Not Edited
Chapter 16
"Damn!" mura ni Leester matapos lagyan ng bala ang hawak na baril. "Natunugan tayo ng mga lintik!" Naroon sa gilid niya si Tooffer at tinitingnan kung may nakasunod na kalaban.
Narito sila ngayon sa labas ng bodega sa San Felipe na pag-aari ng kaibigan ni Arbo. Pinagplanuhan ni Leester ang paglusob na ito dahil hindi nagustuhan ng huli ang balitang hindi naman talaga namatay si Arbo matapos itong itapon sa dagat ng isa sa kanilang mga taauhan. Mapanganib si Arbo at gustong makasiguro ni Leester kung totoo nga na buhay pa ito.
Malalim na ang gabi pero naaaninag pa rin ng binata ang ilang armadong lalaki dahil sa paminsan-minsang pagtama ng liwanag na nanggagaling sa labas. Iniyuko niya ang ulo at pinagmasdan kung saan papunta ang mga iyon.
"Grupo 'yan ni Monteero!" sigaw ng isang lalaki. "Huwag na huwag ninyong hayaang makaalis ng buhay."
"Shit, dude," pabulong na saad ni Tooffer. "Nakilala tayo."
"Wala akong pakialam." Ngumisi si Leester. "Mamaya ipakikilala ko sila kay kamatayan." Mariin ang pagkakahawak niya sa baril at nang makita ang tatlong lalaking palapit sa kanila ay hindi na siya nagdalawang-isip, pinaputukan niya ang mga iyon at tumimbuwang.
"Monteero!" umalingawngaw ang sigaw na iyon sa labas ng bodega. "Ang lakas na loob mong pasukin ang teritoryo ko tapos ngayon, nagtatago ka lang? Lumabas ka nang magkaalaman tayo!"
Nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig. Hindi siya gumawa ng ingay, sinenyasan niya lang si Tooffer na magmasid saka dahan-dahan siyang naglakad papasok ng bodega. Alam kasi niya na may itinatagong mahalagang bagay ang may-ari ng bodega. Minsan na niya itong kinausap na ilabas si Arbo, pero dahil wala siyang nakuhang matinong sagot ay kailangan niyang gawin ang isang bagay para mapasunod ito.
"Sinabi ko naman sayo." Muli na naman niyang narinig ang sigaw na iyon. "Wala akong pakialam kay Arbo. Kung may atraso siya sa 'yo, labas na ako roon!"
Naririnig pa rin niya ang sigaw na iyon pero hindi niya na pinansin. Nagkubli siya sa punong naroon at nang may makita siyang paparating ay pinaputukan niya dahilan para muling matawag ang atensiyon ng mga taong naroon. Lumapit ang mga iyon kung saan narinig ang putok ng baril ngunit mabilis na tumalilis si Leester at matagumpay na nakapasok sa bodega.
"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay." Napalingon si Leester nang marinig ang boses na iyon. Nang masanay sa dilim ang kaniyang mga mata ay hindi siya makapaniwala nang maaninag ang bulto ng isang babae. Naroon sa harapan niya ang dalaga, nakangiti at may hawak na baril na nakatutok sa sentido ng kaibigan ni Arbo. "Kanina ko pa pinapaamin, pero nagmamatigas pa rin. Kung nahuli ka ng dating, malamang patay mo na itong dadatnan." Inalis nito ang bumanganga ng baril sa sentido no'ng lalaki at inihampas iyon sa panga. Kasabay ng pagsigaw ay ang pagmamakawa niyon pero hindi man lang pinansin ng dalaga, bagkus ay isa na namang hampas ang iginawad sa kabila nitong panga.
"That's enough, babe," saad ni Leester at hinawakan ang braso ng dalaga. Hindi siya sanay na makita ang dalaga na pinapahirapan ang ibang tao.
"Pero, Raine, isa siya sa mga nagpasabog sa yate na sinakyan natin." Muling hinampas ni Isabella ang lalaki. Gigil na gigil siya sa lalaking iyon at kung hindi lang mahaga ang impormasyong makukuha niya rito ay hindi na niya patatagalin pa ang buhay nito.
"Ako na bahala diyan at sisigiraduhin kong kakanta ang lintik na 'yan." Kasabay ng pagsipa ni Leester sa tiyan ng lalaki ay ang pagkarinigi nila ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas. Salitan iyon na tila ba may nangyayaring barilan sa magkabilang grupo.
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...