Not Edited
Chapter 14
"Are you mad, Raine?" tanong ni Isabella nang pauwi na sila sa mansiyon ng mga Monteero. Nakaupo silang dalawa sa likurang bahagi ng kotse. Si Kyle ang nagmamaneho, nasa unahang bahagi rin ng sasakyan si Tooffer.
"I'm not." Isinandal ni Leester ang ulo ng kasintahan sa kaliwang parte ng dibdib niya saka hinagkan ang tuktok ng ulo. Nasorpresa talaga siya sa ginawa ng dalaga, hindi niya akalain na magagawa nitong magpunta sa Santa Elena.
"Sorry if I had to do it. Alam kong mag-aalala ka kaya hindi ko na ipinaalam sa 'yo."
"Why did you do it, babe?"
"Oo nga, Isabella," sabat ni Tooffer. "Parang halimaw na naman 'yan kanina sa sobrang pag-aalala sa 'yo. Halos paliparin ang kotse papuntang Santa Elena."
Ngumiti lang ang dalaga at hinawakan ang braso ng kasintahan na nakapulupot sa tiyan niya. "Naging maayos naman ang kinalabasan, di ba? Kaya huwag ka ng mag-alala."
"Never do it again, babe." Kinuyom ni Leester ang kanang kamao at ipinikit ang mga mata. Ala una na nang madaling araw kaya inaantok na siya pero hindi niya pa rin magawang matulog dahil nagsusumiksik sa utak niya ang nangyari.
"Narito na tayo," anunsiyo ni Kyle at bumaba na ng kotse.
"Kuya," bungad sa kanila ni Cathy.
"O, bakit gising ka pa, Cathy?" tanong ni Leester. "Ang kambal?"
"Kanina pa nakatulog ang kambal. Hinihintay kayo ni papa sa study room. Kanina pa hindi mapakali dahil nawawala si Rose." Tumingin ito sa gawi ng dalaga. "Hindi ka man lang nagpaalam sa amin, Rose."
"Pasensiya ka na, Cathy. Nagmamadali kasi ako kanina." Sumama na si Isabella kay Leester papasok sa study room.
"Rose!" magkapanabay na saad ng mag-asawang Monteero.
"Nag-alala kami sa 'yo, iha." Tumayo si Charlotte at niyakap si Isabella. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa 'yo. Kanina lang namin nalaman na nagpunta ka sa Santa Elena. Masyadong mapanganib ang lugar na iyon, iha." Pinaupo siya ng ginang. Si Javier naman ay nagsalin ng alak sa baso.
"Pasensiya na po, tita. Tumawag po kasi kanina si Tito Anton at nalaman kong papunta siya sa mga Fernil kaya naisipan kong sumama."
"Kumusta ang lakad n'yo?" tanong ng matandang Monteero saka lumagok ng alak na ikinailing ng ginang. Kanina pa kasi ito umiinom ng alak na tila wala ng bukas.
"Excuse me," paumanhin ni Isabella saka tumayo. "Titingnan ko lang ang mga bata sa taas." Lumabas na siya ng pinto at dumiretso sa kwarto ng kambal.
Napangiti siya nang makitang mahimbing na natutulog ang mga anak. Matapos ayusin ang kumot ay hinalikan niya ang noo ng kambal saka lumabas na ng silid. Hanggang ngayon nawiwindang pa ang utak niya sa mga napag-usapan nila ni Luz Fernil.
Pumasok na siya sa kwarto nila ni Leester at dumiretso sa terrace saka naupo. Pilit niyang inaanalisa kung bakit ngayon niya lang nalaman na magkakilala pala si Luz Fernil at ang kaniyang amang si Al. Kung hindi pa siya nagkusnag sumama sa Tito Anton niya ay hindi niya ito makikilala. Pero ang mas lalo niyang ipinagtaka ay wala man lang itong nabanggit tungkol kay Kenneth Braganza.
"Hindi ka pa ba inaantok, babe?" tinig iyon ni Leester. Papalapit ito sa kaniya at matiim na nakatitig sa mukha niya. "Pumasok na tayo, malamig dito."
"Mamaya na." Bumuntong-hininga siya. "Hindi pa ako inaantok."
Dahil ayaw naman niyang pumasok ay umupo si Leester sa tabi niya at ipinulupot ang kaliwang kamay sa baywang niya. "What's bothering you?" bulong nito sa tainga niya.
"Ah, wala 'to, Raine. You sure you aren't mad at me?"
Ngumiti si Leester. "Why would I?"
"Because-"
"Isabella, it's okay." Humugot ng malalim na hininga si Leester. "Nagtataka lang ako kung bakit kinuha mo siya bilang isa sa mga principal sponsors gayong hindi pa natin siya lubusang nakikilala."
