Chapter 9

547 25 12
                                    

Not Edited

Chapter 9

"Be cautious next time, Kyle," mahinahong saad ni Leester sa nakababatang kapatid. May hawak siyang baso na may lamang alak. Naroon sa tabi niya si Isabella na pormal na nakatingin kay Cathy na tila ba inihahanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari. Alam nila kung ano ang maaaring gawin ni Leester kay Kyle dahil sa nangyari kanina sa warehouse. 

"I will, kuya," sagot ni Kyle. Hindi ito makatingin nang diretso sa kapatid. "I'm sorry."

Bumuntong-hininga sa Leester at inilapag sa ibabaw ng mesa ang hawak na baso. Nilingon niya ang mga taong naroroon sa study room na parang nahihiwagaan dahil kanina pa tahimik ang mga iyon. Si Javier ay nakaupo lang sa swivel chair at kanina pa inaalog ang hawak na baso na may lamang alak. Ni hindi pa nagawang bawasan iyon. Si Charlotte na katabi ni Cathy sa sopa ay tila nakikiramdam lang sa mga kilos ng panganay na anak. Paminsan-minsan ay nagkakatitigan sina Isabella, Cathy at Tooffer. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata patungkol ka Leester. 

Tumayo si Leester. "Magpapahinga na ako. Bukas na lang tayo mag-usap. Napagod ako sa mga lintik na 'yon." Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang marinig ang boses ng ina.

"Rose, I need to talk to you," wika ni Charlotte saka tumingin sa gawi ng asawa. "I mean, we need to talk to you. It's been a month pero hindi pa rin malinaw sa akin, sa amin ang mga nangyari seven years ago. Ang alam lang namin ay ang car accident na kinasangkutan ni Leester. You didn't even told us na ikaw ang fiancee ng anak ko. Ang kambal-"

"That's because I told her not to tell anyone about our kids." Tumaas ang boses ni Leester kaya nagulat si Tooffer. Ngayon lang nito pinagtaasan ng boses ang sariling ina. 

"Babe, lower down your voice," saway ni Isabella.

Biglang tumalim ang mga mata ni Leester nang bumalik sa tabi ng at muling naupo.  Gumalaw na naman ang magkabilang panga nito kaya naalarma si Cathy. Hinawakan naman ni Isabella ang kaliwang kamay nito para pakalmahin.

"Bago kami nagkahiwalay sa dagat ay sinabihan ko siyang ilayo ang mga anak ko sa mata ng organisasyon. Ayokong danasin ng mga anak ko ang ganitong buhay. I want the best for them."

"I'm sorry, tita, tito," saad naman ni Isabella saka gumaralgal ang tinig. "Sasabihin ko naman po talaga sa inyo. Kahit si daddy ilang beses nagplano na sabihin sa inyo ang totoo pero nauunahan pa rin ako ng takot. May alitan kayo ni dad at hindi ko alam kung paniniwalaan ninyo ako kapag sinabi ko. Isa pa, may kasamang babae si Raine nang mangyari ang car accident. Suot niya ang engagement ring na isinoli ko noong nasa yate kami. Lalabas lang na sinungaling ako." 

Muling nagtagis ang mga bagang ni Leester nang marinig ang sinabi ni Isabella. Hindi niya kayang makita na nasasaktan ang nobya. Napahawak siya sa sentido dahil sumakit iyon. Gsto niyang alamin kung sino ang babaing kasama sa car accident na iyon pero masyadong mailap ang kaniyang memorya. Hindi pa bumabalik ang lahat ng kaniyang alaala sa nakaraang pitong taon.

"Isa sa mga dahilan ko kaya ako nagbalik ay hanapin si Raine dahil palagi siyang itinatanong sa akin ng kambal." May sumungaw na luha sa mga mata ni Isabella. Mabilis niya iyong pinunasan saka nagpatuloy, "kailangan kong mahanap si Raine dahil siya lang ang may alam kung sino ang tunay kong ina."

"Ampon ka, Rose?" sabay na tanong nina Cathy at Kyle.

"Well, not exactly. Si mommy, hindi talaga siya ang totoo kong ina at kinumpirma mismo iyon ni dad." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Javier. "Dad told me that you killed my biological mom." 

"That's not true," sabat ni Tooffer. Pansin ni Isabella ang mahigpit na pagkakahawak nito sa baso. 

"Yon mismo ang sinabi sa akin ni Raine noong papunta kami sa Isla de Majika. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na tanungin siya dahil dumating 'yong mga armadong lalaki at pinasabog ang yate." Muli siyang tumingin kay Javier. "Ang natatandaan ko lang ay sinabi sa akin ni Raine na kayo ang nakakaalam kung sino ang tunay kong ina."

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon