Chapter 12

522 29 7
                                    

Chapter 12

 Not Edited

Hindi magkandaugaga ang mga tauhan sa pagkarga ng mga nakakahong kontrabando sa container truck. Dumating kasi si Leester at kapag ganitong mainit ang ulo ng kanilang amo ay kailangan maayos ang trabaho dahil kung hindi ay alam ang kahihinatnan ng mga pobreng tauhan. 

"Bilis-bilisan ninyo!" sigaw ni Kyle. Maging ito ay nangingilag pa rin sa kapatid dahil sa nangyari noong nakaraang araw. "Naghihintay na ang barko." Tanging tango lang ang isinukli ng mga iyon.

Nilagpasan lang sila ni Leester at nagtuloy sa loob kung saan nag-uusap sina Tooffer at Javier. Nagtaka ang mga ito kung bakit dumating ang binata sa warehouse. Ang alam nila ay aasikasuhin nito ang coffee shop.

"Sasama ako ngayong gabi," saad nito matapos umupo sa sopa at magsalin ng alak. 

Napatingin si Tooffer sa matandang Monteero at muling ibinalik ang paningin kay Leester. "Pinagbabawalan ka ni Isabella uminom ng alak."

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin." Nilagok nito ang alak sa baso at tumingin sa bintana kung saan natatanaw ang tauhang abala pa rin sa kani-kanilang mga gawain. "Saan ang delivery ng mga 'yan?"

"Santa Elena," sagot ni Javier. "Bagong kasapi ng organisasyon."

"Napakarami naman niyan, papa."

"Yon nga ang ipinagtataka namin ni Tooffer. Paunang order pa lang 'yan, anak, pero naibigay na nila ang kalahati ng kabuuang bayad."

"Pangalan?"

"Luz Fernil, anak. Bagong salta sa Santa Elena."

Nangunot ang noo ni Leester. Waring naging interesado ito dahil sa pangalang narinig. "Babae? At kailan pa kayo tumanggap ng babaing miyembro?"

"Nakilala ko siya dahil kay Anton. Kasosyo ni Anton sa iba pa niyang megosyo."

"Background?" muling tanong ni Leester at tumingin nang diretso sa mga mata ng ama. Hindi nakaimik ang huli, tumayo ito at sinilip ang mga tauhan.

Bumulong si Tooffer kay Leester. "'Yon din ang sinabi ko kanina, dude. Basta na lang tumanggap ng miyembro nang hindi man lang inaalam ang background. Malalagay tayo sa alanganin lalo na ngayong nanganganib na bumagsak ang organisasyon."

"Shut up, Tooffer!"saad ni Javier at muling naupo. "Kailangan natin ng malaking pera para pondohan ang foundation na itinayo ng mama ninyo. Alam n'yo namang nagsialisan halos lahat ng miyembro. Nagmamay-ari ng malaking security agency ang babaing iyon. Iyon lang ang alam ko."

Napailing na lang si Leester. Hindi niya akalain na ganito kadesperado ang ama na basta na lang tatanggap ng miyembro nang hindi man lang inaalam ang background.

"Papa." Napatingin sila nang sumungaw ang ulo ni Kyle sa pintuan. "Tapos na po ang trabaho ng mga tauhan natin. Anong oras po tayo aalis?"

"Alas siyete ng gabi, anak."

"Alas dose ng hatinggabi," sabat ni Leester at tumingin sa suot na relos. Itunuro nito ang katapat ng sopang kinauupuan. "Umupo ka, Kyle."

"Kuya...?"

"May alam ka sa background ng taong iyon?" Ikinuros niya ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib at diretsong tiningnan ang nakababatang kapatid. "Alam mo ba ang mga pasikot-sikot sa lugar na iyon?"

"A, e." Napakamot si Kyle sa ulo na tila wala talagang alam sa mga ganoong bagay.

Tumalim ang mga mata ni Leester. Sumulak na naman ang galit nito. "Ano! A, e, i, o, u ang isasagot mo sa akin! Damn you, Kyle! Huwag mo akong paaandaran ng katangahan mo."

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon