Not Edited
Chapter 11
"Kailangan na naming lumipat next week, papa." Umupo si Leester sa sopa at kinuha ang baso na may lamang alak. Sasawayin na sana ni Isabella ngunit bigla na lang nagtagis ang bagang nito nang dumating ang nakababatang kapatid na lalaki.
"Kung ako lang ang masusunod," sabat ni Charlotte. "Mas gusto kong dumito kayo, Rose. Wala na ba talagang pag-asa na magbago ang plano ninyo?"
"Ayokong sumunod sa yapak ko ang aking mga anak." Mabilis niyang sinaid ang alak sa baso. Inisang lagok niya lang iyon saka inilapag ang baso. "Ayokong mamulat ang mga anak ko sa ganitong buhay. Ayoko silang makita na nakikipagpatayan para lang mabuhay. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa aking pamilya, papa."
"Leester anak." Hinaplos ni Charlotte ang balikat ng anak.
"Mama, hindi ko kaya makita ang anak ko na naghahawak na ng baril sa murang edad. Kagabi nagsumbong sa amin si Nessa na palaging may hawak na baril si Nell."
"Saan naman niya nakuha nakuha ang baril na iyon?" Biglang nagbago ang kanina'y maaliwalas na mukha ng matandang Monteero. "Mahigpit ang bilin ko sa mga tauhan natin na huwag na huwag pakikitaan ng baril ang mga apo ko."
"Bakit hindi n'yo tanungin ang magaling n'yong anak?" Pinukol ni Leester ng matalim na tingin ang nakababatang kapatid.
"Kyle...?" Nilingon ni Javier ang anak. "May kinalaman ka ba sa bagay na ito? Huwag mong sabihing-"
"Papa." Rumehistro ang takot sa mukha ni Kyle. "Isang beses lang naman-"
"Damn you, Kyle!" nagngangalaiting sigaw ni Leester kahit hindi pa tapos magsalita ang kapatid. "Masama kang impluwensiya sa anak ko! Alam mo bang kahit laruang baril ay hindi namin binibilhan si Nell dahil ayaw namin na tumatak sa utak niya kung para saan ang bagay na iyon."
"Pero kuya, mas maiging bata pa lang alam na niya-"
"Walanghiya ka, Kyle!" muling sigaw ni Leester at kahit kaharap pa ang mga magulang ay hindi ito nagpatinag, mabilis itong tumayo at sinuntok sa panga ang kapatid. Galit na galit ito at kahit anong pigil ng mga magulang ay hindi nila maawat. Tulala naman si Isabella at kung hindi pa sumigaw si Kyle sa sakit na dulot ng mga suntok ng nakatatandang kapatid ay hindi kikilos ang dalaga.
Mabilis na niyakap ni Isabella ang nobyo. "Get out, Kyle! Get out!" bulyaw niya habang pinipigalan si Leester.
"Isabella, bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas na si Leester. "Papatayin ko ang lintik na 'yan!"
Mabilis na lumabas si Kyle sa takot. Unti-unti namang kumalas si Isabella sa nobyo pero nang mapansin niyang may balak itong sundan ang kapatid ay mabilis niya itong itinulak paupo sa sopa.
"Enough, Raine," mahinahon niyang saad. "Kapatid mo 'yon. Kausapin mo na lang na huwag ng uulitin."
"Matigas ang ulo ng lalaking 'yan."
"At ikaw hindi?" saad ni Isabella kaya lihim na napangiti ang mag-asawang Monteero.
"Kung hindi dahil sa kaniya, matagal na tayong nakaalis sa bahay na ito." Hinawakan n ito ang doorknob dahil desidido talagang sundan ang kapatid.
"Leester, hijo," wika ng ginang. "Hayaan mo na ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya mamaya."
"Tama ang mama mo, anak," sabat naman ni Javier.
Inis na bumalik sa pagkakaupo si Leester nang hawakan siya ni Isabella sa braso. "Palagi n'yo kasing kinukunsunti kasi kaya namimihasa. Laging ako ang tagalinis ng kalat niya kaya puro kapalpakan ang alam ng kapatid kong 'yon."
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...