21 / 365

5 2 0
                                    

Dear memew,
355 words

6:20am
So ayun nga po pinilit ko po ang nanay ko na pumasok ako ngayon kasi ayaw niya po ako papasukin kasi may lagnat daw po ako at bakit ako nagpo-po? Ewan basta papasok na ako byeee.

11:54am
At katatapos ko lang kumain, "kamusta practice?"  Ok lang naman masaya, pero nung natapos na yung practice tapos papadok na kami sa room hindi kami pinapasok ni sir Alfie hinfi daw kami naka-proper uniform jusmeyo marimar paano ako makakapag-palit nasa bag ko yung blouse ko yung palda ko suot ko na ayaw parin kaming papasukin, kaya sa susunod dadalin ko na talaga yung uniform ko nanggi-gigil ako memew "easy lang boss" sige na umaatake pa yung ubo sipon ko potek "kaya mo yan zer" bye.

3:21pm
Heyow "kamusta ka na zer?" Ayos lang medyo mainit parin ako "ang hot" ay yes naman pinuri ako ni memew, nandito ako sa i♡milktea "mag-isa ka lang?" Oo, yaan mo na ngayon lang naman ako mag-isa tsaka sanay naman akong mag-isa "awtsu" uuwi na ako weyt lang.

3:45pm
Nandito na ako sa bahay at nakahiga na ako sa kama habang nanonood ng Kdrama "bilis maglakad ah"  ang sakit ng ulo ko e, nahihirapan din ako huminga parang naga-apoy yung ilong tsaka ngala-ngala ko "hala dragon ka na" baliw ano yun mage-evolve ako "pwede rin" ugok diyan ka na nga.

6:54pm
Umalis po si mommy at kasalukuyang sinisinat po ako ngayon at ang kapatid kong biik ay kunwaring docyor daw siya, alam mo yung nilalagay sa kili-kile para makuha yung temperature "thermometer" yun paulit-ukit niyang nilalagay sa kili-kile ko yun, kanina pa ako nakikiliti at naiirita "ge lang" at ngayon ko lang na realize na bakit ko iniwan yung sapatis ko sa locker e P. E. nga pala bukas anong ko "kabobohan" hays sumasakit lalo ang ulo ko jusmeyo marimar.

4:57am
Sorry hindi ko na-publish yung chapter na to kahapon natulog na kasi ako, hinilot kasi ako mommy, "magaling ka na?" Medyo bye bye.

Bye.

Lab yuuuu

Memew Diary, 2019-2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon