may gc kaming tatlo nung mga galing sa namek, tapos nag-paalam na si Andrei tapos may heart na ganito 💕 pag-katapos nung message niya, kaya lang baliw naman si missy inaway pa nag-effirt na nga si Andrei para mag-lagay ng heart e, ayun nagtampo ata nadamay pa ako ipinagtatanggol ko na nga siya e.
Pero bago ako matulog nag-pm muna ako kay Andrei ng goodnight tapos may same heart sa dulo para hindi na siya magtampo.
Night night memew 💕
Or goodmorning ☀️Bye.
Lab yuuuu
BINABASA MO ANG
Memew Diary, 2019-2020
De TodoIkaw na bahalang humusga sa diary ko, araw-araw ako mag a-update dito para matapos ko yung 365 days. January 01, 2019 - July 18, 2019