Dear Memew,
726 words.Haii, ang saya ng new year dito pero syempre medyo malungkot parin ako memew, bakit ka malungkot?, Kasi hindi ko kasama yung tatay ko e, ilang taon na lumipas ng hindi namin kasama mag bagong taon si tatay kaya medyo malungkot, pero dapat happy lang !!!
Ang daming pag-kain dito may spaghetti, ham, cake, fruit salad, fish fillet, vegetable soup na may pugo, etc. basta marami e, hindi na nga ako nakakain kasi hindi ko alam kung alin kakainin ko.
Dahil iwas disgrasiya na ang mga tao ngayon konti na lang ang mga nagpa-putok ang karamihan ay gumamit na ng torotot at iba pang pangpa-ingay, samantala ako naman ay nagpa-patutog sa speaker naka-max yung volume natakot nga ako akala ko puputok na yung speaker XD
Pagkatapos namin kumain iniligpit na nila yung mga pinggan tapos natulog na sila mga 1:30am, ako naman gising pa naka-video call kasi kami ni Hanna, kasama si Andrei yung pinsan niya kung ano-ano pinag-uusapan namin dumating sa punto na nag-tatakutan na kaming dalawa, pag-sapit ng 3:55 ng umaga ay itinigil na namin yung call, mga dalawang oras din kami nag-call hindi bago samin yun kasi halos araw-araw na kami naka-video call.
Pag-gising ko pinag-bihis agad ako ni mommy pupunta daw kami sa bahay ni lola senior kasi nandun sila lola Odetth, pag-dating dun kumain kami tapos sinundo ko yung tita ko, nag-palaro din sila loli at nanalo ako ng tsinelas para sa kapatid ko, cookies, at isang cell phone, nung tumingin ako sa cell phone ko 1:30pm na pala, kaya nagpa-alam na ako sa kanila na uuwi na ako.
Pag-uwi ko nag-chat ako kay Hannah kung nasaan na siya kasi pupunta kami sa sm para ma-meet ko daw si Andrei, tsaka manonood din kami ng birdbox sa bahay nila missy (Hannah), kaya lang hindi natuloy kasi hindi mahanap ni missy yung wallet niya, pero nag-chat siya saakin na nandoon daw sila sa sm, kaya nag-sabi ako kay mommy na pupunta ako ng sm.
"Hintayin mo na ako, para sabay na tayo" sabi ni mommy kaya hinintay ko siya, pag-dating namin sa sm bumili muna kami ng gamot ni lola, tapos pumasok kami sa national bookstore para bumili ng lapis ng kapatid ko, pero bumili rin ako ng bracelet na may nakalagay na HOPE.
(Ito po yung itsura nung bracelet)
Pag-katapos nun umikot kami sa second floor ng sm hinahanap ko sila missy, pero nung nag-chat ako kay kuya Andrei sabi niya nasa bahay na daw sila kaya hindi na ako nag-hanap, bago kami umuwi pumunta muna ako sa may sinehan para magtanong kung meron nang ticket para sa LY concert movie ng BTS, meron na daw 350 pesos daw ang isa.
Umuwi na kami tapos humilata na ako sa kama ko, dahil wala akong magawa wala rin akong ka-chat, naisipan kong gawin tong "Memew Diary", saan mo nakuha yung memew diary?, nakuha ko yun sa palayaw ng idol ko wala lang ang lupet kasi e memew ! Memew ! Memew ! .
Ayon matutulog na ako kasi bukas gagawa na kami ng project video, kasi naman ka haba-haba ng Christmas break, abay puro pewdipie inaatipag yung isa naman kung saan-saan pumupunta, pupunta daw sa bahay hindi naman natutuloy. Ngayon gagawa kung kelan malapit na mag-pasukan ulet, ako papahirapan nilang mag-edit.
Kung ayaw nila edi ako na lang gagawa mag-isa, kaya ko naman gawing tatlo yung sarili konting edit lang ayos na e, ang masama e inaatake ako palagi ng tamad, antok, at gutom.
Minsan nga sinasabihan ako ng nanay ko na "bakasyon sa eskwela, bakasyon din ng ligo!" wag ka naliligo naman ako isang beses isang araw minsan nga dalawa pa kahit malamig yung tubig e, o kaya natatakot ako vaka kase may multo na sa likod ko habang nakapikit ako, syempre pipikit ako kapag mag-hihilamos ako hindi naman pwedeng sabunin ko rin yung mata ko.
Actually pwede naman sabunin yung mata ko diba memew, pero mabubulag ako non hindi naman ako ganon ka-tanga para sabunin yung mata ko no, tatanga-tanga ako pero baliw na gagawa nung ganong mga bagay.
Sige na memew, matutulog na ako good night memew lab yuuu !! Night night ~
BINABASA MO ANG
Memew Diary, 2019-2020
De TodoIkaw na bahalang humusga sa diary ko, araw-araw ako mag a-update dito para matapos ko yung 365 days. January 01, 2019 - July 18, 2019