A/N:
At dahil hindi ako nakapag-ud kahapon, dalawang chapter ang mababasa n'yo ngayon. Chapter 15 & 16. Sensiya na, may inasikaso lang akes. 'Yong mga abangers po pala sa story nina Ligs at Chuck, ni-post ko na po 'yong next chap. Ge, enjoy reading.
Not Edited
Chapter 15
Malayo pa ay tanaw na ni Isabella ang M.E. building. Nakaramdam siya ng kaba dahil ilang taon din ang lumipas nang huling makatuntong siya sa building na pag-aari ng mga Monteero. Tiyak niyang masosorpresa ang mga empleyado roon kapag nakita siya.
Matapos magbayad ay bumaba na siya sa taxi at pumasok sa lobby. Hindi nga siya nagkamali ng hinala, nanlaki ang mga mata ng guwardiya pati na ang tatlong babaing naroon sa front desk. Ngumiti siya nang tipid at lumapit.
"I have an appointment with Mr. Javier Monteero." 'Yon ang sinabi niya dahil si Javier mismo ng nagpapunta sa kaniya rito.
"Miss Isabella." Napangiti siya nang tawagin siya sa pangalang iyon. Ibig sabihin ay kilala pa siya ng mga empleyado. "Mr. Monteero is busy right now. Do you really have an appointment with him? Wala po kasi kayo sa-"
Hindi na niya hinayaan pang magsalita ang babae. "No. Not exactly. He called my secretary this morning and told me to come over. Maybe I should wait for him until he isn't busy." Naroon ang awtoridad sa boses niya dahilan para mag-alinlangan ang babaing kausap niya. Tila naumid ang dila nito dahil sa hitsura ngayon ng dalaga. Malayong-malayo sa Isabella na nakaharap nila pitong taon na ang nakakaraan.
"Yes, ma'am," saad ng babae na sa tingin niya ay napilitan lang na umayon sa kaniya.
"Fifteenth floor, right?" Nakaplaster pa rin ang ngiti sa labi niya. Alam niyang hindi siya magagawang pagbawalan ng mga iyon na umakyat patungo sa opisina ng kanilang amo.
"Yes, ma'am-"
"Thank you." Dumiretso na siya sa elevator at hindi na pinagkaabalahan pang pakinggan ang mga sinasabi ng babae. Pinindot niya ang button patungong fifteenth floor.
Gulat na gulat na mukha ni Shirley ang sumalubong sa kaniya pagkalabas niya ng elevator. Halos lumaki ang mga mata nito nang nakita siya na ibang-iba na ang hitsura. Nakasuot kasi siya ng kulay peach na business suit, nakalugay ang mahaba niyang buhok at sa unang tingin pa lang ay malayo na siya sa dating Isabella.
"What are you doing here? Hindi na si Sir Leester ang namamahala ng kompanyang ito."
"I'm here to see Mr. Javier Monteero."
"He's busy. He's in the middle of a meeting right now." Tumaas ang kilay nito kaya napangiti nang lihim ang dalaga. Hindi pa rin talaga nagbabago ang sekretarya ng mga Monteero. Wala pa ring respeto sa bisita. "You shouldn't be here."
Imbes na mainis ay napangiti na lang ang dalaga. "Mr. Javier Monteero called my office this morning and told me to come over."
"I don't believe you."
"It's okay," saad ng dalaga. "I'll just wait for his meeting to be over." Umupo na siya sa sopa malapit sa mesa ni Shirley. Ayaw niyang makipag-argumento dahil masasayang lang ang laway niya sa walang kakwenta-kwentang tao.
Inabala niya na lang ang sarili sa pagtingin ng mga pictures ng kambal sa kaniyang cellphone. May ipinadala kasing mga larawan kanina si Leester. Namasyal ang kambal kanina kasama ang ama, hindi na siya nakasama dahil abala siya sa trabaho sa DM Industries.
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...