Chapter 10

500 22 6
                                    


Not Edited


Chapter 10


"May I join you?"

Natigil siya sa pagtipa sa cellphone nang marinig ang tinig na iyon. Nagulat siya nang iangat ang kaniyang paningin at mapagsino ang nasa harapan. Nakangiti sa kaniya ang isang lalaki na tila ba matagal na silang magkakilala.

Tumaas ang kabilang kilay niya nang maupo ang lalaking iyon sa upuang kanina lang ay inuokupa ng kliyente niya. Hindi niya maiwasang mainis nang magtawag ito ng waiter. Lihim siyang nagmura. Sa dinami-dami ng mesa rito sa restaurant, doon pa ito naupo sa mesang inuokupa niya.

"I am currently having a meeting," mahinahon niyang saad para umalis na  ito. "So if you'll excuse me-"

"O, come on, Isabella Rose del Mundo." Ngumisi ito at tinitigan siya.  "The meeting is over. I've been watching you for," ibinitin nito ang sasabihin at tumingin sa suot na relos, "for three hours now."

Tumayo na siya dahil naaalibadbaran siya sa lalaking iyon. "Excuse me. I have to go."

"Ooops! Not so fast, lady.Why don't you join me for a lunch?" 

"Tapos na ako mag-lunch," sagot niya.

Pumormal ang reaksiyon ng mukha ng taong kaharap ni Isabella. "Sa lahat ng ayaw ko ay ang taong sinungaling. Come on, join me. Who knows? May maibigay akong impormasyon sa taong matagal mo ng hinahanap." Ngumiti ito nang makahulugan at iminuwestra na maupong muli ang dalaga.

Hindi iyon pinansin ni Isabella, bagkus ay tumalikod siya pero biglang nagsalita ang lalaki kaya't nilingon niya itong muli..

"Hinahanap mo ang tunay mong ina, right?"Uminom muna ito ng tubig na kalalapag lang ng waiter saka ngumisi. "I know everything about you, Isabella Rose del Mundo. The one and only daughter of Al del Mundo who happens to be the worst enemy of Javier Monteero."

Ngumiti si Isabella para matakpan ang kabang kanina pa nararamdaman. "You must be mistaken, mister-"

"Kenneth. Kenneth Braganza."

"Kenneth Braganza," sambit niya sa pangalan ng lalaking kaharap. Saka lang niya naalala na ito ang lalaking bumunggo sa kaniya sa labas ng del Mundo Industries. Ito rin ang lalaking kasama ng Tita Elinita niya sa annual party ng organisasyon. 

"Hinahanap mo ang tunay mong ina, right?" Ngumiti ito. "Sit down and join me for lunch. I could give you some information about your biological mom. I bet my friend Leester never told you that he already found your biological mom seven years ago?"

Lalong nadagdagan ang kabang kanina niya pa nararamdaman. Wala sa sariling napaupo siya nang marinig ang huling sinabi ni Kenneth. Hindi niya alam na kaibigan ito ni Leester.

Nanatili ang peke niyang ngiti. "And you expect me to believe that? Walang alam si Leester sa buhay ko liban sa ako ang anak ng kaibigan ng ama niya. In fact, we are on a stage of getting to know each other." 

"Really?" Ngumiti nang makahulugan si Kenneth. "As far as I know, Leester told me about you seven years ago. Actually, ibinilin ka niya sa akin."

Humalakhak siya kaya naguguluhan si Kenneth. "Ibinilin? E, almost two months pa lang kaming nagkakakilala. Are you taking your meds, doc?" Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone dahil sa mga nalaman sa taong ito. Kailangan niyang magsinungaling sa kaharap. Hindi niya ito dapat pagkatiwalaan lalo na't may koneksiyon ito sa Tita Elinita niya.

"As I've told you a while ago, Miss del Mundo, ayoko sa taong sinungaling. Kung inaakala mo na paniniwalaan ko ang mga sinabi mo, pwes nagkakamali ka. I know everything about you. Kung ano ka, kung sino ka at kung ano ang koneksiyon mo kay Emilia del Mundo. Pati na rin ang tungkol sa kambal na anak n'yo ni Leester ay alam ko." Ngumisi na naman ito kaya kinilabutan si Isabella.

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon