Chapter 18

392 25 8
                                    


Not Edited

Chapter 18

"Kenneth...?" Hindi siya makapaniwala na makikita niya ang lalaking kinaiinisan.

"Give me your hand, Isabella." Iniabot ni Kenneth ang sariling kamay para tulungan siyang makatayo subalit nanatili lamang siya sa pagkakadapa. Kaya niyang bumangon mag-isa.

"Isabella, come on," muling saad nito nang hindi siya kumilos.

Madilim sa gawi niya dahil nasa gitna siya ng damuhan at natatakpan ng mayabong na halaman.Si Kenneth naman ay natatamaan ng liwanag ng buwan kaya kitang-kita niya ang takot sa mukha nito. May pagmamadali sa kilos nito nang buhatin siya at mabilis na nilakad ang daan papunta sa nakaparadang kotse. Nakita pa niya sa di kalayuan ang pinasabog na kotse na ngayon ay unti-unti ng natutupok.

"Ibaba mo ako," mariin niyang wika. "Kaya kong maglakad."

Parang wala itong narinig dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad at ibinaba siya sa tabi ng pag-aari nitong kotse. Paalis na sana siya nang bigla nitong hawakan ang kanang braso niya.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat, Miss del Mundo?"

"Salamat," sagot niya at marahas na binawi ang braso. "I have to go."

"Get into the car," utos nito na lalo niyang ikinainis. "Ihahatid na kita. Madaling araw na at bihira ang dumadaang sasakyan dito."

"I can handle myself."

"Don't be too stubborn, Isabella. Pumasok ka na sa loob at ihahatid kita sa inyo." Binuksan nito ang pinto at pilit siyang isinakay.

"I said I can handle-"

Tumaas ang boses nito kaya nagulat ang dalaga. "You can handle yourself? Really? Bakit ka nahuli ng mga gagong iyon?" Isinara na nito ang pinto sa gawi niya at mabilis na sumakay sa driver's seat.

"Next time magsama ka ng mga tauhan," saad ni Kenneth habang nagmamaneho. "Napag-iinitan ka ng mga kalaban ng mga Monteero. Kung hindi ko napatay ang mga iyon, malamang mabaliw si Leester sa kahahanap sa 'yo."

Napatingin si Isabella sa gawi ni Kenneth. Ito ang pumatay sa dalawang lalaking dumukot sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na magagawa nitong pumatay. Doktor ito at may sinumpaan itong tungkulin.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Isabella. Kahit malayo na sila sa sumabog na kotse ay hindi pa rin nabawasan ang kaba sa dibdib niya dahil hindi niya alam kung ano ang pakay sa kaniya ni Kenneth. Kung bakit siya nito iniligtas.

"Para iligtas ka." Ngumisi ito habang nakatutok ang mga mata sa daan.

"I don't believe you," bulong niya. "May pinaplano ka kaya mo ginawa iyon."

"Partly," saad nito kaya nadagdagan ang pagdududa ng dalaga.

"See? Tama ako. Ano ang pinaplano mo?" lakas-loob niyang tanong. May nakita siyang baril sa dashboard at isang maling salita lang ni Kenneth ay hindi siya mangingiming kunin iyon para patayin ito.

"The right term is ano ang gusto ko?" Pumormal ang mukha nito na ipinagtaka ng dalaga. Tila ba may mahalaga itong pakay sa kaniya.

Nang hindi siya umimik ay sumulyap ito saglit sa gawi niya at muling itinutok ang paningin sa daan. "Kung ano man ang nalalaman ninyo sa tungkol sa akin, mas makabubuting huwag n'yo ng ipagsabi pa. Although hindi ko alam kung hanggang saan ang ginawa mong pagpapaimbestiga sa akin."

Tumawa si Isabella sa narinig. Para itong batang nakikiusap. Hindi niya akalain na may ganitong ugali si Kenneth. Sa lahat ng sangganong nakilala niya, ay ito ang pinakamaamo ang mukha. Payatot ang pangangatawan na akala mo ay hindi makabasag-pinggan, pero mabilis kumilos at naunahan pa ang kalaban kanina.

"Well actually," saad ni Isabella. Nagtaka ang dalaga kung bakit parang unti-unting nawawala ang inis niya sa doktor na ito. Padang bigla-bigla ay gumaan ang pakiramdam niya rito. "Hindi naman masyong malalim ang ginawang imbestigasyon ng tauhan ko. Hindi ko nga alam kung totoo ang mga nakasaad sa report na iyon kung ang pagbabasehan ko ay ang aking obserbasyon."

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kenneth. "Saan kita ihahatid?"

"Sa bar. Ayokong malaman ni Leester ang nangyari sa akin."

"Raine," saad ni Kenneth na wari bang iyon ang tamang pangalan ng lalaking mahal niya. "Raine ang tawag mo sa kaniya, di ba?"

"Who told you that?"

"I told you, marami along alam pagdating sa 'yo." Natamaan ng liwanag ang mukha nito kaya nakita ni Isabella ang pagngisi nito.

"Sino ka ba talaga? At bakit marami kang alam sa akin?"

Hindi na sumagot si Kenneth dahil natatanaw na nila ang bar kung saan dinampot ang dalaga ng dalawang lalaki kanina. Marami pa sana siyang gustong malaman sa taong ito pero tila naumid na ang dila nito. Wala na itong imik nang itigil ang sasakyan sa madilim na bahagi sa labas ng bar.

"Take care, Isabella," saad nito nang makababa na siya. "Aasahan kong tutupad ka sa napag-usapan."

"Salamat ulit." Ngumiti siya saka bumaba na ng sasakyan.

Walang lingon-likod niyang tinungo ang entrance ng bar. Hindi dapat malaman ni Raine ng nangyari. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kaniya. Doble ingat na lang ang gagawin niya sa susunod para hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari.

"Oh my god!" bulalas ni Cathy. Tumayo ito mula sa umpukan ng mga kababaihan at nilapitan si Isabella. "Rose, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap."

"Diyan lang. May kinausap lang ako."

"Gano'n ba? Buti nakita na kita. Tatawagan ko na sana si Kuya Leester na nawawala ka."

"Buti hindi mo ginawa dahil baka kung ano na naman ang gawin n'on." Ngumiti siya at tinapunan ng tingin ang mga babaing kasama ni Cathy.

"Mga kaibigan ko sila, Rose," saad ni Cathy at tinawag bg atensiyon ng mga babaing naroon. "Girls, girls, girls! This is my new sister Rose," pakilala nito sa kaniya. "My sister in law." Isa-isang pinangalan nito ang mga kaibigan.

"Hi," bati ni Rose sa kanila. Ngumiti naman ang mga iyon at inalok siya ng alak.

"Don't tell me, Cathy," saad no'ng isang babae. "Stick to one na si Kyle? Last time I saw him dala-dalawa ang babaing kasama."

"No," sagot ni Cathy. "She's not Kuya Kyle's girlfriend. She's Kuya Leester's fiancee."

"Oh?" sabay-sabay na saad ng mga naroon kaya humagalpak ng tawa si Cathy.

"Hindi kayo makapaniwala, 'no?"

"E, sino ba ang maniniwala? Babaero ang kapatid mong 'yon, Cathy. Mas malala pa nga 'yon kaysa kay Kyle."

"Naku, bes, nagbago na si Kuya Leester at iyon ay dahil nakilala niya si Rose."

"Good for you, girl." Ngumiti sa kaniya 'yong babaing katabi ni Cathy na kung hindi siya nagkakamali ay Ines ang pangalan. "Balita ko dati, ha mamatay 'yong girlfriend niya nang maaksidente sila seven years ago. Sayang nga, e, buntis pa naman 'yon. Pero at least nakaligtas si Leester sa aksidenteng iyon."

Doon na nagtaka si Isabella. Ang alam niya ay pinalabas ng mga Monteero na nawawala si Leester. Paano nalaman ng mga ito na nakaligtas si Leester sa aksidenteng iyon?

"Kung hindi nga dahil sa pinsan ko na nagtatrabaho sa ospital ay hindi ko malalaman ang nangyari," bulong pa ni Ines. "Alam mo naman ang mga Monteero, maraming itinatago."

Hindi na siya umimik at tinungga ang alak na kanina pa ibinigay sa kaniya. Noon pa siya napapaisip tungkol sa babaing kasama ni Raine nang maaksidente ang  kotseng sinasakyan nito. Hanggang ngayon ay walang malinaw na paliwanag sa kaniya ang nobyo kung sino ang babaing iyon.

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon