Chapter 17

371 25 5
                                    


Not Edited


Chapter 17


"Come on. Do it!" saad ni Isabella sa lalaking nasa likuran niya. Nakapulupot ang kamay niyon sa leeg niya habang nakatutok sa sentido niya ang baril. "Be sure na mamamatay ako dahil kung hindi, ikaw ang papatayin ko."

"Bilib din naman talaga ako sa 'yo," bulong ng lalaki. "Ang lakas ng loob mo. Pwes para sa kaalaman mo, hindi kita papatayin sa ngayon." Tumawa ito. "Gusto kong mamatay ka harap ni Monteero para maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko no'ng pinatay niya sa harap ko ang aking kapatid."

Doon na kinabahan ang dalaga. Madilim ang parteng iyon ng bar at kahit magsusumigaw pa siya ay walang makakarinig sa kaniya sa lakas ng musika. Ramdam niya ang lakas ng lalaki at hindi niya kayang makipagsabayan dito lalo na't may hawak itong baril. Isang maling galaw niya ay baka aksidenteng makalabit nito ang gatilyo ng baril.

'Shit!'  mura niya sa isip. Kung bakit ba naman kasi pumayag siya na sumama kay Cathy sa bar na ito. Kung sa bar na pag-aari ng pamilya sila nagpunta ay hindi niya ito mararanasan dahil nakakalat ang mga tauhan ng mga Monteero. 

"Now move!" bulyaw no'ng lalaki nang makalabas na sila ng bar. Nagsawa na siguro ito sa pagkaladkad sa kaniya. "Huwag na huwag kang sisigaw kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mo."

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa iniuutos nito. Nauna siyang naglakad papunta sa nakaparadang kotse, naroon naman sa likuran niyang lalaki at paminsan-minsan ay itinutulak siya.

"Bilis," dinig niyang saad mula sa kaniyang likuran nang malapit na sila sa kotse. Bukas ang unahang pinto ng sasakyan at mula roon ay bumaba ang isang lalaki na may katangkaran. Sa tantiya ay kasing tangkad niyon si Leester. Nakasuot ng bonet kaya hindi niya makita ang mukha.

"Astig ka, bata," wika no'ng lalaki. "Hindi ko akalain na matsatsambahan  mo ang syota ni Monteero ngayong gabi."

"Sinwerte lang, boss. Pakalat-kalat, e. Ni walang kasamang alipores." Tumawa pa ito at itinulak siya papasok sa likurang bahagi ng sasakyan.

Tahimik lamang siya nang bumagsak sa upuan. Ni hindi siya nagreklamo kahit nasaktan siya sa ginawang pagtulak sa kaniya. Hinayaan na lang niya ang lalaki nang posasan siya.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang Monteero na iyon," saad no'ng lalaking dumampot sa kaniya sa bar. Umupo ito sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. "Ano ang magandang gawin natin diyan, boss?"

"Simple lang, bata," tumawa ito. "Kung ano ang ginagawa ni Monteero, 'yon din ang mararanasan ng siyota niya. Sa laki ng ginawa niyang perwisyo sa negosyo ko, kulang pa itong kabayaran. Kung makuha ko ang kambal, baka maging sapat na."

Doon napigtas ang pagtitimpi ni Isabela. "Huwag na huwag ninyong idadamay ang kambal!"

"Oops! Boss, sinisigawan ka. Busalan mo kaya ang bibig niyan nang madala."

"No. hayaan mo siyang sumigaw, tutal nakaalis na tayo sa bar." Muli itong tumawa kaya lalong nadagdagan ang galit ni Isabella. Gamit ang kanang kamay ay pinasadahan  pa nito ang kaliwang pisngi ng dalaga. "Kanina habang pinagmamasdan kita sa dance floor ay hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa 'yo si Monteero." Bumulong pa ito, "Nakakabaliw ang iyong ganda lalo na nang gumiling ka. Shit! Ano kaya ang pakiramdam kung gumigiling ka sa ibabaw ko?"

Awtomatikong tinabig ni Isabella ang kamay nito na naroon sa pisngi niya. "Huwag mo akong hawakan!"

