5:40am Ayan na memew nalate na ako mag-publish "jusko palagi ka naman late mag-publish" sabi ko nga, eh bakit ba diyan ka na nga malaye pa ako sa school.
8:19am At break time po namin nawala nanaman ang mga tao dito sa loob ng room, friday ngayon so masaya, katabi ko po si Laksh ngayon kumakain ng sandwich at tinitignan yung ginagawa ko.
Mamya magpa-practice na naman kamiiii.
12:00pm So hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi nag-sulat ako sa isa kong story at may bagong *blip* "bawal spoiler !!" Sige na nga, kasali si Rolan tsaka si Laksh sa cheerdance, si Steph na lang talaga arghhh.
At payt-payt po kami ni Laksh mukhang tanga, may rambulan na naman dito nagaganap sa loob ng pakening room.
Balik ako mamya bye bye "byee" memew.
2:59pm Ayun na nga po nag-palit na ako ng damit, at naghihintay na lang kami para tawagin nila kami kasi may mga 7d pa sa room nila. Ang dami naming picture ngayon memew, practice na kami bye.
5:36pm Nasa i♡milktea kami ngayon, kwento-kwento lang wala kaming magawa e, cute ni Rainer :< at ngayon pinag-bubulungan na nila ako, at ngayon nababaliw na kami "di mo ako sinasamaaaaa" may pera ka? "Wala, sabi ko nga" oh diba nag-palibre nga lang ako kay missy.
6:12pm At ayun na nga lumagpas po tayo sa bababaan ko, kasi naman lutang ako "lumilipad nanaman ang isip ko~" baliw may iniisip kasi ako, nung pagbaba ko nakasalubong ko sila Cheska at Sohfia naglalakad sa kasalungat na direksyion kung saan ako pupunta. At wag ka habang naglalakad ako tapos nilagpasan ko yung bahay ng dati kong kaklase si Nina "baka kilala niyo" baka lang naman ㅋㅋㅋ nakita ko yung pinsan niya. Crush ko kasi yun dati kaya lang nung maging grade 6 na kami wala na siya kasi lumipat na siya ng school, nung tumingin ako sa kanya parang nagulat siya na namangha na kung ano "eh di nga?" Oo nga kung nakita mo siya matatawa ka talaga like duh ㅋㅋㅋ.
6:30pm Nakauwi na akooo "yieee" luh, ulyanin na pala ako mamaaaaaa "bakit naman, nakalimutan mo na ba birthday ng boyfriend mo ngayon?" Oo nga no....ay wait lang.....WALA NGA PALA AKONG BOYFRIEND !!! ㅠㅠ "ulyanin na nga ㅋㅋㅋ" nakalimutan ko lang kung saan ko nilagay yung cp ko e, oa mo diyan memew para kang baliw "syempre mana sayo" di wow.
Ohoooyy may balita ako sa inyoooo "nu yon?" Maya na lang tinatamad pa ako e "buset ka" ㅋㅋㅋ.
9:01pm At kaliligo ko lang po ang ginawa ko sa bakalipas na tatlong oras ay nag-cp, nanoood ng tv, kumain, at naligo, iniisip ko nga kung tatlong oras na ba talaga yung nakalipas "syempre naman isang oras ka kaya maligo" excuse me, ang bilis-bilis ko kaya maligo nauunahan ko pa nga yung kapatid ko e "kaya pala nauuna pa siyang pumasok kesa sayo" oo na ayaw paasat memew.
Ka-chat ko si Rainer and parr nakaka-cringe yung convo namin like duh ㅋㅋㅋ para kaming mag-jowa kahit hindi sabi niya 'kumain ka na po?' 'Yieee' 'kain ka na plsss' "watdapak" memew wai is dat? Pero ewan ang saya lang kase feeling ko may boyprend ako pero at the same time ang creepy tsaka nakaka-cringe kayaaaa "mahal mo ba?" Oo pero hindi yung mahal na yung kung ano ha, baka kung ano iniisip mo diyan "ka di naman" ano baaaa ayoko na nga.
10:03pm Memew tulungan mo akoooo "ani yon?!" Nag-share ako ng post "ano nakalagay?" Ano...iba-bio ko fullname ng crush ko in 300 comments "hala ka " memew naman e wala na nga ako ilalagay duuuunnn waahhh "diba may crush ka naman " wala kayaaa "hindi pwedeng wala" ok ok alam ko na, babalik na lang ako mamya.
10:15pm Hala memew 300+ naaaaaa "so?" Ano gagawin koooo, mamaaaa nagpa-panick ako memew "may sunog ba?" Wala kasi naman hindi ko alam kung sino ilalagay ko sa bio ko "bala ka diyan" Oo ang laki ng itinulong mo salamat.
Memew ㅋㅋㅋ tapos ko na yung bio ko ㅋㅋㅋ "tawa ka ng tawa diyan" e kasi naman matutulog na na lang ako may kabobohan pa akong ginawa, "patingin nga" eto o
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ayu baliw ka" di naman konti lang matutulog na nga ako "tama tama, antok lang yan" aish tulog ka na ren memew, at ikaw ren reader.