"I'm sorry. Dahilan ko lamang iyon para makausap ko siya. Gusto kong malaman kung ano talaga ang kaugnayan niya kay Kenneth Braganza. Pinaimbestigahan ko na ang doktor na iyon, pero hindi ma-trace kung saan siya nanggaling o kung sino ang totoo niyang magulang. Isa pa s ipinagtataka ko ay kung bakit hindi kilala ni Luz Fernil si Kenneth. Ayon sa imbestigasyon ni Kuya Vin ay si Luz Fernil mismo ang nagpalaki sa doktor na iyon. Nagdududa tuloy ako sa trabaho ni Kuya Vin."
"Ginugulo ka ba ng doktor na iyon?" Nagtagis ang bagang ni Leester. Mapapatay niya ang taong iyon.
"Hindi naman, babe. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang kilalang-kilala niya tayo. Sinabi niya mismo na magkakilala kayo noon pa. Sigurado ka bang hindi mo pa siya nakikilala?"
Napahawak na naman sa ulo si Leester. "Hindi ko talaga siya kilala o baka nakilala ko siya noon at hindi ko lang maalala."
Hinawakan ni Isabella ang likod ng ulo ni Leester. "It's okay. huwag mong pwersahin ang sarili mo." Ngumiti siya at ginawaran ng halik ang labi ng binata. "Matulog na tayo, babe."
***************
"Kinuha ni Rose si Luz bilang isa sa mga principal sponsors?" hindi makapaniwalang tanong ni Javier nang lumabas si Leester. "Nahihibang na ba siya? Hindi niya kilala ang babaing iyon."
"Iyon din ang sinabi ko sa kaniya sa kanina habang pauwi kami," sagot ni Kyle.
"May palagay akong hindi talaga iyon ang sadya ni Isabella sa mga Fernil," sabat naman ni Tooffer. Kumuha na rin ito ng baso at nagsalin ng alak. "Dahilan lang iyon ni Isabella. Sa tingin ko, tito gusto niya lang malaman ang pagkatao ni Luz. Isa pa ang pagkakaugnay ng babaing iyon kay Kenneth Braganza."
"Masyado akong pinag-iisip ng doktor na 'yan!" gigil na saad ni Javier. "Parang kabute na bigla na lang sumusulpot."
"Huwag kang mag-alala, papa, may kalalagyan sa akin ang kabuteng 'yon."
"Huwag mong gagalawin ang doktor na 'yon, Kyle," saway ni Tooffer. "Hayaan mong sina Isabella at Leester ang magdesisyon."
"Pero, Tooffer-"
"Walang pero pero, Kyle. Sundin mo na lang ang sinabi ko. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa pagdedesisyon." Kumunot ang noo ni Tooffer. "Malay natin sa mga susunod na araw, e, mapakinabangan natin ang doktor na 'yon."
"Anong pakinabang ng isang totoy na gaya niya? Bukod sa napakabata, e, patpatin pa. Kasing edad lang yata 'yon ni Rose."
"Never underestimate your enemy, Kyle. Walang nakakaalam sa susunod na mangyayari." Hindi nakaimik si Kyle. Sinaid naman ni Tooffer ang laman ng baso. "Huwag na huwag kang kikilos hangga't hindi mo alam kung ano ang totoo." Tumayo na ito para lumabas ngunit pinigilan siya ng matandang Monteero.
"Ano sa tingin mo ang pakay sa atin ni Luz Fernil?"
"Tito," alanganing sagot ni Tooffer. "Mahirap basahin ang babaing iyon. Maging si Leester ay nahihirapan. Masyadong misteryosa at hindi mo malaman kung kakampi o kaaway. Kailan pa siya dumating sa probinsiyang ito, tito?"
"Ngayong taon lang at kailan ko lang siya nakilala no'ng magkita kami ni Anton sa isang convention. Isa sa mga speaker ang babaing 'yon. Kung hindi lang mapera, nungka ko siyang tanggapin sa organisasyon."
"Kailangan nating mag-ingat sa babaing iyon," muling saad ni Tooffer. "Mas mabuti na ring kinuha siya ni Isabella para maging ninang nila sa kasal ni Leester nang sa gano'n mamomonitor natin ang bawat galaw niya."
"Isa pa ang kasal na 'yan sa pinoproblema ko. Mukhang lahat yata ng mga bigating negosyante ay gustong imbitahin ng anak ko." Napailing-iling si Javier.
"Anong magiging problema do'n, papa?" tanong ni Kyle. "Ayaw mo ba no'n malalaman ng lahat na sa wakas magkasundo na ang dalawang pamilya."
"Hindi ko gusto ang ilang mga negosyanteng nasa listahan. Wala akong tiwala sa mga 'yon. Lalong-lalo na ang Mr. Ling na 'yon. Minsan hindi ko rin maintindihan si Leester."
BINABASA MO ANG
Kailan Naging Anghel Ang Halimaw? (Book 3)
ActionWarning: Matured contents ahead. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Matuto po tayong sumunod. 18 years old po pataas ang pwede magbasa ng story na ito. ______________ "Kaya kong magbago, pero kung ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng babaing mahal ko...