Tumawa na naman ito nang nakakaloko. "'Yan ang gusto ko sa babae, lumalaban. Hayaan mo  mamaya, mapapalaban ka sa kama." Kinabig nito ang dalaga at akmang hahalikan sa leeg pero mabilis niya itong sinuntok gamit ang dalawang kamao. Malakas ang suntok na iginawad niya dahil naaninag niya na tumama ang gilid ng ulo nito sa salamin ng sasakayan.

Akma na sana niyang sisipain ang lalaking nagmamaeho ng sasakyan subalit bigla na lang siyang inundayan ng suntok sa tagiliran ng lalaking katabi. Wala siyang nagawa kundi mapaaray sa sakit. Idinampi niya ang kamay sa tagiliran kung saan dumapo ang kamao ng lalaki.

'Shit!' mura niya sa utak. Hindi niya akalain na hahantong siya sa ganitong sitwasyon. Wala siyang kalaban-laban sa dalawang lalaking kasama sa sasakyan. Ipinikit na lang niya ang mga mata at tumiklop para maipit ang kaniyang tiyan dahil pati iyon ay tila nanakit na rin. Sa utak niya ay nagsasalimbayan ang mga senaryo na maaaring mangyari sa kaniya sa kamay ng dalawang lalaking ito. Wala siyang mahihingan ng tulong dahil kinuha ang cellphone niya. Isa pa malayo-layo na rin sila sa bar.

"Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyong ito sa akin," usal niya. 

"Sabihin mo 'yan sa siyota mo 'pag nagkita na kayo," saad no'ng lalaking katabi niya at kinuha ang cellphone saka nagtipa.

"Boss," tawag no'ng lalaking nagmamaneho. "Mamaya mo na siguro tawagan si Monteero. Hayaan mong mabaliw ang lintik na 'yon sa paghahanap sa dyowa niya. Sigurado akong sa mga oras na ito tinatawagan na n'on ang mga kasamahan niyang demonyo para humingi ng tulong."

"Sige, bata. Tikman muna natin ang babaing ito tutal malapit na tayo sa bahay."

"Areglado, boss!" tuwang-tuwang saad ng driver at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. 

Sinalakay ng matinding takot ang dalaga.  Kailangan niyang makatakas sa dalawang lalaking ito bago pa sila makarating sa sinasabi nitong bahay. Kailangan niyang iligtas ang sarili dahil wala siyang maaasahang tulong sa mga oras na ito. Bihira rin ang dumadaang sasakyan dahil madaling araw na.

Nang lumiko ang kotse ay hindi na nagdalawang-isip pa si Isabella, sa abot ng kaniyang makakaya ay sinuntok niya sa panga ang lalaking katabi ngunit ang hindi niya inaasahan ay awtomatiko rin siyang inundayan nito ng suntok sa tagiliran. Muli siyang napaaray sa sakit. Gusto na niyang sumuko ngunit nabuhayan siya ng loob nang mapansing biglang pumreno ang  driver dahil may kotseng bigla na lang humarang sa kalsada.

"Punyeta!" sigaw ng lalaking nasa harap ng manibela. "Bakit ngayon pa lumitaw ang asungot na ito."

"Lintik!" mura ng lalaking katabi niya. "Tauhan 'yan ni Elinita."

Nararamdaman pa rin niya ang sakit pero sinikap niya pa ring iangat ang paningin para makita kung sino ang taong humarang sa kanila. Bumaba ang driver ng kotseng humarang sa kanila at pinaputukan ang gulong ng sinasakyan nila dahilan para sabay na mapamura ang dalawang lalaki. Mabilis na binuksan ng lalaking katabi niya ang pinto para bumaba. Ikinasa na nito ang baril at akmang itututok na sa kalaban nang bigla na lang itong tumimbuwang. 

Mabilis namang binuksan ni Isabella ang pinto sa gawi niya at bumaba ngunit natisod siya dahilan para gumulong siya sa madamong bahagi ng highway na iyon. Tatayo na sana siya para tumakbo palayo nang bigla na lang magliyab ang kotseng kanina'y nasasakyan niya.

Para siyang nabunutan ng tinik sa nakita. Laking pasasalamat niya sa kung sino mang taong  nagpasabog sa kotseng iyon. Kahit tauhan iyon ng Tita Elinita niya ay nagawa pa rin siyang tulungan.

"Mabuti at hindi ka napuruhan." Tinig iyon na nagpaangat ng paningin niya. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang tinig na iyon.

"Kenneth...?"


Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon