Chapter 2
Mag-uumaga na nang magising si Isabella. Pumunta siya sa banyo para umihi, ngunit nang makabalik siya sa kama ay ayaw na siyang dalawin ng antok. Pinagmasdan niya na lang ang nobyo na himbing na himbing sa pagtulog. Hindi na niya tinangka pang buksan ang ilaw tutal natatamaan naman ng liwanag ng buwan ang bahaging iyon ng kaniyang kwarto.
"Go back to sleep, babe," usal ni Lester habang nakapikit ang mga mata. Pinaunan siya nito sa braso at niyakap. Ramdam niya ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ipinikit niya na lang ang mga mata at pinilit na makatulog.
Mag-iisang oras na ang dumaan pero hindi pa rin siya makatulog. Nauuhaw siya kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang braso ni Lester na nakayakap sa kaniyang baywang. Iniwasan niyang makagawa ng ingay para hindi ito magising. Kilala niya ang nobyo, kaunting kaluskos lang ay kaagad itong nagigising at tila isang ninja na laging handa sa anumang labanan.
Matagumpay siyang nakalabas sa kwarto nang hindi nagigising ang nobyo. Nagmadali siyang bumaba papunta sa kusina dahil uhaw na uhaw na siya. Habang umiinom ay hindi nakaligtas sa pakiramdam ng dalaga na tila may kakaiba sa paligid. Bigla-bigla ay naging alerto siya, tinalasan niya ang pandinig dahil may kung anong ingay na nanggagaling sa sala. Kabilin-kabilinan ni Lester na huwag na huwag niyang bubuksan ang ilaw para walang makahalata na may tao sa mansiyon. Pero sa ingay na naririnig niya, tila may mga taong naglakas-loob na pumasok sa pamamahay nila.
Kahit madilim ay kabisado ni Isabella ang pagkakaayos sa kusina, tinalasan niya na lang ang mga mata at kinuha ang ilang kitchen knife na naroon sa may sink. Kailangan niya iyon dahil hindi niya nadala ang baril. Dahan-dahan siyang lumabas sa kusina at pinakikiramdaman ang paligid. Nasanay na rin ang mata niya sa dilim kaya medyo naaninag na niya ang ilang kagamitan na naroon sa sala.
Paatras siyang umaakyat sa hagdan para siguruhing walang nakasunod sa kaniya, nang walang anu-ano'y may bigla na lang may sumulpot na tao sa harapan niya. Akma nitong hahablutin ang kaniyang braso pero naging mabilis ang kilos niya. Inundayan niya ito ng saksak ngunit mabilis itong umatras para maiwasan ang tangka niyang pagsaksak dito.
Naaninag niya na malaking lalaki ang umatake sa kaniya kaya hindi siya nagtangkang lapitan ito. Alam niya na mas malakas ito kaysa sa kaniya. Hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil natatakpan ang mukha.
"Ano ang kailangan mo? Bakit ka pumasok sa pamamahay ko?!" sigaw niya at naghahanda na para itapon ang hawak na kutsilyo.
Walang imik ang lalaki kaya itinaas na niya ang kanang kamay at handa ng itapon sa gawi nito ang kutsilyo nang biglang may humawak sa braso niya dahilan para malaglag ang hawak niya. "Shit!" sigaw niya. Hindi niya akalain na may kasama pa ang lalaking umatake sa kaniya kanina. Kapag nagkataon hindi niya kakayanin ang dalawang ito. Bukod sa nanghihina siya ay masakit pa rin ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita dahil sa ginawa nila ng kaniyang nobyo. Nasa pangatlong baitang siya ng hagdan at hindi niya alam kung maririnig siya ni Lester kahit magsisisigaw pa siya.
"Babe! Help!" sigaw niya at tinalon ang balustre ng hagdan dahilan para mabitawan siya no'ng lalaki. Mabuti na lang at pajama ang suot niya kaya hindi siya nahirapan gumalaw.
Nakaluhod ang isa niyang tuhod nang bumagsak siya ngunit bigla siyang inatake no'ng naunang lalaki kaya mabilis siyang tumayo at paatras na dinidepensahan ang mga suntok nito. Nabitawan niya kanina ang hawak na kitchen knife kaya wala siyang magamit laban dito.
Halos mawalan siya nang pag-asa nang sabay siyang atakihin ng dalawang lalaking iyon. Panay ang suntok ng mga ito at iniilagan naman niya iyon hangga't kaya niya. Malakas, mabilis ang mga iyon ngunit nababasa niya ang mga kilos ng dalawang iyon. Parehas itim na damit ang suot ng mga iyon, nakatakip ang mga mukha at habang nakikipagpalitan ng suntok sa mga ito ay ramdam niya na tila nakaengkwentro na niya noon ang dalawa. Na hindi ito ang una nilang paglalaban.
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...