Chapter 8

882 33 27
                                    


Not Edited

Chapter 8

Tatlong doktor ang kausap ni Tooffer sa loob ng maliit na opisinang naroon sa warehouse. Mga ekspertong siruhano ang mga iyon na matagal ng nagsisilbi sa mga Monteero. Sa unang tingin makikita ang hindi pagsang-ayon ng mga ito sa suhestiyon ni Tooffer pero bigla ring nabago ang desisyon nang makita sa salaming bintana ang pagdating ni Lester kasama si Isabella.

"I thought he is already dead," saad ng doktor na medyo may katabaan.

"That beast has nine lives, doc," nakangising saad ni Tooffer. "May sa pusa 'yang si Lester kaya huwag na kayong magtaka."

Pinagmasdang maigi ng tatlong doktor si Lester habang inaalalayan si Isabella na makababa ng sasakyan at mayamaya ay nagsalita ang doktor na medyo maputi na ang buhok, "I never thought na makakaligtas siya sa ganoong aksidente."

"Indeed, doc," sang-ayon ng ikatlong doktor. "Ibig sabihin, pinalabas ng mag-asawang Monteero na patay na ang panganay nilang anak." Napakamot ito sa ulo at nagbaba ng tingin na tila nahihiwagaan. "Wierd. Kung kailan pabagsak na ang organisasyon saka sumulpot si Lester."

"Ano ang nangyari sa kaniya sa loob ng pitong taon, Tooffer?" tanong ng doktor na may katabaan. 

"It's not my story to tell, doc. Why don't you ask him?" Tumingin si Tooffer sa hawak niyang cellphone at muling tiningnan ang tatlong doktor. "Pitong taon din akong nawala dito sa bansa. Actually, kararating ko lang noong nakaraang buwan." Inilipat niya ang paningin sa labas at nang makitang wala na roon sina Lester at Isabella, ay tumayo siya. "So, I presume you already understand what we have been discussed a while ago? If in case you need-"

"Of course, I understand," sabay-sabay na sagot ng tatlong doktor sa pautal-utal na boses kaya lihim na napangisi si Tooffer.

"Good. Rest assured that you'll get compensated as soon as it's done. Alam naman natin, doc ang mga Monteero, lahat ng umaayon sa kanila ay nabibiyayaan nang husto." Nang may kumatok sa pinto ay pinagbuksan iyon ni Tooffer.  

"Damn you, Tooffer!" mura ni Lester pagkabukas na pagkabukas ng pinto. "Anong ginagawa mo rito? Di ba dapat naroon ka sa kompanya?"

"Oops! Relax, dude." Nakataas ang dalawang kamay ni Tooffer saka umatras para makaiwas sa nakaambang suntok ng bagong dating. "May inutos sa 'kin si Tito Javier. Isa pa kasama mo naman si Isabella." Ngumiti ito sa dalaga na ngayon ay nakatingin sa tatlong taong naroon sa opisina.

"Babe." Hinawakan ni Isabella ang braso ng kasintahan at pabulong na nagsalita, "May bisita si Tooffer." 

"Who are they?" Nanlilisik ang mga mata ni Lester nang tumingin sa gawi ng tatlong doktor.

"Dude...? Don't tell me na hindi mo sila natatandaan?" anas nito.  

"I said," matigas na saad ni Lester. "Who are they?"

"Who are they, Tooffer?" kaswal na tanong ni Isabella para hindi makahalata ang tatlong bisita.

"Ah, Isabella," tugon ni Tooffer. "This is Doctor Simon, Doctor Theo and Doctor Ian." Pasimpleng tiningnan ni Tooffer si Lester na kaagad dinama ang kanang bahagi ng ulo. "Gentlemen, this is Isabella, the daughter of Mr. Al del Mundo."

Gulat ang mga doktor nang malaman kung sino ang ama ng babaing kaharap. Si Lester naman ay maging mailap ang paningin sa tatlong lalaki.

"Nice to meet you." Isa-isang kinamayan ni Isabella ang mga bisita. Nakaplaster ang ngiti niya sa labi para hindi makahalata ang mga iyon tungkol sa kalagayan ng nobyo.

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon