Chapter 7

1.1K 43 65
                                    


Chapter 7

Mga lalaking nasa edad singkwenta pataas ang makikita sa labas ng pamosong hotel na pag-aari ng mga Monteero. Sabay-sabay na dumating ang tatlong lalaking iyon sakay ng kani-kanilang magagarang sasakyan. Nagsipagbigay-galang ang mga guwardiyang nakatalaga sa bungad ng hotel nang papasok na ang tatlong lalaki kasunod ang mga bodyguard.

"Tiyak kong magugulat si Javier sa magiging panukala ko mayamaya sa pagpupulong," bulong n'ong lalaking medyo may katabaan sabay ngisi.

"Tama ka, compadre," pagsang-ayon ni Mr. Pong. Kinapa nito ang kaliwang tagiliran na tila ba may bagay na inilagay roon na hindi dapat mahulog. "Katunayan, kahit ako ay nagulat din nang sinabi mo sa akin ang plano mo sa organisasyon."

"Wala nang magagawa si Javier." Tumingin ang lalaking may katabaan sa isa pa nilang kasama. "Maging ikaw, Mr. Ling, ay manghang-mangha sa mga plano ko."

Napilitang tumango si Mr. Ling, nilingon ang mga guwardiyang naroon at sinenyasan ang dalawang kasama na manahimik. Waring nakuha naman ng dalawang lalaki ang nais nitong iparating kaya naglakad na sila patungo sa naghihintay na elevator.

"Heto na pagkakataon para tayo naman ang magpayaman, mga compadre," muling saad ng lalaking may katabaan habang papataas ang elevator. "Hindi pwedeng si Javier lang ang makinabang sa lahat."

"Tama," kaagad na sagot ni Mr. Ling. "At wala siyang magagawa kundi ibigay sa iyo ang posisyon."

"Pero may isa tayong problema," sabat in Mr. Pong. "Buhay ang panganay niya. Papaano kapag—"

"May amnesia si Lester, Mr. Pong," nakangising saad ng lalaking may katabaan. "Sinong tanga ang magtitiwala kung ang panganay ni Javier ang muling hahawak sa organisasyon?"

Hindi na umimik pa ang dalawang lalaki dahil narating na nila ang palapag kung saan gaganapin ang pagpupulong. Nakaplaster ang ngiti sa labi ng lalaking may katabaan, subalit bigla rin iyong napawi nang mapansing may dalawang bakanteng upuan.

"Alas otso ang pagpupulong!" Tumaas na ang boses nito. "Pero hanggang ngayon ay wala pa si Javier?!"

"Parating na po si Mr. Monteero, Mr. Ho," sagot ng lalaking naatasan na mag-asikaso sa mga darating na bisita. "Kasama po ang representative ni Mr. del Mundo."

"Mr. del Mundo." Kinamot ni Mr. Ling ang sariling baba na tila ba nangangati iyon saka umiling-iling. "Ngayon lang nangyari na nagkaroon ng representative si Al."

"At sino naman kaya iyon?" tanong ni Mr. Pong. "Possible kayang si—" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa kanilang harapan sina Isabella at Lester kasunod si Anton.

Matalim ang mga mata ni Lester na tila naghahamon ng away, samantalang si Isabella naman ay nakangiti sa mga bisita at aakalain mong isang anghel sa suot nitong puting business suit. Nakalugay ang hanggang baywang nitong buhok na lalong nagpatingkad sa angking ganda. Halos malaglag ang mga panga ng mga bisitang dumalo sa pagpupulong na iyon habang papalapit ang tatlo sa mesa.

"At ano ang ginagawa ng isang babae sa pagpupulong na ito?" kaagad na tanong ni Mr. Ho. Pormal ang mukha nito habang nakatingin sa dalaga.

"Oh, I'm sorry, sir." Nakangiti pa rin si Isabella at tila wala sa kaniya ang galit na nararamdam ng lalaking katabi. "My dad, Mr. Al del Mundo wants me to attend this meeting." Inilahad ng dalaga ang kamay. "Nagkita na tayo sa annual party, but still I want to introduce myself. I am Isabella Rose del Mundo."

Tiningnan lang ni Mr. Ho ang nakalahad na kamay ng dalaga saka tumingin sa gawi ni Lester. "Ang alam ko hindi puwede ang babae sa mga pagpupulong na kagaya nito, Mr. Monteero."

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon