Not Edited
Chapter 21
Mula sa labas ng mansiyon ay tanaw ng pamilya Monteero ang pagpasok ng kinalululanang kotse ng mag-asawang del Mundo. Nakangiti man pero abot-abot ang kaba sa dibdib ni Charlotte at lihim na humihiling na sana maging maayos ang lahat. Minsan na kasi niyang nasaksihan ang galit ni Al sa kaniyang asawa.
"Relax, dude," bulong ni Tooffer nang pababa na ang mag-asawang del Mundo. "Alalahanin mong may hawak kang alas."
Palihim itong siniko ni Leester saka nilapitan ang mag-asawang del Mundo. "Welcome back, tita, tito," bati niya sa mag-asawa.
"Raine." Ngumiti si Emilia at kaagad na niyakap ang binata. "You're alive. Ilang taon ka naming hinanap." Nilingon nito ang asawa na kanina pa walang emosyon ang mukha. "Al..."
"Compadre," saad ni Javier at akmang lalapitan ang dating kaibigan para makipagkamay subalit pinigilan ni Charlotte.
"Tito... I'm sorry. Hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo." Akmang luluhod si Leester sa harap ni Al.
"You did it before, never do it again," pigil ni Al sa tangkang pagluhod ng binata.
"Tito...?"
"We're here to say thank you for everything." Ngumiti si Al kaya nabawasan ang kaba na kanina pa nararamdaman ni Leester, maging ang mag-asawang Monteero ay tila nabunutan ng tinik. "Thank you for saving my daughter even if it cost your life." Matapos yakapin ay tinapik ni Al ang balikat ng binata. "I'm proud of you, inaanak."
Lumuwang ang pagkakangiti ni Leester at nilingon ang ama. Lumapit naman si Javier kaya napaawang ang labi ni Charlotte. Maging si Emilia ay nag-aabang sa magiging reaksiyon ni Al.
Nagkatinginan ang dalawang ginang at sabay na napangiti nang makipagkamay sa isat' isa ang kani-kanilang asawa. Nagtapikan pa ng balikat kaya napangiti na rin si Tooffer.
"Ang kambal?" tanong ni Al nang igiya sila ng mag-asawang Monteero papasok ng mansiyon.
"Lolo Dad, Lola 'My," magkapanabay na tili ng kambal nang makita sina Al at Emilia. Patakbo silang bumaba ng hagdan.
"Be careful, kids," paalala ni Leester sa mga anak.
"How are you, babies?" biro ni Al nang makaupo sila sa sopa.
"Lolo Dad!" magkapanabay na reklamo ng kambal. "We're not babies anymore."
Tumawa si Al habang yakap si Nessa, yakap naman ni Emilia si Nell.
"Lolo Dad," kwento ni Nell. "We finally found our daddy."
"Yes, Lolo Dad," segunda ni Nessa. "We're so happy we found him. Mommy won't cry anymore." Natigilan ang mag-asawang del Mundo sa narinig pati na ang mag-asawang Monteero.
"So, how's your mommy?" tanong ni Emilia.
"She's fine, Lola 'My," sagot ni Nell.
Nang mabaling ang atensiyon ng kambal sa meryendang dala ng katulong ay nagkaroon ng pagkakataong makausap nang sarilinan ni Al ang mag-amang Monteero. Sila lang ang naroon ang loob ng study room kaya walang makakarinig ng kanilang pag-uusap.
"Tito," panimula ni Leester. Sinalakay na naman siya ng kaba habang kaharap ang ama ng kaniyang pinakamamahal. "Wala pa rin pong nagbabago sa desisyon ko. All I ask is just a month or two," tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa sariling ama saka muling ibinalik ang paningin kay Al. "Ilalayo ko ang pamilya ko sa mundong kinalakhan ko."
"Leester!" Tumaas ang boses ni Javier. Hindi niya inaasahan na kakalas sa grupo ang panganay niyang anak. Si Leester pa naman ang inaasahan niya sa kanilang mga negosyo. "Wala sa usapan natin 'yan."
"Just respect my decision, papa. Ayokong pagdaanan ng kambal ang mga pinagdaanan ko. Noon pa man ito na ang desisyon ko, desisyon namin ni Isabella."
Walang emosyon ang mukha ni Al habang nakamasid sa mag-amang Monteero. Ngayon niya lang napagtanto na may isang salita ang nobyo ng anak, pero si Javier ay wala pa ring pinagbago; gahaman pa rin sa kapangyarihan.
"Why do you have to wait for two months, Raine?" Uminom si Al ng alak. "You can do it now." Gusto niyang subukan si Leester kung hanggang saan ang kaya nitong ibigay alang-alang sa sinasabi nitong pag-ibig.
"Because I need to look for Tita Monica."
"Monica...?" Tila may naalala si Al sa pangalang iyon. Nilingon niya si Javier na waring kinukumpirma kung tama ang kaniyang narinig. "Patay na si Monica."
"No, tito. She's alive."
"Oo, compadre," sang-ayon ni Javier. "Buhay si Monica."
"Papaano nangyari iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Al. "Kitang-kita ko kung paano mo siya binaril bago siya nilamon ng sunog." Mababa lang ang boses ni Al pero naroon ang pait sa bawat salitang binitiwan. "Pati 'yong batang walang kamalay-malay ay nadamay sa sunog na iyon."
"Si Tooffer ang batang 'yon," saad ni Javier. "Kami na ni Charlotte ang nagpalaki sa kaniya dahil hindi na nakaligtas ang mga magulang niya sa sunog na iyon. Hindi si Monica ang binaril ko kundi ang lalaking inutusan ni Elinita para patayin si Monica."
Matamang nakikinig si Al sa paliwanag ni Javier. Nabunutan naman ng tinik ang huli dahil matapos ang mahighit dalawang dekada ay nakipag-usap na rin sa kaniya ang dating kaibigan.
"Gusto kitang kausapin matapos ang insidenteng iyon para sabihin sa 'yo ang totoong nangyari pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil palaging nariyan si Elinita. Isa pa pinigilan ako ni Monica sa sobrang galit niya sa 'yo. Ang alam niya ikaw ang nagpapapatay sa kaniya para makuha mo ang bata at muli kayong magkabalikan ni Emilia."
"Wala akong intensiyong gano'n." Muling uminom ng alak si Al. "Kumusta ang naging buhay niya?"
"Maayos naman. Nagtapos siya ng kursong medisina sa Amerika at doon na rin nakapag-asawa pero namatay rin matapos ang ilang taon."
"Siya ang nag-alaga sa akin noong tumira ako sa America, tito," sabad ni Leester. "Pero ni minsan ay wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa inyo. Nalaman ko lang ang lahat nang umuwi ako at nakilala si Isabella. Nagkita sila sa coffeeshop-"
"Coffeeshop? Ibig sabihin nakilala na ng anak ko si Monica?"
"Oo, ti-" Hindi naituloy ni Leester ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng study room at iniluwa niyon si Isabella.
"Dad!" Napakahigpit ng pagkakayakap ni Isabella sa ama. "You should have called me. Nasundo ko sana kayo sa airport."
"Ayaw ng mom mo na maabala ka sa trabaho."
"Dad naman!" Isinandal ni Isabella ang ulo sa balikat ng ama. Napangiti naman mag-amang Monteero. "I heard Tita Monica's name a while ago. Pinag-uusapan n'yo ba siya?"
"Yes, babe," kaagad na sagot ni Leester. Nagkatinginan naman sina Javier at Al na bigla na lang namutla. Kung hindi lang nakasandal ang ulo ni Isabella sa balikat ng ama, mapapansin niya ang lihim na pinakatago-tago nito. "She's a doctor-"
"At gusto kong siya ang tumingin kay Leester, hija," sabat ni Javier.
"But she's an OB Gynecologist, tito. In fact siya ang doktor ko bago kami nagkahiwalay seven years ago."
"She's not just an OB, hija."
Nakikinig lang si Al sa pag-uusap ng tatlo. Hindi siya makapaniwala na malayo na ang narating ni Monica. Wala siyang kaalam-alam na buhay pala ang tunay na ina ni Isabella.
Nang mapansin ni Leester ang pananahimik ni Al ay nagpasya siyang yayain palabas ang nobya. Gusto niyang magkausap ng sarilinan ang dalawa para tuluyan na silang magkaayos. Isa pa ayaw niya munang ipaalam kay Isabella ang tungkol kay Monica. Sa pagkakataong ito ay hahayaan niyang si Al na ang bahalang magsabi ng katotohanan.
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...