Chapter 6
Not Edited"Hindi mo dapat ginawa 'yon kay Kyle," wika ni Isabella matapos magbihis. "Kawawa naman ang kapatid mo, parang ginagawa mo ng pamalit sa punching bag." Nilapitan ng dalaga si Lester na wala pa ring imik. Nakaupo ito sa gilid ng kama at panay ang himas sa kanang kamao na animo'y naghahanda na naman para manuntok. Nakatungo lang ito at tila nahulog na sa malalim na pag-iisip. Kanina pa nagsasalita ang dalaga pero parang wala itong naririnig.
"Raine...?" Tinapik ni Isabella ang balikat ng nobyo dahilan para mabaling sa kaniya ang atensiyon nito.
Madilim na mukha ang sumalubong sa dalaga. Nakakunot din ang noo ni Lester at magkasalubong ang dalawang kilay kaya kinabahan ang dalaga. Kapag ganito na hitsura ng kaniyang nobyo, alam na niya na iniisip na naman nito ang tungkol sa organisasyon.
Kahit kinakabahan ay unti-unting niyang itinaas ang kanang kamay at hinaplos ang pisngi ng nobyo. Malaki na talaga ang ipinagbago ng mukha ni Lester. Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit mabilis na tumanda ang hitsura ng mukha nito na mas lalong pinatanda dahil laging nakakunot ang noo, dagdagan pa ng mahaba nitong bigote na tila walang balak tanggalin.
"Palagi na lang nakakunot ang noo mo, Raine." Gamit ang dalawang kamay ay hinilot niya ang noo ng nobyo kaya bumalik sa normal ang kilay nito.
"I'm sorry, babe," wika ni Lester sa paos na boses. "Marami lang akong iniisip." Pilit itong ngumiti at ikinulong ang kanang palad ng dalaga sa sariling mga kamay.
Ngumiti na rin ang dalaga. "'Yan ang gusto ko," pansin nito sa pagngiti ng nobyo. "Bawas-bawasan mo ang pagkunot ng noo lalo na kapag kaharap mo ang kambal. Baka akalain nila na nagagalit ka."
Tumango lang si Lester pinipisil-pisil ang kamay ng dalaga. Parang may nais itong sabihin pero hindi maisatinig. Nakatitig lang sa mukha ng nobya pero tila napakalayo ng iniisip.
"You want to say something, babe?" tanong ng dalaga. Kilala na niya ang nobyo kapag ganitong nakatitig sa kaniya.
"I'm...I'm sorry, Isabella." Panay ang buntonghininga ni Lester at hindi na magawa pang magsalitang muli. Nagkasya na lang ito sa pagpisil sa kamay ng dalaga at pagtitig sa mukha nito na para bang maiiyak na.
"Sorry for what?" pabulong na tanong ng dalaga dahil hindi niya maintindihan kung bakit ito nagso-sorry.
"Hindi dapat kita isinama kanina. Patawarin mo ako, babe." Tuluyan na itong napaiyak at sinapo ang ulo gamit ang sariling mga kamay. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa 'yo. Hindi dapat kita isinasama sa mga ganoong lakaran."
"Raine, you don't have to say sorry. Ako ang may kagustuhan na sumama sa 'yo. It's my choice."
"Pero—" Hindi naituloy ni Lester ang sasabihin dahil may narinig silang katok sa pinto. Segundo lang ang dumaan, iniluwa niyon ang nakangising si Tooffer.
"Dude, kausapin ka raw ni Tito."
"Bakit daw?"
Sumeryoso ang mukha ni Tooffer. "Tungkol sa meeting bukas. Unti-unti na silang kumakalas, dude."
"Kumakalas?" nagugulahang tanong ni Rose subalit nanatiling nakatikom ang bibig ng bagong dating.
Kumuyom naman ang kamao ni Lester kasabay ng malutong nitong pagmura. "Damn!"
"Sige, dude. Sumunod ka na lang. Naghihintay si tito. Baba na ako, Isabella."
"Teka, Tooffer." Akmang tatayo na ang dalaga pero mabilis na isinara ni Tooffer ang pinto. Wala itong nagawa kundi magtanong sa nobyo. "Raine, 'yong organisasyon ba ang tinutukoy ni Tooffer?"
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...