Not Edited
Chapter 13
Sa utos ni Leester ay nauna ng pumunta ng Santa Elena si Vin kasama ang ilang mga tauhan para magmanman sa warehouse ng mga Fernil. Kailangan nilang masiguro na maayos ang magigingtransaksiyon mamayang hatinggabi.
"Dude," wika ni Tooffer kay Leester. "Hinay-hinay lang sa pag-inom ng alak. Alalahanin mong may lakad tayo mamaya." Sinenyasan nito ang isang tauhan na iligpit na ang bote ng alak.
"Kaya ko ang sarili ko." Tinungga ni Leester ang laman ng baso. Sinulyapan nito ang mga tauhan na abala sa paglalaro ng baraha saka tumingin sa gawi ng nakababatang kapatid. "Kyle, iwanan mo muna dito sa warehouse ang katangahan mo. Ayoko ng may pasanin sa mga ganitong lakaran. Kung wala kang maitutulong, mas mabuti pang huwag ka ng sumama."
"Kuya naman," bulong ni Kyle.
"Kakailanganin natin si Kyle, dude," sabat ni Tooffer. "Alalahanin mong hindi pa lubusang bumabalik ang mga alaala mo."
"I can handle myself, Tooffer." Tuluyan na niyang sinaid ang laman ng hawak na baso at inilapag iyon sa mesa.
"O, pinabibigay ni Isabella."
Ngumisi si Leester at kinuha ang balisong na sa kamay ni Tooffer. "Ang tagal kong hinanap 'to." Pinasadahan niya ng tingin ang magkabilang talim niyon. Kumikinang pa iyon sa tuwing matatamaan ng liwanag.
"Si Isabella ang gumamit niyan no'ng wala ka." Ngumisi si Tooffer. "Marami na sigurong nasentensiyahan si Isabella gamit ang balisong na 'yan. Sa'n mo ba nabili 'yan, dude? Kakaiba 'yan sa lahat ng balisong na pag-aari mo."
Napahawak sa ulo si Leester habang nakatingin sa hawak na patalim. "Bigay lang ito sa akin. 'Yon lang ang naaalala ko."
Nagkatinginan sina Tooffer at Kyle. Ngayon nila napagtanto na hindi pa talaga nila pwedeng hayaang mag-isa ang huli sa mga lakaran.
Nang tumunog ang cellphone ni Leester ay kaagad niya iyong sinagot. Rumehistro kasi sa screen ang pangalan ni Isabella. Ilang oras pa lang siyang nakaalis sa mansiyon ay nami-miss na agad niya ang dalaga.
"Babe, where are you?" tanong ni Isabella. Naririnig niya sa background ang ingay ng kambal kaya napangiti siya.
"Daddy, I miss you."
"I miss you, dad. I love you."
Tinig iyon ng mga anak nila ni Isabella. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa tuwing maririnig niya ang boses ng mag-iina niya.
"Babe?" muling saad ni Isabella sa kabilang linya nang hindi siya umimik.
"I miss you," tanging naisagot niya.
Napangisi sina Kyle at Tooffer habang nakatingin sa kaniya. Nag-apir pa ang dalawa dahil hindi nila akalain na maririnig sa bibig ni Leester ang mga salitang hindi nila narinig no'ng si Aurora pa ang kasintahan nito. Lumabas ang pagiging sweet nito nang makilala si Isabella at hindi nahihiyang ipangalandakan ang tunay na nararamdaman sa dalaga.
"I love you. Huwag n'yo na akong hintayin ng mga bata. Gagabihin ako ng uwi. Don't worry kasama ko sina Tooffer at Kyle."
"Babe, may lakad kayo?" Hindi mapigilang itanong ng dalaga.
"Ah, wala. Dito lang kami sa warehouse."
"Totoo? Pakausap nga kay Tooffer."
Bago ibigay ang phone ay senenyasan muna ni Leester si Tooffer na huwag sasabihin kay Isabella ang lakad nila. "Kausapin ka raw si Isabella." Pinakitaan pa niya ng kamao kaya tumawa si Kyle.
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...