Chapter 1
Hindi maproseso ng kaniyang utak ang nangyayari sa ngayon. Paano nalaman ni Lester na narito siya sa gusaling ito? At bakit ang lakas ng loob nitong halikan siya na tila walang pakialam sa paligid gayong nasa bingit sila ng kamatayan?
Hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa labi niya. Akma na niyang yayakapin ito nang makarinig siya ng putok ng baril kasabay ng paghiwalay ng kanilang labi. Mahigpit siyang niyakap nito at binaril ang taong nagtangkang pumasok sa silid na iyon. Madilim sa gawi nila at kitang-kita nila ang sinumang papasok sa silid dahil doon mismo sa pinto tumatama ang liwanag ng buwan.
"Istorbo," usal ni Lester nang matanaw na bumagsak sa sahig ang isang lalaki. Ibinaon nito ang mukha sa kaniyang leeg at nagsalita, "Can't resist that delectable lips of yours." Mula sa leeg pinagapang nito ang labi papunta sa labi niya at namilog ang mga mata ng dalaga nang makita ang pagsungaw ng ulo ng isang lalaki.
"Shit!" mura niya at mabilis na kinuha ang baril mula sa kanan niyang tagiliran at itinutok mismo sa pinto. Dalawang bala ang pinakawalan niya kaya hindi naituloy ni Lester ang gagawin sana nitong paghalik sa kaniya.
"Well-prepared," komento nito.
"I've learned from an expert," tugon niya. Dumapo ang labi ni Lester sa kaliwa niyang pisngi at base sa galaw niyon, alam niyang nakangisi na naman ito.
"Let's get out of here," bulong nito. "At baka hindi ako makapagpigil, pasabugin ko ang building na ito kasama ang mga lintik na tauhan ni Drago."
"Do that and suffer the consequences. Alam mo ang ugali ni dad."
"At iyon mismo ang iniingatan ko. Galit pa sa akin ang dad mo at ayokong dagdagan pa iyon, pero kanina pa ako kating-kati na magpasabog."
"Ano?" bulong niya nang nakakunot ang noo. "Ibig mong sabihin hindi ikaw ang may kagagawan ng pagsabog ng dalawang barko sa pier?"
Wala siyang sagot na natanggap dito, bagkus isang bagay ang narinig nilang bumagsak malapit sa kanila. Umusok iyon kaya hinila siya ni Lester papunta sa pinakamalapit na bintana.
Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha nito kaya nasilayan niya ang piniligilan nitong pagtawa. "Mga baguhan," wika nito at isinuksok sa tagiliran ang hawak na baril. "Hindi nila ako madadale sa tear gas." May kinuha itong tali mula sa sukbit nitong bag.
"Don't tell me, 'yan ang gagamitin natin para makaalis dito?"
"Yup, babe. Eighth floor lang ito. Walang-wala ito sa tinatalon kong biulding noon."
"Pero..."
"Walang pero-pero, Isabella. Come on, kumapit ka sa akin." Hinapit siya nito sa baywang at tumalon sa bintana kaya napapikit na lang siya sa sobrang takot. First time niyang tumalon sa isang building at nangangamba siya sa kaninihatnan nila. Gusto niya pang mabuhay, pero itong si Lester ay tila gusto ng mamatay. Parang hindi ito natatakot sakaling bumagsak sila at magkabali-bali ang katawan. Niyakap niya ito nang mahigpit at lihim na humihiling na maayos silang makababa.
"Babe, narito na tayo," bulong ni Lester. Nakayakap ang kaliwang braso nito sa baywang niya habang nakahawak ang kanan sa tali. Humalakhak ito nang mapansin ang hitsura niya. Mahigpit kasi ang pagkakayakap niya rito at pati ang mga paa niya ay nakapulupot sa baywang nito.
"I'm not a tarsier," galit na wika niya para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman.
"I didn't say you look like one." Nakangisi pa rin ito.
Hindi na siya nakapagsalita dahil pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban. Mabilis siyang hinila ni Lester papunta sa loob habang panay ang mura.
"Shit, shit, shit! Wala pa naman akong dalang kotse." Sinuntok nito ang pader. "Damn those men! Hindi pa natuluyan."
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
AksiWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...