Dear memew,
469 words9:29am
Ang sakit ng ulo ko memew "baket" abay ewan ko "alamin mo" ano ka ba?! Ang sakit na nga ng ulo pag-iisipin mo pa ako "sorry naman"10:41am
Nandito po kami sa library sa taas gumagawa po ng S.I.P. sila missy habang ako wala lang, may kasama kami dito ang ingay nila mew, sumasakit lalo yung ulo ko jusmeeee.10:48am
Umalis na rin sila sa wakas, si missy bumaba para umihi si Marcel naman hinabol ata si Maine, and napakatahimik dito kasi kaming tatlo lang nila Gelix dito..."hala maykakalabit sa balikat mo~~" ows, malamig dito pero hindi nakakatakot bleh "sinabi ko bang nakakatakot?" Hindi pero parang ganun na rin yun. Che.11:58am
At ginawa na po akong tiga-gupit ng mga picture nila, magaling daw po kasi akong mag-lagay ng border ㅋㅋㅋ.12:54pm
Nandito po kami sa may mga tindahan ng pagkain, bumili ako ng lemon juice "yaman" para lang mabaryahan yung 200 ko "ㅋㅋㅋ" tapos may french fries pa sponsored by missy ㅋㅋㅋ.1:09pm
Naglalakad na po ako pauwi napaka-init nahihilo akoooo, hindi pa ako makahinga ng maayos hayss, hirap talaga maging alien.1:32pm
Nandito na po ako sa aming pakening bahay, wala ata si mommy aba nag-gala ata ㅋㅋㅋ, matutulog muna ako bye "sleepyyy~~" ikaw matulog ka den para lumaki ka "ayaw ko" edi wag, bala ka diyan hindi ka tatangkad magiging maliit ka na lang palagi, tapos hindi ka agad makikita ng mga KAIBIGAN mo kasi nga MALIIT KA, kaya matulog ka muna ngayon ka nga lang matutulog ng tanghali ayaw mo pa "ZzZzZzZzZz...." matutulog ka rin pala e ㅋㅋㅋ.6:43pm
Hai "kagigising mo lang?" Oo, haba ng tulog ko jusme, kadadating lang din ni mommy "saan galing?" sa lugar siguro ㅋㅋㅋ, ewan ko basta pag-uwi niya binigay niya sakin yung heels na binili daw nila ni ninang Cler.
"Wow! kulay gold, ilang inch?" Mga 4 inch lang naman "ang taas nun ah, kaya mo?" Oo pero hindi ko pa masyadong kaya maglakad ng diretso pero, susubukan kong sumayaw gamit yun "kaya mo?" Ewan kaya nga susubukan diba "kaya yan ni Clarice, malufet yan e" maluFet ㅋㅋㅋ.9:28pm
Nakakapagid pala, "nabaliw ka na diyanㅋㅋㅋ" memew may nalaman ako "ano yun?" Si Jimin, Taehyung, Namjoon, Seokjin, Yoongi, Hoseok, Jungkook "for short BTS..." tama, nag-iba nanaman kulay ng buhok nilaaaaaaa (well yung iba lang...I think) "oh tapos?" Wala lang gusto lang kita i-inform.10:44pm
Ayun na nga po tinanggal ko na yung heels, kasi sobrang sakit na nung paa ko jusmeyo marimar "sakit ba? wawa ka naman" obvious ba ha.11:13pm
Eyow mag-update na ako ngayon buti na lang hindi pa ako natulog ㅋㅋㅋ, goodnight memew tulog ka ulet. ㅋㅋㅋBye.
Labyuuuuu
BINABASA MO ANG
Memew Diary, 2019-2020
RandomIkaw na bahalang humusga sa diary ko, araw-araw ako mag a-update dito para matapos ko yung 365 days. January 01, 2019 - July 18, 2019